Prologue

277 25 1
                                    

"Mabuhay! Welcome to Philippine Airlines. Please remain seated with your seatbelt fastened until the aircraft has come to a complete stop..."

I heaved a sigh and looked outside of the window.

I'm finally back.

After so many years of staying in the States, I'm finally back in the Philippines.

Nang tuluyang huminto ang eroplano ay nagsitayuan na ang ibang mga pasahero at inasikaso ang kani-kanilang mga gamit. Ganoon na rin ang ginawa ko at sinusuklian din ng ngiti ang mga flight attendants nang makapasok na kami sa airport. Patuloy lamang ako sa paglalakad at hinahanap ang magsusundo sa akin habang may dalang isang maleta. 

Now that I'm inside the airport, I'm surrounded by a typical whirlwind of emotions and expressions.

May mga masaya dahil nakauwi na sa wakas ang kanilang mga mahal sa buhay, may mga malungkot dahil lilisan na sila sa bansang ito, at mayroon din namang mag-isa lamang katulad ko na walang kaemo-emosyon sa paglalakad na parang isang trabaho lang ang pagpunta sa bansang ito. 

Well, totally same for me.

Sa totoo lang ay wala na akong balak bumalik pa sa bansang ito kung hindi lang dahil sa utos ng mga magulang ko at ng nakakatanda kong kapatid.

I'm here because they temporarily appointed me as the Vice Chairman of our company in this country. My older brother, who is the Chairman, technically assigned me.

Parang hindi naman niya kailangan talaga ng Vice Chairman sa kompanya namin, mukhang ginawa lang nila ito para tuluyan akong mapauwi sa Pilipinas.

My father said that this will also serve as my training? I don't even know what they really want me to do at this point.

Sa limang taon kong nagtre-training sa kompanya namin sa States, masasabi ko namang there's no need for me to be here. But my mother insisted that I at least should also treat this as a vacation. Habang ang Kuya ko naman ay nagmamakaawang tulungan ko raw siya sa kompanya at marami siyang inaasikasong trabaho sa businesses namin sa iba pang bansa.

At dahil tatlo na silang walang sawang nangungulit sa akin, napauwi tuloy ako 'di oras dito.

But I know that I'm not going to stay here for that long.

"KUYA RIYUU!"

Agad ako nagising sa iniisip nang marinig kong umaalingawngaw ang boses ng nakakabata kong kapatid na lalake.

Hindi naman ako nahirapang hanapin ang pwesto nila dahil sa laki ng banner ng panagalan ko na hawak-hawak nila ni Mama habang may mga kasama silang bodyguards sa likod nila.

Napangiti ako rito at mabilis na naglakad papunta sa direksyon nila.

Halos matawa pa ako sa makulay na banner na paniguradong gawa ng kapatid ko na may nakasulat pa na

'WELCOME HOME KUYA RIYUU! PASALUBONG?'

Hindi na ako nagdalawang isip pa na yakapin silang dalawa ni Mama.

"Welcome back, anak," my Mama said as she held my face and gave me kisses on my cheeks.

Marahan ko naman siyang tinulak. "Mama, stop that already. I'm already 28 years old. I'm not a baby anymore," reklamo ko rito.

Kinurot niya ako sa pisnge at hindi ko naman maiwasan ang mapa-aray dito. "Kahit mamuti pa 'yang mga buhok niyong magkakapatid, habang buhay kayo baby ni Mama," she said with a bright smile as she lets go of my cheek.

"Nako Kuya, wala kang laban diyan kay Mama. Hindi marunong magpatalo 'yan," bulong ng bunso kong kapatid.

Natawa na lang ako dito nang tumingin si Mama sa kaniya. "Ano sabi mo, Ruruu? 'Yang mga kapatid mo ay matatanda na, pero ikaw pwede ka pa malagot sa akin."

Idol of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon