PROLOGUE

8 0 0
                                    

P R O L O G U E

I'M DOING MY work when I get a message from Sergon. I smiled, he's my boyfriend for four years now. Imagine your crush became your boyfriend, I didn't expected this but I really do imagine this before and now I'm still asking my self if totoo ba talaga ito o parte ba ito ng imagine ko talaga. Kung oo, sana hindi na ako magising!

From: My Irog♡♡♡

On my way to fetch you.

Napalabi ako, iyon lang? Wala man lang honey? My love? So sweet? April boy dapat ginalingan mo pa! Baka marinig naman iyang kanta mo ng boyfriend ko para malaman niya kung ano ang dapat itawag sa akin, turuan mo nga!

To: My Irog♡♡♡

Okie!

I put my cellphone down and do my work again. Nang matapos ay inayos ko na ang table at gamit ko. Bumaba na ako, I will wait for him outside.

"Good eve, ma'am." Bati sa akin ng security guard bahagya pa itong yumuko bilang paggalang. Ganoon rin ang ginawa ko, showing my appreciation and respect.

"Good eve din po."

Nasa labas na ako ng kumpanya, sa may harapan para mabilis niya akong madaanan at mapansin. Ngingiti-ngiti akong naghahantay. Nilaro-laro ko pa ang mga daliri ko sa kamay, nang medyo mainip ay umupo ako doon sa batong pader na ginawa para sa halaman. Tulala kong tinignan ang cellphone kung saan nandoon ang conversation naming dalawa. Hanggang hindi ko na namalayang nandito na pala siya.

"Hey, stand up, let's go." Mababa pero malalim na boses ang pumukaw sa aking atensyon. Napatayo ako sa gulat dahil doon.

"And'yan ka na pala! Ginulat mo naman ako." Sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman ang antok at pagod nitong hitsura.

"Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong. Tumango lamang ito bilang sagot. He guided me in to his car.

"Here, I buy it." Lumiwanag agad ang mga mata kong inaantok na kanina sa paghahantay.

"Talaga!?"

"Mmm..."

"Salamat!" Tuwang-tuwa kong pasasalamat. Ang babaw ng kaligayahan ko pagdating sa kaniya kahit simpleng bagay lang ay natutuwa at kinikilig na ako.

Kinain ko ang bigay nitong pagkain sa akin habang na sa byahe kami pauwi. Sarap na sarap ako kahit hindi naman niya luto, pero kahit na! Luto ito ni Jollibee 'no.

"Mmm! Ang sarap!" Nang nguyain ko na ang burger na maraming lamang sa gitna.

"Good." Iyon lang ang naging tugon niya. Ang tahimik niya talaga ngayon, noong mga nakaraan naman kahit pagod siya ay hindi naman ganito. Pero at least may sinabi pa rin 'no, dati nga kahit anong gawin ko wala talaga siyang sali-salita kahit mapanis laway niya.

"Irog ko, okay ka lang ba talaga?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Nah, I'm good, no need to worry." Sabi nito sa akin. Tumangu-tango na lamang ako sa sinabi niya, ngunit hindi ako kumbinsido sa mga sinabi niya.

Wanted To Be YoursWhere stories live. Discover now