Sean POV
"Hi Ma! Nandito na po ako" bungad na bati ko kay Mama na sala ng bahay namin, kakadating ko lang kasi galing ng istasyon
"Oh Nak? Musta ang trabaho mo ngayong araw?" tanong ni Mama sa akin, habang dumiretso ako sa kusina at kumuha ng maiinum sa ref
"Okay lang ho Ma, ayon maingay pa din sa trabaho haha pero masaya naman po" tugon ko sa kanya,
"Haha Oo nga Nak, ganun pala kayo kaingay ng bestfriend mo sa ere pero nakakatawa kayo Nak, promise!" nakatinging compliment sa akin ni Mama
"Haha salamat Ma" tugon ko sa kanya, happy na sana ako sa mga sinabi sa akin ni Mama e pero may napansin ako sa mga sinabi niya
"Teka nga Ma? Teka nga, ang ibig sabihin ba nung sinabi mo kanina e, kanina ka lang nakinig sa programa namin?" pag-uusisa ko kay Mama
"Hehe alam mo Nak may gagawin pa ako e, maiwan na muna kita dyan ha? Pahinga ka na muna dyan" awkward na awkward niyang pag-iwas sa tanong ko pero infairness ha? Talagang nakakatampo talaga yung ginawa ni Mama, imagine? Hayys!
"Ma naman e, magdadalawang linggo na kami ni Carlo sa radio tas kanina ka lang pala nakinig? Nakakatampo naman kayo e" mukhang nakita ni Mama yung pagkabalisa ko sa nalaman ko kaya nilapitan niya ako at niyakap,
"Nak, wag ka ng magtampo oh hindi ko naman sinasadyang hindi makinig e masyado lang akong busy sa trabaho at maaga pa ang pasok ko kaya hindi ko napapakinggan ang programa niyo tuwing umaga, ngayon lang ako nakapakinig kasi day-off ko" paliwanag sa akin ni Mama
"Eh bakit nung last na day-off niyo? Bat hindi niyo kami napakinggan?" pagmamaktol kong tanong kay Mama
"Naalala mo bang may pinuntahan ako nung last Tuesday Nak?" ngiting tugon ni Mama sa akin, at nag-isip ako ng mabuti, Oo nga pala nu? May pinuntahan si Mama last Tuesday,
"Mmm opo merun ka ngang pununtahan nun" malungkot kung sabi
"Shhh wag ka nang magtampo kay Mama ha? Wag na ring malungkot, hayaan mo pag andun ako sa opisina kung hindi masyadong busy papkinggan kita ha?" sabay halik sa noo ko, at sa mga sinabing yun ni Mama bigla akong nakonsensya sa mga nasabi ko kanina. Wala pala akong karapatang magtampo kasi hindi naman sinasadya ni Mama na hindi ako mapakinggan sa radio.
"Mmmm Sige po Ma, pero kung talagang busy ka po kahit hindi niyo na po mapakinggan, maiintindihan ko po" sabi ko kay Mama, at dahil super brilliant ko Haha Choss! Nakaisip ako ng bright idea para mapakinggan parin ako ni Mama
"Ang bait talaga ng anak ko"
"Ma,what if irecord ko nalang yung mga programa naming everyday tapos pwede niyo pong pakinggan nalang pag may time kayo?" suhesyon ko kay Mama
"Ang talino talaga ng anak ko oh, pwede pwede yan anak para kapag may time ako papakinggan ko yung mga previous editions ng programa niyo"
"Sige sige Ma, tatanungin ko sa technical bukas kung nirerecord ba nila yung mga dati naming editions para makuha ko tas kung hindi e irerequests ko nalang sa kanila na irecord yung programa namin per day" sabi ko kay Mama
"Good Nak, galing ko talaga" papuri niya sa akin, mga ilang saglit lang ay may tumawag sa may gate
"Mare! Belen! Mare! Nandyan ka ba?" sigaw ng isang lalake sa may gate namin, agad naman kaming lumabas ni Mama para alamin kung sino ang nagtatawag sa labas ng bahay. Pagkalabas namin ay nakita ko kaagad si Tito Emmanuel at Tita Rose sa may gate, sila Tito at Tita pala ang mga parents ni Carlo.
BINABASA MO ANG
My CHATMATE, My SOULMATE (boyxboy) ON HOLD TEmporarily
Teen FictionPaano kung ang trip ng isang straight boy ay nauwi sa seryosohan? Paano kung umibig siya sa isang discreet gay boy? Paano siya magcocope sa bagong feelings na nararamdaman niya? Tutukan natin ang kwento ni Mark at Sean ..... ang magchat mate na soul...