C H A P T E R |3
NAKADAPANG higa ang posisyon ko at nanggigil pa rin sa presyo na kinain naming dalawa ni Yury. Iyon na ang pinakamababa pero napakamahal pa rin para sa akin. Sayang naman kasi! Sising-sisi tuloy ako ngayon hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa nagastos namin. Pahamak na Yury!!! Sabi niya may ipon siya tapos ngayon nagastos niya daw pala! So, pano na iyong allowance ko na ibinigay nila mama sa akin na pang-isang buwan?! Hindi naman pwedeng humingi ulit ako.
Mabuti na lang talaga ay may tabi akong pera kahit kaunti lang, kaya ko naman sigurong pagkasyahin ito para sa mga darating na mga araw? Bahala na!
"Sorry na, Ria. Promise, babayadan agad kita pagnagkaroon na ako ng pera! Ngayon ano tiisin na muna natin." Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kasama kong ito. Magpapasalamat ba ako na kasama ko siya o isusumpa ko.
"Ba't naman kasi ganoon!" Reklamo ko sa kaniya.
"Sorry na nga..."
Nagbuntong hininga na lamang ako, kahit ano naman ang sabihin ko kahit isumpa ko pa siya hindi naman na maibanalik ang kinain at ang pera, eh.
Ewan ko ba at naging kaibigan ko pa itong babaeng ito."Oo na!" Masama pa rin ang loob ko.
Dumating ang panibagong araw hindi pa rin pala seryoso ang klase. Ang sabi ng school hahayaan munang mag-adjust ang mga new comers sa school nila. Which is dapat lang naman talaga dahil ang hirap-hirap at sobrang laki pa ng school. Pero ang mga second year college ay nagsisimula na daw. Talagang medyo nahuhuli lang ang mga freshmen dahil nga hindi pa sanay sa school.
Kumuha ako ng schedule ko. Pero bongi-bungi naman ang schedule ko. Dahil araw ng martes at huwebes saka linggo ay wala akong pasok. Walang nakasched na papasukan kong subject.
Lunes ngayon at may papasukan ako. I ate my lunch outside the school, I can't afford to buy inside. Ikaw ba naman wala ng baon dahil nagastos mo na sa kemahal-mahal na resto. Gusto ko na lang iuntog talaga ang ulo ko sa pader noong narakaraan ang kahit ngayon. Ang tanga lang kasi ba't ba ako sumama sa kalukohan ng kaibigan ko?
Pag-aaral ang dapat kong gawin dito hindi kalukohan. Kung malalaman lang siguro ito ng Mama... Malamang sa malamang nakurot na ako sa singit.
"Oh, alam mo naman pala! Bakit ka pa nagpadala sa alam mong kalukohan?!" Kadalasan iyan ang lagi sa akin nasasabi ni mama dahil kahit noon basta kasama ang mga kaibigan ay hindi mo namamalayang nadadala ka na sa kalukohan, kahit naman alam mo iyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagpadala ako sa kalukohan.
Kaya ang lagi ko na lang nasasabi sa sarili ko. Una ang mama at papa saka ang sarili bago ang lahat.
Aral muna saka trabaho...
Bago ang love life ko kuno.
Wala munang crush crush, aral muna saka trabaho.
Iyon naman talaga ang plano ko at ang gagawin ko. Pero minsan ang hirap lang maging focus sa goal ko kapag kanadidiyan ang mga kaibigan ko, eh.
Apat ang kaibigan ko mula sa high school. Si Yury, Killian, Mieu, at Oliver. Nagkahiwa-hiwalay kami ng magtapos na kami ng high school, may mga contacts naman kami pero halos hindi naman kami nagkakausap-usap. Iba-iba kasing eskwelahan ang napagdesisyonan naming pasukan at siyempre iba-iba rin ang gusto naming kurso.
Mieu ay sa sentro ng bayan namin nagpatuloy ng kolehiyo habang kami naman ni Yury ay dito sa sentro ng bansa, Manila. Habang ang magpinsan naman na si Oliver at Killian ay kinuha ng kamag-anak para sila na ang magpaaral. Hindi namin alam kung saang lugar ba sila magkokolehiyo.
YOU ARE READING
Wanted To Be Yours
RomanceAviana Victoria Zollida, the great dancer and persistent in all things, even to Sergon Caliber Fetalvero. He's an ill-tempered person.