C H A P T E R|2
"RIA! MAY kukwento ako sa'yo." Tuwang-tuwang sabi ni Yury ng makapagbihis at umupo sa tabi ko. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. Kumuha ito ng tinapay sa tabi ko na may palamang mayonnaise. Iyon lang ang available aside from the cheese. Ayoko namang araw-arawin ang stock kong cheese dahil baka maubos at wala na akong stock sa susunod. Nakakahiya kung hihingi na naman ako ng pera kala papa ng hindi pa nag-iisang buwan.
"Ano?" Tanong ko at bumalik na sa pag-aayos ng gamit ko sa bag. Medyo malayo pa ang araw ng pasukan pero hinahanda ko na dahil excited talaga ako.
"Habang naghahanap ako ng school kanina... Alam mo, may nakita akong mga gwapong lalake! Siguro mga estudyante rin sila, kaso mayayaman ang pormahan." Pagkwento nito. Lumingon ako sa kaniya at napa-umang dahil sa kwento nito.
"Gusto mo na ba mag-boyfriend?" Tanong ko. Para sa akin kasi ay hindi pa ako interested sa mga ganoong bagay. Napalingon naman ito sa akin.
"Hindi 'no!" Tanggi nito. Ngising aso naman akong nakatingin sa kaniya.
"Talaga? Asus, kilala kita!" Sabi ko sa kaniya at hinampas pa siya.
"Hoy ano ba!" Saway nito pero natatawa.
"Oh! Tingnan mo na! Grabeng ngiti 'yan oh!" Asar ko sa kaniya.
"Ria, ano ba!" Natatawang sabi nito.
"Oo na nga!" Pag-amin nito.
"Sabi na, eh!" Wika ko na parang nanalo.
"Pero di ba dapat pag-tapos na tayo?" Sabi ko sa kaniya. Tinutukoy ko ang pag-aaral namin, iyon kasi ang plano namin.
"Ria, hindi nadidiktahan ang damdamin! Kung nagkagusto ka, talagang nagkagusto ka. Hindi naman natin hawak ang bawat reaksyon natin. Siguro emosyon, oo pa, pero ang mararamdaman natin? Hindi." Sabi nito sa akin.
"Sige, Sige, Sige na, eh hindi naman ako bo-boyfriend. Sa susunod na lang pagnakatapos na tayo at may seryosong trabaho. Kapag natutulungan ko na sila papa." Sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman ito sa akin.
"Ngayon nasa sasabi mo 'yan pero kung nakita mo na ang magugustuhan mong lalake, walang-wala 'yang salitaan mong 'yan!" Sabi nito at ngumuya.
"No'ng nakita ko siya... Grabe! Hindi ko alam ang gagawin ko at mararamdaman, kakaiba!" Pagkwento pa nito.
"Ewan ko sa'yo! Wag ka na nga magkwento." Pagbalik ko sa ginagawa ko.
"Ria, maiintindihan mo ako pagnandito ka na rin!" Sabi nito sa akin at tumatawa-tawa pa itong tumulong sa akin.
Lumipas na naman ang mga sumunod na araw at malapit na ang pasukan. Handa na ako sa mga gamit at ganoon rin sa sarili ko. Syempre kaya ko ito 'no! Ako pa!
"Medyo malapit lang ang school na papasukan ko sa school mo." Sabi ni Yury.
"Talaga? Saan?" Tanong ko.
"Pwedeng lakarin lang!" Sabi nito.
"Doon sa Philippine College Foundation." Sabi nito.
"Parang nakita ko na 'yan, baka di ko lang napansin." Sabi ko. Feeling ko lang naman.
"Siguro!" Sabi niya habang inaayos ang sariling gamit para sa paaralan.
YOU ARE READING
Wanted To Be Yours
RomansAviana Victoria Zollida, the great dancer and persistent in all things, even to Sergon Caliber Fetalvero. He's an ill-tempered person.