(I decided to proceed to chapter one.)
C H A P T E R| 1
"MAMA, I PROMISE I will take good care of myself, there." I promised to my grandmother. Nag-aalala kasi ito sa akin kahit hindi pa naman ako nakakabyahe papunta sa Manila. Doon na kasi ako mag-aaral ngayong nagtapos na ako sa high school, magkokolehiyo na ako at tulad ng pangako nila sa akin ay pupunta nga ako sa syudad para sa aking pag-aaral sa kolehiyo.
"Hindi mo naman maaalis sa akin ang pag-aalala sa'yo, apo. Paano kung—," pinutol ko na lamang ang kaniyang pagkulumbinsi sa akin na manatili rito.
"Mama, mas malaki ang chance na mas marami akong matututunan doon tungkol sa kung papaano ko mapatatakbo ang negosyo natin sa future. Ayaw mo ba nu'n?" Pagpapaliwanag ko sa kaniya.
"Eh, kasi naman Avy pwede naman dito ka na lang. Marami ka rin naman matututunan dito!" I cupped my grandmother's face and we look at each other.
"Mas marami rin akong makikilala doon! Edi, marami tayong masusuplayan!" Pagkunbinsi ko pa sa kaniya.
"Apo, hindi ko kayang wala ka dito sa tabi namin ng papa mo." She mentioned my grandfather.
"Ano ka ba, Victoriana. Hayaan mo ang apo sa kaniyang mga pasya at isa pa may punto naman ang apo natin." Napangiti naman ako ng dumating si papa.
"Thank you, pa!" He smiled at me and gives a thumbs up. I chuckled at what he did.
He's the best papa!
Napakasupportive sa akin ng lolo ko. Kahit nga sa pagsasayaw ko ay siya ang unang-una na pumapalakpak sa akin. Nirerecommend niya pa nga ako na mag-ientermisyon sa mga events bilang mananayaw. Ganoon siya kasupportive pagdating sa akin at kay mama.
"Apollinario, hindi ka ba nag-aalala dito kay Ria?"
"Syempre naman nag-aalala sino ba ang hindi? Kinakabahan rin ako, pero hindi ko naman pwedeng hadlangan ang mga pangarap o kagustuhan nitong apo natin. Ayokong mauulit uli iyong nangyari sa anak natin, Riana." Lumambot naman ang ekspresyon ni mama sa sinabi ni papa.
"Pero kasi..." She looks at me, nagpapaawa. I smiled at her and hugged them.
"Don't worry, ma, pa, kaya ko 'to." I assured them.
"Sige na nga! Just be careful and take good care of yourself." Paalala nito sa akin na nagpalawak pa ng ngiti ko. I'm so lucky to have them!
"Thank you! Ma! Pa!" Tumawa naman sila sa reaksyon ko.
"Sige na, ready na ba ang lahat ng mga gamit mo?" Tumango ako sa tanong nito bilang sagot.
"Nailagay ko na sa truck natin." Sabi ni papa.
"Tara na," pag-aaya ni mama. I nodded and my lips can't stop smiling. Bumyahe kami pamanila hanggang sa makarating kami sa sinasabi na apartment's ng amiga ni mama. Secured naman dahil talagang may gate ang apartments. Small building lang naman iyon hindi kalakihan, good for boarding. Pero ang sabi ni mama in every space daw mayroon namang dalawang kwarto at isang bathroom. Pwede akong magpa-house mate kung sakali.
YOU ARE READING
Wanted To Be Yours
RomanceAviana Victoria Zollida, the great dancer and persistent in all things, even to Sergon Caliber Fetalvero. He's an ill-tempered person.