"Ahhhhhh!!!! ang sakit kaya" sigaw naman ni leah
Leah Irine Torres childhood friend ko. 'na childhood friend rin ng pinsan ko.
"Ano ka ba! ang hina kaya non!" sambit naman ni Inah, pinsan ko.
Nakita ko naman silang dalawang naghahampasan ng unan sa may couch sa baba nang makababa ako ng hagdan.
"Bakit ka nandito? At ang aga pa ah" tanong ko ng makaupo sa tabi ni Inah. "Syempre! pinag usapan yong asawa namin! staka mamaya may pasok na, mahirap na pag ganon" tiling tili naman siyang pinaghahampas si Inah kaya napatili rin si Inah. tumawa naman ako kahit ang akward.
Bigla namang may nag pop up na notification ko sa messenger. dahilan upang mapasilip si Leah sa harap ko.
Brian Imy Canavaro: Good morning.
Brian Imy Canavaro: How's your sleep?
Brian Imy Canavaro: eat your breakfast already.
Hinahampas hampas naman ako ni Leah at Inah sa paahan ko. bakit daw ang bilis ko ng loma'lovelife. tumanggi naman kaagad ako. staka wala pa ako sa planong pumasok ng relasyon ngayon, plus aral pa ang inaatupag ko.
Paano ako mag rereply kung nandiyan sila diba? at nakakahiya kaya! paano pag- delikado talaga!
"Tignan mo muna kasi! if he's not sure why is he like that right Inah?! you are really numb Aiah!" paliwanag naman ni Leah upang tumutol si Inah sakaniya. kitang kita ko naman sa mukha ni Inah na nag iinarte itong sumasang ayon, kaya pinitik ko ang noo nila!
"Arayyyt ha!" reklamo naman nilang dalawa. kahit mahina naman iyong pagkakapitik ko sa noo nila.
"Aabangan ko yan sa gate mamaya!" saad pa ni Inah habang yakap yakap ang unan sa hita niya. kaya tumawa naman kaagad ako. paano naman siya nakakasigurado na duon siya nag aaral? "Aasa ka nalang kasi hindi siya dito nag aaral, malayong malayo" pagmamayabang ko naman sa kaniya.
Tumayo naman ako 'ng magsalita si Leah ulit "Paano ka naman niya nakilala pag hindi siya rito nag aaral?! makikita natin!" nag apir naman ang dalawa. kaya hinahayaan ko nalang silang dalawang mag usap usap kahit wala namang kwenta yong pinag uusapan nila.
but what if what Leah and Inah say is true? mananatili nalang ba akong nakatayo? o paano ako kikilos pag gano'ng nasa harapan ko na siya? paano ako aaktong babae sa harap niya pa! mismo!
Natapos ko na ang lahat ng gawaing bahay. maliban sa, pagwawalis ng bakuran, Maaga kasing pumasok si mommy sa work at si daddy. at sa akin ang nakasalalay ang bahay pag wala sila. maaga rin ang pasok ni Kael kaya sabay na silang tatlong pumasok, maliban sa akin, 12pm pa ang pasok ko at dapat bawal kami ma-late. pagtingin ko ng orasan 10am na. kaya dali dali naman akong naligo at nagpatuyo ng buhok, Ayoko pa naman basa ang buhok ko pag pumasok ako ng school kasi feel ko 'ang pangit ng araw ko talaga. Nag make up lang ako ng light para hindi halatang nag ayos ako.
"Pa! kumain kana?" tanong ko naman kaagad kay lolo ng makababa ako ng hagdan mukhang kagigising rin ata niya. tumingin lang siya sakin saglit at bumalik sa kaniyang gawi. "Oo, ikaw? magkasabay kayo ni Inah?" sunod sunod naman niyang tanong kaya tumatango lang ako sakaniya.
"Wait lang nawala yong necktie ko!" sambit naman ni Inah ng makababa siya ng kabilang hagdan. "Andiyan na pala, kumain na kayo may ulam duon sa kusina," sabi naman ni lolo ng makita si Inah.
"Hiramin mo nalang yung isang nicktie ko, hintayin mo'ko dito kukunin ko lang sa itaas" dali dali naman akong umakyat sa itaas upang kunin yung extra ko pang necktie. pagkababa ko nakita ko naman siyang kumakain. napapatingin naman kaagad ako sa orasan kung anong oras na, may 30minutes pa kami. pagkatapos naming kumain nagpaalam naman kaagad ako kay lolo at gagabihin na kaming umuwi dahil 7pm yung uwian namin.