Chapter 3
"And that ends my presentation. Thank you all for listening."
(mild applause)
"Good job Ms. Laxamana. Thank you for that wonderful presentation. Uhm, however, I would like to comment something about your rather disheveled looks today. Wearing that jacket had cost you 20 points deduction you know."
(Sa isip ko: 'Wearing this jacket had allowed me to cover my kiddie brassiere be exposed in the world you know.')
Kung i-eexplain ko pa ang trahedya na dinanas ko ngayong araw na 'to, baka hindi lang 20 points deduction ang makuha ko. Anyway, nag-sorry na lang ako at sinabing may lagnat kasi ako at tsaka nilalamig kaya nag-jacket ako. Matapos kong mag-present ay nagsimula ng magsialisan ang mga tao sa auditorium. Ito lang kasi yung klase namin ngayong araw na 'to kaya siguradong uuwe na yung iba o di kaya'y tatambay sa mall. Habang inaayos ko yung mga gamit ko at tsaka yung projector na hiniram ko kay Ma'am Em, napansin ko na may dalawang nilalang na papalapit saken at tumatawa-tawa habang naglalakad.
"Ui bek, naamoy mo yun? Ang kyoho. Shudi siguro naligo si merlat. Kadiri" (evil laugh)
Wow, kung sinuswerte ka nga naman o. Ang aking number 1 and 2 ½ fans: Si Sharon at si Squidward. Sila yung dalawa kong kaklase na ginawa ng hobby ang pambuburaot sa buhay ko (at sa buhay ng ilang mga classmates ko). Mga code name lang nila yan, si Sharon yung medyo healthy kong classmate na may pagka bunot yung style ng hair tapos si Squidward naman yung classmate ko na may resemblance dun sa kapitbahay ni Spongebob. 'Di naman talaga sila ganun kasama, yun nga lang, pag natripan ka nilang ilagay sa to-be-bullied-list nila, well...
"Ui, hi." Ang mabait kong bati dun sa dalawa.
"Anyare sayo te? Ligo- ligo din minsan ah."
"Ahh. Hehe. San Juan day pala ngayon? Buti di kayo nabasa?" (Sana mabasa kayo pag-uwe niyo.)
"Oo, di mo alam? Shunga lang girl?" Sabat ni Squidward na ngayo'y busy sa pagkakalikot ng China phone niyang touch screen.
I didn't bother answering their irrelevant, time consuming, dim-witted questions and comments. Hindi kasi ako pumapatol sa mga taong may mental disability at puno ng insecurities sa katawan. Naalala ko one time, inasar nila yung pagiging maputi ko. Hiyang-hiya naman ako di ba? Ngayon ko lang nalaman na ang pagkakaroon pala ng kaunting melanin sa katawan ay isang mortal na kasalanan. Tapos pinagkalat nila na lumalagok daw ako ng gluthathione kaya ang puti ko. Eh ni hindi nga ako makabili ng Vitamin C o kaya biogesic man lang kahit masakit na ulo ko, gluthatione pa kaya? So racist. Tapos one time nag-try akong maglagay ng liquid eyeliner and then nasabihan na agad ako ng malandi. Eh yung iba ko ngang mga kaklase kung makapag make-up akala mo laging may party eh, ang pupula ng pisngi at labi, tapos liquid eyeliner lang malandi na agad? And besides, ang paglalagay ng kolorete sa mukha ay isang malayang desisyon na pwedeng gawin ng sinuman at hindi nangangahulugan ng isang salitang may malalim na denotasyon. Kung tutuusin kaya ko naman talaga silang patulan at gantihan sa pamamagitan ng hindi pagpapakopya ng mga assignments ko at paglalagay ng mabababang score sa kanila kapag may group work at projects eh. Pero hindi ako ganong uri ng tao, pasalamat sila. And pasalamat din sila wala akong kilalang mga hired killers kung hindi matagal ko ng pinag ipunan pagpapa-assassinate sa kanilang dalawa.
Maya-maya pa ay nabagot na sina Sharon at Squidward at na-realize na wala silang mapapala saken kaya dumiretso na sila sa labasan ng auditorium at naghanap ng bagong mapagti-tripan. Nang matapos kong ligpitin yung mga gamit ko at maibalik yung projector kay Ma'am Em, pumunta muna ako dun sa may tagong hagdanan sa 5th floor na hindi ginagamit ng mga estudyante. Pagkaupo ko ay dun na ako nagsimulang umiyak at pagmunimunihan ang mga kamalasang na-encounter ko ngayong araw na 'to.
