Chapter 16 - Their First Text Thread

966 35 7
                                    

Mark POV

Mag-aalas sais na ng natapos ako sa ginagawa ko at dumiretso na ako ng uwi sa bahay para tulungan si Mama sa gawaing bahay bukod sa may high blood siya at malimit na sumakit ang mga kasu-kasuan ni Mama, 53 years old palang siya pero marami na siyang iniindang mga sakit sa katawan kaya mas lalo ko dapat siyang tutukan. Pagkauwi ng bahay ay naabutan kong may kausap si Mama sa telepono, hindi na muna ako pumasok para pakinggan ang pag-uusap ni Mama at ang nasa telepono

"Oh! Kelan ba kayo bibisita amin dito sa Pangasinan ha, Merly?" tanong ni Mama kay Ate Merly, si Ate Merly ay isa sa mga nakakatanda kong kapatid. Hindi ko pa pala napapakilala ang mga nakakatanda kong mga kapatid sa inyo, Ang panganay namin ay si Kuya Michael, 30 years old siya, at merun ng sariling pamilya, nasa Cagayan sila ngayon kasama si Papa at si Ate Merly naman ay 26 years old, nagtratrabaho siya ngayon sa isang call center agency sa Makati.

"Lagi ka namang busy eh, pati si Kuya Michael mo hindi man lang kami mabisita dito ng kapatid mo" sabi ni Mama

"Ano pa nga bang magagawa ko hindi ba? Kundi tanggapin ang sorry niyo, oh sige na magsasaing na ako baka mamaya nandito na si Mark" hindi na niya hinintay pang magsalita si Ate at agad na binaba ang telepono.

Mga ilang saglit lang ay pumasok na ako sa bahay at agad naman akong napansin ni Mama,

"Oh nak nandito ka na pala, pasensya na ha hindi pa ako nakakapagluto" paumahin ni Mama

"Nako nako, ayos lang Ma. Ako nalang ang magluluto ngayon, pahinga nalang kayo dyan"

"Eh ikaw nga dapat ang magpahinga sa ating dalawa e, ikaw ang may trabaho at alam ko napagod ka ngayong araw na to"

"Ako na ho ang may trabaho pero okay lang naman ako e tsaka hindi naman ako pagod ngayon easy nga yung mga ginawa naming kanina e" pagmamayabang ko kay Mama at tumawa naman siya sa ginawa ko,

"Haha ang yabang talaga ng anak oh alam mo kaya kita mahal e" at niyakap ako ni Mama, alam ko sinasabi niya itong lahat sa akin dahil sa naging usapan nila kanina ni Ate Merly, alam ko rin na miss na miss na ni mama ang mga kapatid ko kaya kelangan kong ipaalala sa kanya na kahit na hindi man kami dinadalaw nila Ate, Kuya at si Papa ay mahal na mahal pa rin nila kami,

"Mahal din kita Ma at mahal ka din nila Ate, ni Kuya at ni Papa" hirit ko sa kanya, tinignan niya ako ng may panghihinala at ngatanong,

"Sabihin mo nga sa akin nak! Nadinig mo ba kanina yung usapan naming ni Ate Merly mo?" pang-uusisa niya

"Ah eh haha grabe ka Ma ha? Hindi ha!" pagsisinungaling ko pero mukhang hindi talaga tatalab ang pagkukunwari ko kay Mama

"Magsisinungaling ka pa e, alam mo nak hindi ka marunong magsinungaling" panghuhuli niya sa akin, at mukhang wala na akong lusot kaya no choice aamin na ako

"Oh sige na nga ma, suko na ako, aamin na ako, opo narinig ko po yung naging usapan niyo kanina ni Ate"

"Sabi na nga ba e, kaya mo ba sinabi yun kanina?" tanong ni Mama

"Oo Ma, gusto ko lang po na ipaalala sa inyo na kahit hindi tayo dinadalaw nila Ate, Kuya at si Papa ay mahal na mahal pa rin nila tayo" pagpapaliwanag ko sa kanya

"Oo nga, alam ko naman yan nak pero hindi ko maiwasang magtampo sa kanila e"

"Wag na kayong magtampo ma, nandito naman ako e isipin niyo nalang na kahit hindi natin sila kapiling magkasama naman tayong dalawa" at napangiti si Mama sa mga sinabi ko

"At alam ko na Ma, para mas lalo kayong sumaya e manuod nalang kayo ng TV kasi malapit ng ipalabas yung paborito niyong show" paalala ko sa kanya

"Ha? Nako! Oo nga pala, muntikan ko ng hindi naalala" sabi ni Mama

My CHATMATE, My SOULMATE (boyxboy) ON HOLD TEmporarilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon