Chapter 4

34 5 0
                                    

Kinahapunan ng araw ding iyon ay nagkita kita kame ng mga ka-banda ko sa may V mapa at doon tumambay sa suki naming praktisan. Nakapagpalit na ako ng mas matinong damit (napilitan akong bumili sa SM) at ngayo'y naghihintay na lang sumalang sa set.

"May nakasakayan ako kanina sa LRT, pinahiraman niya ako ng jacket. Taga Sigma Thi." Sabi ko kay Xang, ang drummer at born-to-be-kagawad ng grupo. (Kilala niya halos lahat ng mga nakakasalubong namin).

"Oh, anu itchura?" Sabat naman ni Khey, ang aming vocalist slash keyboardist na Psychology major.

"Eh di chx. Tsaka mabango, tapos ." Sagot ko habang inaamoy-amoy yung yellow jacket na kasalukuyang ini-inspeksyon ni Xang.

"Dapat kinuha mo yung number." Pang-aasar ni Khey.

" Maiisip ko pa ba yun? Eh halos ma late na nga ako kanina." Depensa ko naman, pero sa isip isip ko ay hinayang na hinayang din naman

" Tsaka, nakakahiya naman di ba? Mukha na akong basang sisiw kanina malamang di din naman niya ibibigay." 

Bahagya akong nalungkot sa sinabi kong iyon. Alam ko kasi na may halong katotohanan ang mga salitang binitiwan ko. Syempre, sino ba namang matinong lalaki ang magbibigay ng number nila di ba? Sa katulad ko pa?

Agad kong iwinaksi ang aking pagiilusyon at agad na ibinaling ang atensyon sa lyrics sheet na ipinamumudmod ni Jin.

"Puro OPM eto ah. Tsaka lahat bago, maaaral ba namin 'to hanggang Sabado?" ang mahinhing pagrereklamo ni Rae, ang aming bunso sa grupo.

"Wen, yung sinusulat niyong kanta ni Khey, kamusta na nga pala?" baling naman sakin ni Jin na tila walang balak sagutin ang tanong ni Rae.

"Ah... ayun, di pa din tapos." Sagot ko sa kanya sabay tingin kay Khey na kunware ay busy sa pagbabasa. (nakakahilo)

Napabuntong hininga na lang ako. The unfinished song that will never be finish. Sinimulan naming isulat ni Khey yung kanta noong mga high school pa lang kami. Para sana yun sa isang prestihiyosong song writing contest na pakulo ng school na sponsored naman ng mga pulitiko sa aming lugar. Malaking papremyo ang naghihintay sa kung sino man yung mananalo dun. Sobrang inspired kaming apat ng mga ka banda ko lalong lalo na si Khey, nasa Ospital kasi yung ate niya during that time. Cancer sa lymph nodes. Napagdesisyunan namin na kapag nanalo kami, ibibigay namin yung premyo para sa operasyon nung ate niya. Pero halos wala pa kami sa kalagitnaan nung kanta, ni hindi pa nga namin napa-finalize yung parte ng chorus eh, ng biglang isang araw ay tumawag ang mama niya at sinabi ang malungkot na balita. Hindi man lang narinig nung ate niya. Simula noon, kung saang part kami ng kanta huling tumigil sa pagsusulat, andun pa din kami hanggang ngayon. Hindi na ulit umusad pa, hindi na ulit nadugtungan pa. May mga pagkakataon na pinipilit kong siksikan ng kahit anong lyrics, kaso wala talaga e. Nga nga. Tila wala ng bumabagay na salita.

Mga bandang alas singko na kami opisyal na simulang nakapag praktis. Sa anim na kantang inihanda ni Jin, tatlo lang yung matino naming nairaos tugtugin. Nakakaloka. Habang namumulala ako sa aming ginagawa at halos mabiyak na ang mga daliri sa kaka-kalabit ng kwerdas ng gitara, biglang sumagi sa isip ko si 'Cyan'. Naisip ko kung makikita ko pa kaya siya. Kung maalala ba niya yung design ng bra ko. O kaya kung manghihinayang ba siya sa pagpapahiram (pagdo-donate) sakin ng jacket. Asan kaya siya sa mga panahong ito?

The Girl Painted in sepiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon