Mark POV
Dalawang linggo narin akong nanliligaw kay Sean at kahit hindi man siya babae merun kasi akong feeling na kelangan kong paghirapan para makuha ang matamis niyang OO (A.N. Sana may lalaking ganito kung magi sip. Aminin! Iniisip mo rin to! Oo ikaw na nagbabasa ngayon! Haha) May mga lalaki kasi na purket bading/bakla ay hindi na nila nirerespeto purket ba hindi sila tunay na babae ganun nalang kung tratuhin ang mga bading?! Tao din sila may nararamdaman. Nagsimula akong maging conscious sa isyu na ito mula nung nagkagusto at minahal ko si Sean kasi dati wala akong pake sa isyu na to, yung sa akin lang respeto lang pero yung emotional attachment ay wala pero gaya ng sabi ko kanina nagsimula nung minahal ko si Sean ayokong mahusgahan siya, ako at kung sinoman na nagmamahal sa may kapwa nilang kasarian. Nagmahal lang kami at walang masama sa pagmamahal, mali man sa ibang tao para sa akin "Love was not defined by sexuality, it was defined by the same mutual feeling that you shared – feeling that you can't live without the other one". Mali na kung mali sa tingin ng iba basta ako masaya sa kanya at wala kaming tinatapakang tao.
"hoy!" pang gulat sa akin ni Lloyd
"Gago ka! Bat ka ba nanggugulat?" inis kung tugon sa kanya, nga pala nandito ako ngayon sa pantry ng LoveMore para makainum ng kape
"Sarap mong gulatin e! Haha makagago ka ah, ano bang iniisip mo?" tanong nito sa akin
"Wala at wala ka na dun" sabay inum sa tinimpla kung kape
"Sus! Wag kang ano Mark, alam ko may iniisip ka, si Sean ba?" biglaang tanong nito at nagulat ako kaya naibuga ko ang iniinum kong kape nang banggitin niya ang pangalan ni Sean. Sh*t! paanong ??
"Ano bang pinagsasabi mo Lloyd? Bakit ko naman iisipin si Sean ha?" pagpapalusot ko habang pinupunasan ko ang labi ko
"Lulusot pa oh, umamin ka na!" nagulat ako ng medyo tumaas ang tono ni Lloyd sabay tayo pagpapaamin sa akin
"Teka nga, bakit ba biglang tumaas ang boses mo ha? Anong problema mo?" tanong ko sa kanya at tumayo narin ako
"Hindi pa kasi umamin e huli ka na tol" sabi niya sa akin
"Anong huli? May kasalanan ba ako ha?" medyo naiinis narin ako kasi bat hindi pa tumbukin ang gusto niyang sabihin sa akin, may kinalaman ba to ka Sean? Sh*t!
"Oo merun kasi akala ko magkaibigan tayo pero bakit hindi ka nagsasabi ha?!?" medyo lumalakas na ang mga boses namin buti nalang kami lang ang tao dito sa pantry
"Ano ba kasing gusto mong sabihin ko ha?!"
"Na .. na .. basta! Tungkol kay Sean! Aminin mo na tol!" medyo nauutal niyang sabi sa akin
"Anong tungkol kay Sean?!"
"Na may gusto ka sa kanya!" gulat niyang sabi sa sakin at nagulat din ako dahil sa nasasbi niya, totoo naman yun at hindi ko lang gusto si Sean, mahal ko siya. Umupo ako para pagsuko kay Lloyd siguro nga kelangan ko ng aminin sa kanya total kaibigan ko siya at parang may alam narin naman siya sa nangyayari
"Umupo ka" utos ko sa kanya at tumalima naman siya at agad na umupo
"Ano aamin ka na ba?" agad niyang sabi sa akin
"Oo na, pwede ba Lloyd baka may makarinig sa atin oh"
"Sige tahimik lang tayo, so totoo nga?"
"Oo totoo may gusto ako sa kanya at higit pa dun" pag amin ko sa kanya
"Sh*t! tol, kelan pa?" nagulat siya sa pagkumpirma ko pero mas nagulat ako sa ekspresyon niya na parang okay lang pero may halo talagang pagkagulat
BINABASA MO ANG
My CHATMATE, My SOULMATE (boyxboy) ON HOLD TEmporarily
Fiksi RemajaPaano kung ang trip ng isang straight boy ay nauwi sa seryosohan? Paano kung umibig siya sa isang discreet gay boy? Paano siya magcocope sa bagong feelings na nararamdaman niya? Tutukan natin ang kwento ni Mark at Sean ..... ang magchat mate na soul...