"If you were here, Yuu. Baka mamatay ka rin kakatawa, 'cause it's so funny!" Kwento ni Harper sa akin tungkol sa mga nangyare sa dating school ko sa Manila.
Napagpasyahan kasi ng mga kaibigan ko na mag-Skype kami para magkamustahan at makapag-update lang din sa mga nangyayare sa amin.
Kaka-join ko pa nga lang sa kanila ay agad na nagkwento si Harper ng kung ano-anong mga nangyayare sa kanila. Natatawa na lang ako kapag minsang inaasar siya nila Oliver at Lucas na sumisingit habang nagkwekwento siya.
"Maraming magaganda diyan sa Zambales, Yuu?" Tanong ni Oliver nang matapos magkwento si Harper.
Nagkibit-balikat naman ako bilang sagot. Babaero talaga 'to. Iyon ba naman agad ang unang tinanong sa akin.
"Tumigil ka diyan. Hindi ba't may chicks ka pa kamo sa Cebu?" Sabat ni Abi habang nagcrocrochet.
"Wala na iyon noh. Syempre malay niyo nasa Zambales lang si The One," depensa ng isa.
"Nakaabot nga iyang kalandian mo sa kabilang dako ng mundo kakahanap mo sa The One na sinasabi mo," natatawang sabi ni Lucas.
Pati ako ay hindi napigilang mapahalakhak dahil sa nakakalokong ngiti ni Oliver. Mahilig kasi itong gumamit ng mga dating apps, kaya kung saan-saang parte ng mundo ito may nakakausap na babae. Kaya minsan kapag nagkwekwento siya ng mga babae niya, lugar ang sinasabi niya sa amin, hindi pangalan.
"Si Viviane 'yong taga-Cebu, 'di ba? She's really pretty! Paanong wala na 'yon?" Kunot noong tanong ni Harper.
Kita kong napakibit balikat lang din si Oliver. "Clingy masyado."
"Eh si Pampanga?" Tanong ni Abi.
"Selosa, tapos gusto minu-minuto i-update ko siya. Ultimo pagpunta ko sa CR, kailangan ipaalam ko pa. Wala naman kaming label."
"Gusto kasi ni Oliver 'yong mukhang aapak-apakan lang siya," natatawa kong sabi. "Iyong mga walang pake sa kaniya."
"Strong, independent women are making me feel something, bro," ngising sagot nito.
"Ew," sagot ni Harper at halata ang pandidiri sa mukha nito. "You're doing that manyak face again, stop it."
Natawa kaming lahat doon at bahagya ako napatigil nang marinig kong bumukas ang pintuan tsaka pumasok si Gab. Tumango naman ito sa akin. Dumeretso ito sa kabinet niya at pumasok sa banyo.
"How's school so far, Yuu? May pogi ba diyan?" Tanong ni Abi.
Natawa ako roon. "Isa ka rin."
Humagikhik ito at pinakita ang kino-crochet niya. "I'm making a cardigan for you. Padala ko sa'yo pagkatapos."
Napangiti ako sa kaniya. It's one of her hobbies. "Pistachio, my fave. Thank you, Abi. Oo na, hahanap ako ng poging irereto sa'yo."
"Pistachio pala tawag sa kulay na 'yan? Green lang turo sa amin noong elementary," biro ni Lucas.
Napairap naman si Abi. "Duh, shade ng green iyan. Manahimik ka nga Lucas, iyang buhok mo ang icrocrochet ko sa susunod."
Napanguso naman ang isa habang napahawak sa medyo may kahabaan niyang buhok.
"Bakit kay Abi may irereto ka? Sa akin wala?" Singit bigla ni Oliver.
"Zip it, Olive oil," sabi ni Harper habang abala na itong nagcu-cutics ng kaniyang kuko sa daliri.
Sumimangot naman doon si Oliver na siyang nagpatawa sa amin. Kahit corny mang-asar si Harper, ayaw pa rin ni Oliver na tinatawag siyang ganoon.
Tuloy lang ang pag-uusap namin hanggang sa lumabas na si Gab sa banyo na mukhang bagong ligo. Agad niya sinalampak ang sarili sa kama. Mukhang napansin naman nito na may kausap ako kaya tahimik lang siyang nagcecellphone sa kama niya.
BINABASA MO ANG
Idol of my Heart
RomanceSparkling Hearts Book 1: Growing up in the spotlight, Riyuu sees love as fiction, nothing but a fantasy sold on movies. But when an unexpected person challenges his beliefs, will they lead him to the happy ending he desires, or is it a heartbreak in...