Minsan, ang sarap isipin na ang bawat storya ng pag ibig ay nakabase sa tinatawag na destiny. Na nangyayari din sa totoong buhay ang napapanood natin sa pelikula; na totoong may forever at hindi lamang limitado para sa mga taong gwapo at maganda.
Habang halos mabaliw na ako sa kaka-replay ng nangyari sakin sa may LRT at mawindang sa panghihinayang na nadarama, biglang nag vibrate ang phone ko, kasabay ang buong giting na pag awit ni Hailey Williams ng Misery Business. Saglit akong napatigil sa pagninilay nilay at agad tinignan ang sanhi ng paggalaw ng aking kama.
Incoming call from Lael. Ito ang nakadisplay sa screen ng pipichugin kong cellphone.
Tumatawag na naman ang kupal. Minsan talaga hindi ko mabasa tong lalaking to, may mga araw na ang sungit sungit niya at halos hindi namamansin, may mga times din naman na ubod ng kulit, tapos may pagkakataon na sobrang protective. Daig pa niya ang babaeng malapit ng ma-menopause sa sobrang dalas ng mood swing.
Minsan iniisip ko, what if kami talaga ang meant to be? What if ang panggugulo niya sa buhay ko ay mahabang prequel lang pala ng aming love story? What if yung taong hinahanap ko ay nasa harap ko na pala?
Dinecline ko nga yung tawag. Hmp. (nagmamaganda lang).
Magkakilala na kami ni Lael noong elementary days pa lang namin. Naabutan ko pa kung gaano siyang ka-uhuging bata noon at nuknukan ng kayabangan na halos nanunuot sa buto. Madalas ko siyang maka-partner sa mga school affairs katulad ng Mr and Ms United Nation; sa mga intermission number tulad ng pagsasayaw gamit ang mais na iniikot ikot o kaya ay ang paglalagay ng bao sa magkabilang dodo. Noong mga bata pa kami, madalas kaming tuksuhin na bagay daw kaming muse at escort. Pero never namang nag-materialize, masyado kasi akong matalino, tapos siya gwapo lang. Class president tuloy lagi ang bagsak ko, kaya madalas, ang partner niyang muse ay yung dati kong kaklase na medyo bumbayin ang dating na may makakapal at mahahabang pilik mata.
Dahil bata pa kami noon, wala pang masyadong hormones na nanggugulo sa aming pag-iisip, walang malisya ang tuksuhan at hindi kailanman bumagal o bumilis ang oras kapag kasama ko siya. Normal lang.
Maya-maya, bigla na namang nagkaroon ng munting lindol sa kama ko. Tumatawag siya ulit. Dinecline ko sa pangalawang pagkakataon ang tawag niya. Hayaan mo siyang magsawa.
Anyway, nung grade 4 ko lang din siyang naging kaklase, nung pa-grade 5 na kasi kami, lumipat na siya ng school. At simula noon, nawalan na ako ng ka-partner sa sayaw at mga ka-echosan sa school tulad nung Mr and Ms Achuchuchu. Pero ayos lang din naman, kasi, uso na noon yung mga kanta ng Sexbomb na Spaghetti at yung kay Vhong Navarro na Totoy Bibbo, kaya madalas hindi na rin kailangan pa ng partner.
Habang inaalala ko yung kabataan days namin, napagtanto ko na sobrang naging close din pala ako sa kanya. Siya yung madalas kong hingan ng piso pantaya dun sa bunot bunot sa labas ng school namin. Tapos siya din yung kalaro ko ng sipa. One time, nung naghahabulan kami sa may school grounds, nadulas ako sa may parte ng semento na malumot, at imbes na tawanan ako, na siyang ine-expect kong gagawin niya, agad siyang pumunta sa lugar na kinasalampakan ko at dali dali akong itinayo. Nakita ko sa mga mumunting mata niya ang wagas na pagaalala. Tinanong niya ako kung okay lang ako. Dahil sa sobrang naawa ako sa sarili ko nung mga panahong iyon, bigla na lang akong napaiyak ng malakas. As in malakas, akala tuloy nung ibang mga estudyante pinaiyak niya ako. After nun, mas lalo pa kaming naging close, pinapakopya ko na siya ng mga assignments ko tsaka binibigyan ng at least limang tamang sagot sa periodical exam, para di naman siya zero. Minsan naiinis pa din ako sa kanya kasi nga ang yabang yabang niya. Magaling kasi siya sa arts, kaya kapag may mga ipinapasa kaming artworks, madalas i-display sa bulletin board yung mga gawa niya. At dahil may pagkamaldita din ako nung mga panahong iyon, kapag nag uwian na yung mga cleaners, kumukuha ako ng colored pentouch tapos kinukuringan ko yung artwork niya. Bwahahaha.
Bago matapos yung grade 4 kami, dahil madalas nga kaming ipag-partner ng mga malisyosa kong teacher, eh nahawa ata ng katalinuhan ko yung kumag na si Lael. Gumaling siya hindi lang sa Sining kundi pati sa ibang minor subjects namin. Tapos nakasali siya sa Year End play ng school namin bilang prinsipe and sa wakas, pinili ako nung teacher namin bilang prinsesa. Yung iba ko kasing magagandang classmates, hindi kayang mag memorize ng mga linya. So no choice na sila kundi pagtiyagaan ako. Bwahaha ulit. After nung play namin, binigyan niya ako ng bulaklak, sabi niya ang galing ko daw. And dun sa eksaktong moment na iyon una kong inamin sa sarili ko na crush ko siya. After nun hindi na muling naulit pa dahil nga lumipat na siya ng school.
Maya maya pa ay napagod na ata kakatawag si Lael kaya nagtext na lang.
Arwen, pls ans ur phne... i nd hlp. Ang biglang bungad ng mensahe niya.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako or ipagsasawalang bahala na lang. Nagta-type pa lang ako ng ire-reply ng biglang nag-ring ulit yung phone ko. This time, sinagot ko na.
"Hello" ang walang ka amor amor kong bati sa kanya.
"Arwen, tulong... Andito ako sa..." Ang paputol putol at tila hingal na hingal niyang sabi.
Nagsimula na akong kabahan.
"Asan ka?"
BINABASA MO ANG
The Girl Painted in sepia
General FictionFleeting moments of happiness... That's what a photo preserves; For reality will always find its way to rip that glorious second and confine it into the infinite archive of the past. And so, human beings, with all its vanity and love for temporary t...