Two years ago.
June, 2011
Ang isang araw ay nahahati sa tatlong bahagi: Umaga, tanghali at gabi. Sa umaga natatapos ang trabaho ng mga call center agents na nasa graveyard shift habang sa gabi naman nagsisimula ang mga booking at iba't-ibang raket na talamak sa Cubao. Sa tanghali, ewan ko, di ko alam kung ano ang madalas na mangyari maliban sa pagdi-display ng isang placard sa labas ng ilang establisyemento na may nakasulat na: Lunch Break. Sa tatlong ito, umaga ang pinakapaborito ko. Yung tipong pasikat pa lang yung araw at tila isang atat na atat na etchas na nagpupumilit lumabas sa likod ng mga ulap. At sa stereotype na paglalaban ng liwanag at dilim, syempre mas nananaig pa din ang kabutihan kaya araw-araw ay nabibigyan tayo ng pagkakataon para gamitin ang simpleng text message na 'Good Morning! (smiley optional)' at i-send ito sa lahat ng contact sa phonebook hanggang mag fail to send only to find out na hindi ka pa pala unli.
6:00 AM
Nagsimulang mag-alarm ang cellphone ko at kumanta ng Rolling in the Deep ni Adele. Pag umabot na sa chorus ang kanta, dun na ako babangon at saka dideretso papunta sa banyo dahil ibig sabihin nun ay late na ako ng 1 minute and 8 seconds sa aking daily scheduled routine.
'And you played it, you played it, you played, you played it to the beat.'
"Holy crap! Late na ako!"
Napabalikwas ako sa kama at nauntog sa bakal na itaas ng double deck. Natapos ang buong kanta, ibig sabihin late na ako ng exactly 3 minutes at 49 seconds, plus 20 minutes na biyahe, plus traffic, plus yung presentation ko mamayang 7:30 equals End of the World!
"Sana may bagyo. Sana may bagyo. Sana may bagyo."
Pero syempre wala. Ni ambon wala. Pasikat na ang araw at di pa rin ako nakakaligo. Pagpasok ko sa banyo ay naging three in one ang purpose ng Sunsilk- shampoo, sabon at facial wash. Hindi na dapat ako maliligo kaso ngayon kasi ang isa sa mga pinakaimportanteng araw ng buhay ko bilang estudyante at dito nakasalalay ang kalahati ng grades ko kaya mas minabuti ko ng maligo kesa humarap sa mga professor ko ng sabog sabog ang buhok at may muta pa sa mata. Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng corporate di umanong attire at saka isinuksok lahat ng gamit sa bag. Paglabas ko ng bahay ay tumakbo ako papunta sa may paradahan ng jeep, sumakay at saka taimtim na nagdasal na sana ay mag-announce ang PAGASA na walang pasok dahil sa loob lamang ng tatlong oras ay dadating ang isang super typhoon na nagngangalang Pedring.
Maya-maya pa ay biglang nagsabe si Manong Driver na
"Oi, yung mga ayaw mabasa dyan. San Juan day po ngayon".
Marahil sa pag-aakalang ganoon na lamang ang aking pagnanais na mabasa at magkaroon ng bagyo kaya't naisipan ng langit na mag-improvise ng mini version ng super typhoon. Kung minamalas ka nga naman o. Sa mga hindi ho nakakaalam, ang Araw ng San Juan ay isang traditional legalized prank kung saan ang mga taong nakatira sa may San Juan ay gigising ng maaga upang mag-ipon ng galon-galong at drum-drum na tubig na di mo alam kung saan galing dahil kung minsan ay amoy kalawang ang mga ito, at saka maligalig na ibubuhos sayo hanggang mabasa ka mula ulo hanggang paa; t-shirt to bra.
Actually, nung unang salta ko dito sa Maynila, mangiyak ngiyak din ako nung ma-experience ko ang hagupit ng San Juan Day. Grabe, daig pa ang Ondoy eh. Kaya pala konti lang mga tao sa jeep nun at saka nagsibabaan yung ibang mga pasahero nung sabihin ni Manong driver na San Juan day. Eto pala yun--- brutal na basaan. Anyway, wala na akong magagawa. 'Di na ako nakapara ng jeep. And for the second time around, pinaliguan ako ng tubig na amoy ewan ng hindi sinasabunan. Dahil nasa loob ng bag ko ang mahahalagang dokumento, papeles at kung anik-anik pa na kakailanganin ko para sa presentation mamaya kung kaya't minabuti kong protektahan ito ng buong giting at mahigpit na niyakap. 'Di bale ng mabasa ako wag lang 'tong gamit ko. Never! Over my dripping wet bodehh!
BINABASA MO ANG
The Girl Painted in sepia
Fiksi UmumFleeting moments of happiness... That's what a photo preserves; For reality will always find its way to rip that glorious second and confine it into the infinite archive of the past. And so, human beings, with all its vanity and love for temporary t...