Chapter 2

126 15 2
                                    

Big dog energy.

Sabi ko sa sarili ko habang pinapanood ang Student Council President ng school na nagbibigay ng kaniyang speech sa stage ng auditorium.

What's his name again?

Shian Rogers Verdigra?

Karamihan sa mga estudyanteng inaantok kanina ay parang nabuhayan nang makita nila itong umakyat sa stage. Tutok na tutok pa nga ang mga ito na nakikinig sa kaniya. Like all the words on his speech matter to them. Patango-tango pa nga na parang ang attentive nila sa kung anuman ang sinasabi nito.

Ipinatong ko ang kaliwang siko ko sa armrest ng upuan at isinandal lamang ang gilid ng ulo ko sa nakayukom kong kamay habang pinapanood ang lalake sa stage.

His presence is magnetic, drawing everyone's attention effortlessly. The way he commands the stage, it's clear he's in his element.

Despite having fierce features, his attitude tells the opposite. He's practically glowing. Halos maningkit ang mga mata ko sa nakakasilaw na personalidad na pinapakita nito ngayon. He's a ball of energy, that's the right way to describe him.

He's like...

A golden retriever type of guy? The kind who exudes warmth and enthusiasm, making everyone around him feel appreciated and alive.

Marami na akong nakilalang mga aktor. They have a presence that mirrors his own. Kumbaga sa unang tingin, kung isa akong scout ng mga artista, baka kanina ko pa ito na-recruit. Lalo na't may itsura at katangkaran ito.

Ganoon kalakas ang dating niya na kahit sa dulo ako nakaupo, ramdam ko ang karisma at appeal niya.

"...I believe in each and every one of you, and I am confident that together, we will make this year one to remember. Thank you, and let us make this year the best one yet!"

Napairap na lang ako sa kawalan nang magsitayuan ang mga estudyante. May iba pa na sumisipol at malakas ang cheer na akala mo mage-enjoy nga sila ngayong pasukan. Kita kong natawa doon iyong SC President nang makatanggap siya ng standing ovation sa mga babae at binabae.

Hindi ko maiwasan na sundan ito ng tingin hanggang sa maharangan na siya ng ibang tao sa entablado.

Well, obvious naman kung bakit siya ang nanalo bilang Student Council President.

Kalaunan ay pinakilala na rin nila ang mga iba't ibang clubs o extracurricular activities na pwedeng salihan ng mga estudyante.

Umakyat din ng stage sila Gab at Emilio nang ipakilala ang mga varsity ng bawat sports. Napailing na lang ako nang makitang seryoso at maangas ang mga tindig nito na siyang nagpabaliw sa marami.

Kumikindat pa si Emilio sa mga girls na tumatawag ang pangalan niya. Nang si Gab naman ang chinicheer ay hiyang ngiti ang binibigay nito, which made the girls awe.

Pinigilan ko na lang ang sarili ko na humikab habang nagpapakilala at nagbibigay ng kaniya-kaniyang speech ang mga Presidents ng bawat clubs at org. Wala naman akong balak sumali sa mga ito kaya mas naging interesado ako muli sa pagkalikot ng phone ko.

Kita kong napapatingin sa akin ang mga teachers at ibang mga estudyante habang abala lang ako sa paglalaro. May iba na nagbubulungan pa, pero naririnig ko naman. Halos lahat ng galaw ko ay may napupuna sila. Halo-halo ang maganda at pangit na puri ng mga ito.

Alam kong alam ng marami na hindi ako mabait na tao katulad ni Mama. Some even say wala akong respeto at bulakbol sa bar lang ang inaatupag dahil sa mga videos ko na nagtretrending tuwing nagpaparty ako. May iba pa nagsabi na sa aming dalawa ni Kuya, ako raw ang walang mararating sa buhay at aasa na lang sa yaman ng pamilya ko.

Idol of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon