"May color coding na!!!" ani ni Inah ng kumakain kami sa couch. nahulog pa yong popcorn sa bibig niya habang nagchecheck ng color coding kuno. anong color coding ba yong pinagsasabi niya. "Ha?!! anong meron diyan?" naguguluhan kong tanong. tumingin na siya sa sakin na para bang hindi ko talaga alam 'yon.
"Magscroll ka naman sa fyp mo aiah!" sabi niya tinaasan ko naman kaagad siya ng kilay. "Kita mo namang nanonood tayo rito." ani ko kagat kagat ang popcorn. tumitingin lang kami sa pinapanood namin ngayong rapunzel. malapit na rin iyong matapos maaga kasi kaming nagising dahil ginising ako ni Inah. samahan ko raw siyang manood kasi boring daw pag siya lang kaya sinamahan ko na siya.
Kinuha ko naman kaagad ang phone ko at nag scroll ng makita ko ang post ng page namin sa campus. kaagad ko namang binitawan ang kinakain ko sa announcement nito.
Hello Yokainians! In celebrations of valentine's day february 14, from
grade seven to grade 12 are allowed to wear any color of tshirt-s based on their status :)
COLOR CODING:
RED-In relationship
BLACK-bitter
ORANGE-killjoy
VIOLET-It's complicated
BLUE-broken hearted
BROWN-no label
PINK-moving on
GREY-study first
WHITE-ghosted
YELLOW-single and contentedLoh! gagawin ko naman rito! dapat raw nakasuot parin kami ng id 'eh...
Tumitingin lang sakin si Inah mukhang naghihintay kung anong kulay na susuotin ko!
"mag-uuniform ako Inah!" maikling sagot ko at tumayo. tapos na rin yong pinapanood namin kaya pinatay ko na rin iyon. napabuntong hininga lang sakin si Inah
"Magsuot ka ng orange mamaya! kj mo kasi!" iritang sabi niya at umakyat sa kabilang hagdan.
Mag 10pm na kailangan ko ng magmamadali dahil mabagal talaga akong kumilos kahit ang taas pa ng oras! kahit na may event ngayon hindi talaga ako naniniwala na walang magququiz.
Anong kulay ang susuotin ko? i don't know kung red ba dahil baka ano pa ang iisipin ni imy kung ibang kulay 'yon. gusto ko sana mag grey cause why not right? plus priorities ko naman talaga pag stustudy ko! ewan ko nalang kung anong kulay ang mabira ko. o mas bagay sakin...
Pero ano kaya ang kulay na susuotin niya ngayon? baka iba yon 'eh para naman akong tanga pag nag-rered ako tapos siya...shock's naman talaga.
Dali dali naman kaming bumaba ni Inah ng hinatid kami ni Kuya archie. may date rin kasi siya ngayon kaya para less hassle raw ay siya nalang ang maghatid namin sa ngayon tutal daw miss niya rin kaming ka bonding. nagulat pa kaming dalawa ni Inah ng bumaba kami sa kotse. pinahinto pa kasi niya kami sa may gilid 'pa talaga ng nagtitinda ng kwekwek malapit sa campus! sabi ko nga talaga kapag siya yong maghahatid sa amin 'eh!
"Ladies.. follow me sa likod!" aya niya ni kuya archie kaya nagtaka pa kami ni Inah, nagtitigan lang kami sa mata na para bang may gagawin si kuya saming masama! alam naman naming loko-loko 'to minsan pag sa gantong eksena! "wahhhhhh!!!" mangiyakngi
-yak naman kaagad kami sa gulat ng dalawang teddy bear na kulay pink at purple! ng binuksan niya ang likod ng sasakyan. may malaking boquet ring nakalatag hindi na kami nag akubli kung kanino yon, with names na iyon! tapos sa gitna ng backseat may nakasulat duon!Happy Valentine's My two ladies in my life!!!
kahit madaming mga tao ay nagyayakapan lang kaming tatlo! naiiyak na si Inah kaya tumawa naman ako nang may saya sa labi. This moment I can't forget how we treasured this man in our life since day ONE. We never been experienced on other people in this way! I hope Kuya Archie's girlfriend treasure in love and care for him the way he did to us.