Pag gising ko bumangon na kaagad ako, at dali daling bumaba papuntang banyo, napansin ko iyong pusa kong mahimbing ang tulog sa gilid ng kusina sa baba, hindi ba ito giniginaw?
Napaisip ako habang pinagmamasdan silang natutulog ng mahimbing, kasi lumaki akong mahilig sa mga pusa o kahit anong hayop, hindi ko naging pet peeve ang pagkupkop o pag aalaga ng hayop kumbaga naging pet peeve ko yung mga taong 'may kaya' ngunit may karapatan pa talaga silang itataboy palayo ang mga hayop sa kanilang tahanan.
Oo nga naman tama rin naman hindi nila obligasyon, pero mas tao ito makiramdam kaysa sa atin. ngunit karapatan din nilang maramdamang 'mahalaga' at 'kamahal-mahal' sila.
Naalala ko pa nun hindi pusa o aso yung unang alaga ko dati, kundi isang manok ang unang alaga ko naalala ko dinala ni lolo si 'chicky' apat na taong gulang palang ako noon, hindi ko kahiligan ang humawak nang manok ngunit nung dumating si chicky sa buhay ko, dati hindi ako natatakot kahit pagtukaan man ako araw araw.
Isa si chicky sa naging parte ng buhay ko, He taught me to love even though that time was not enough.
Anim na taong gulang akong kasama si 'chicky' at sa huling hininga nito, masakit at nakakalungkot isipin ngunit alam kong masaya ako kung nasaan man siya sa ngayon.
____________
"Hoy! yung kanin patay ka ni mommy, bahala ka diyan" paninigurado ng kapatid ko kaya tinignan ko ang sinaing ko na kanina na palang luto.
Binaling ko kaagad ang kapatid ko, nang narinig ko kaagad ang tunog ng nilalaro niya. kaya binato ko nang pampunas ng lamesa at tumalikod.
"Ano ba!" sigaw nito kaya dirediretso akong pumasok sa kwarto at sinara.
Kailangan ko na pala mag mamadali dahil ang bagal kong kumilos. kahit mataas pa yung oras, at staka, mag aasign pa ako sa buong classroom kung sinong wala sa klase.
"Anong oras na Aiah!!! ano pa bang chichiburitchi ang ginagawa mo diyan lumabas kana diyan!!" sigaw ni mommy sa kusina kaya napapikit na lamang ako sa ingay nito.
Tinignan ko ang relo ng mapansin kong alas onsi na pala, kaya agad ko namang sinuot ang uniform ko at dali daling lumabas, nakita ko kaagad agad si mommy na naghahanda ng mailuluto.
Nakita ko yung dapat iluluto niya ng puro ito mga delata at itlog.
Alam ko namang hindi siya marunong magluto ng ibang ulam, pero alam kong ginagawa niya ng paraan para matutong magluto. kahit para sakaniya impossibleng makuha niya ito ng mas madali sakaniya.
"Mi, ako na pahinga ka nalang mataas pa naman yong oras ko. alam ko ring si daddy talaga ang dapat nandito, kasi siya ang may alam sa pagluluto. pero staka na ako na muna." saad ko habang naghahalo ng itlog
"Sure ka diyan Aiah? Sige, staka magtutupi pa ako ng damit sa loob." lumaymay na sagot ni mommy, kaya napahinto ako sa paghahalo ng napansin kong papasok ito sa kwarto.