Maliban sa halos lumabas na yung lungs ko sa dibdib kanina dahil sa sobrang hingal sa pagtakbo, kamuntik din akong masagasaan ng papag na nilagyan ng apat na gulong nung papatawid ako sa may riles. Tapos ni hindi ko man lang natanong yung apelyido ni 'Cyan', panu ko na siya mase-search sa fb nyan?
Habang nagpapahupa ako ng pamumula ng ilong at mata, chinek ko yung phone ko at nagulat ng makitang may 5messages at 4 missed calls na pala ito.
SMS1: From TM "Magload lang ng mag load at manalo.... etc."
SMS2: From Kuru "Friendy, san ka?? Nauna na ako ah, nagpapasama kasi si Kimmy sa Dangwa eh.
SMS3: From Jin "Hi girls, may gig kayo this weekend. Text niyo ko kung magpa-praktis kayo ha, sama me. (^_^) GM."
SMS4: From Xang "Ui, what time ka uwe? Praktis tayo maya hapon. Tinext ko na sila Khey."
SMS5: From 8888 "Malapit ng ma-expire ang iyong unli... etc"
Missed Calls:
3 missed calls from Kuru
1 missed call from Jin
Matapos kong singhot singhutin ang naititira pang sipon, napagdesisyunan kong pumunta na sa V Mapa at dun nalang mag antay sa aking mga ka banda. Palabas na ako ng campus ng biglang may tumawag saken,
"ARWENG KULOOT!"
Taragis, boses pa lang kilala ko na eh, and for sure walang magandang maidudulot ang paglingon ko. Pero too late na: Eye to eye contact. Shet tama ako, si Lael nga. Yung kumag na madalas isigaw from 4th floor onwards yung pet name niya daw saken.
"TSE!" sagot ko sa kanya.
"TARAA DO-TAAA!" ang bonggang sigaw niya na tila proud na proud sa ka epalag ginagawa niya.
(ang pagkakarinig ko: Tarantado ka) Ay ang walang hiya murahin daw ba ako? Di ko na siya pinansin.
Natural ng mabilis akong maglakad, pero mas lalo ko pang binilisan para di niya na ako maabutan. Pero 'wag ka, tila may lahi ata ng kangaroo yung lalaking yon kaya maya maya pa ay halos abot kamay na niya ako.
"Uy, tara DOTA tayo" (kasabay ko na siyang maglakad)
"Ayaw ko. Tinatamad ako." Ang mariin kong pagtataboy sa kanya.
"Hoy kulot, ang KJ mo ah, tara na. Libre kita"
Aba'y nanuhol pa nga daw. Pero kung sa bagay, anong oras pa lang din naman kasi. Kung diderecho na ako sa may praktisan, malamang tutubuan lang din ako ng ugat dun kakahintay. So ayun, sumama na lang ako. Naka apat din kaming laro, yung panghuli, nakipagpustahan kami dun sa mga high school students na ginawa na atang bahay ang computer shop. At dahil mayabang kami pareho, nag random pick kami ng hero. Halos wala pa akong matinong gamit na nabubuo ng mabasag ng mga bagets ang puno ng Mulawin. Ganun kami ka-loser. Gusto pa sanang bumawi ni Lael, kaso nga lang may klase daw siya. Aba'y akalain mo yun, may pagka GC din pala ang kupal.
Bago kami maghiwalay ng landas, inalok pa niya ako ng lunch. Kaso sobrang tinatamad na talaga ako kaya tinanggihan ko siya.
"Next time na lang. Tinatamad ako eh" sabi ko sa kanya.
"Eh lagi ka namang tinatamad, pati ba naman pagkaen kinakatamaran mo? Kaya di umuunlad ang Pilipinas eh."
Napaisip tuloy ako: Kung kakain ba ako araw araw sa tamang oras mawawala na ang mga rapist at magnanakaw? Hindi na ba magtataas ang pamasahe? At higit sa lahat hindi na ba magiging traffic sa EDSA?
"Di ba may klase ka pa? Pasok ka na. Tsaka, sa bahay na lang ako kakain, nagluto si Petra" ang sagot ko na lang sa kanya.
Charot, syempre nag imbento lang ako ng alibi. Ni hindi ko nga kilala si Petra eh. Hindi ko sure kung naramdaman niyang nagsisinungaling lang ako dahil tila nawala yung ngiti niya sa mga labi. Di niya na ako kinulit pa at agad na ding tumalikod ng wala man lang paalam. Ang weird talaga nun.
![](https://img.wattpad.com/cover/9659361-288-k789377.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl Painted in sepia
Ficção GeralFleeting moments of happiness... That's what a photo preserves; For reality will always find its way to rip that glorious second and confine it into the infinite archive of the past. And so, human beings, with all its vanity and love for temporary t...