It's school day, so I fixed my collar and went downstairs because I was already stressed at home tapos 3weeks lang yong vacation namin! nakita ko si aling rose at lolo sa kusina, kumakain na rin si Inah sa gilid niya.
"Ang tagal mo ngayon 'ah?" tanong sakin ni Inah, lutang pa ako ngayon. hinila ko naman kaagad ang upuan at umupo. "may thesis ako sakit sa ulo. pabigat yong mga members ko wala manlang inambag!" sabi ko, binibilang ko pa yong kamay ko kung ilan sila.
"Mamaya na yan Aiah, Inah. you two eat first, when you're done eating, you'll be in the car talking.. okay?" sabi ni lolo mukhang magagalit na ata sa amin. inaya ko na rin si aling rose dahil kakatapos lang din niyang magluto ng ulam namin.
Pagkatapos naming kumain, hinatid na kami ni lolo sa may terminal. mabuti nalang talaga at dito huminto si lolo kasi kong si kuya archie yon! panigurado sa loob ng campus kami iba'baba!
Pagkapasok ko palang, ibinagsak ko na yong makapal na thesis namin, napahawak naman kaagad si suesie at apple sa dibdib, kitang kita ko naman ang gulat sa mukha ni earl. kalmado lang si tasha sa gilid ko. magdedefense pa kami sa harap ni ma'am maiso. first subject lang din yong pasok namin dahil may event ang school. showdown siguro ng mga grade10 and grade9 sa court. palagi nalang may event sana dito nalang magconcert iyong si taylor swift at silent sanctuary dito nagmumukha na 'tong arena 'eh!
"Bukas na kayo magdedefense" iyon nalang ang sabi ni ma'am maiso samin, kaya tuwang tuwa yong iba. habang ako hindi! ayoko pa naman ganon naiirita ako pag hindi ngayon!
Napahawak naman ako sa bewang ko ng binuhat ako ni earl! "Ibaba mo'ko earl!" pumiglas ko. tuwang tuwa naman siya. tinaas pa niya talaga! "Alam ko namang malakas ka na ibab-" sigaw ko. binaba naman niya kaagad ako.
"Psst! Aiah" tawag ni Suesie sakin. na sa labas siya ng lobby, nagtataka naman kaagad ako. lumapit ako sa kaniya. "bakit?" hingal kong sagot, napakapit tuloy ako sa dibdib ko.
Napatalon naman kaagad ako sa gulat ng sumulpot si Imy. malawak ang ngiti niya. bisita ba 'to? or bwesita.
bakit na naman siya nandito?
"Bakit ka nandito?" tanong ko, panay tili lang si Suesie sa gilid ng pintuan, na sa likod niya si earl nakapatong ang ulo! parang tanga! kinikilig na tuloy ako sa mga kaibigan ko.
Tumingin lang siya sakin ngayon. "Gusto sana...kitang kasabay umuwi kong gusto mo?" ani niya, mahina yon. tumango naman kaagad ako. kaya lalong tumili si earl at sinabotan na niya talaga si suesie.
Naka uniform na rin siya ngayon, takot tuloy akong madumihan siya pag dumikit ako sa kaniya! ang puti kasi ng uniform niya, ang linis tignan.
Umalis na yong dalawa dahil mukhang kinausap na niya ata sa mata si suesie kanina. nagtitinginan nalang kami sa mata. tumitig lang ako sa mata niya, hindi ako naiilang.
Naputol ang tingin ko sa kaniya ng may tumawag sa akin sa gilid ng lobby ng room namin.
"Hi Aiah!!" bati sakin ni Jiro, tumingin naman kaagad si jiro kay imy ngayon. Nakalabas lang yong white tshirt ni Jiro sa uniform niya dala-dala yong volleyball. "wala kayong klase ngayon?" tanong ko sa kaniya. ang intense pa rin ng titigan nila ngayon.
"A-ahh oo! ayaw mong mag lunch?" aya sakin ni jiro, tumingin naman kaagad ako kay imy. "J-jiro...this is Brian Imy Canavaro" pagpakilala ko kay imy kay Jiro. tinapik niya lang sa balikat si imy mukhang naiilang na rin si imy sa kaniya.
"Hi bro brian!" masiglang bati ni jiro, "jiro...nice to meet you." kalmadong sambit ni imy. ano 'to? "So ayaw mong maglunch sa akin Aiah?" tanong ni jiro, humahakbang na siya para bang yayain niya akong maglakad.
Baka ma out of place lang si imy samin, paano ba kasi tanggihan tong si jiro! kakahiya!
"Hindi naman ako pinayagan ng boyfriend ko 'eh." sabi ko, nanlaki ang mata nila parehas.