I've always heard that beauty is a privilege, a treasure that open doors. For me, it's been a lifeline, the one thing that might pull my family out of the poverty. I'm Kaylee Rivera, nineteen years old, from the small town of San Pedro. Not many people know where it is, but it's a home. I dream of becoming a beauty queen, and while some may call it shallow , for me, it's a ticket for a better life.
Tuwing umaga, gumigising ako bago sumikat ang araw upang alagaan si mama at asikasuhin ang kapatid ko maging ang aking pag pasok sa trabaho. Ang mahina pang ilaw ng buwan ay nakasabit pa sa kalangitan. Dahan-dahan akong kumikilos sa loob ng aming maliit at maingay na bahay, nag iingat na huwag magising si Mama o si Kyler. Matagal nang may sakit si Mama, at si Kyler o Toto, ang nakababata kong kapatid, ay maraming iniintindi sa pag-aaral at pag-aalaga kay Mama kapag wala ako.
"Kaylee, maaari bang ikuha mo ako ng tubig?" bigkas ng mahinang boses mula sa kanyang silid habang ako'y papalabas na.
"Sige po, Mama. Sandali lang," sagot ko, papunta sa kusina. Malamig ang tubig mula sa gripo, at pinupuno ko ang isang baso, sinusubukan na itaas ang aking morale.
"Heto na, Mama," mahina kong sabi, saka iniaabot ang baso. Kinuha niya ito ng nanginginig na kamay, ang kanyang mga mata puno ng pasasalamat at sakit.
"Salamat, Nak. Napaka bait mong bata. Huwag kang malalate sa trabaho ha," sabi niya, halos pabulong.
"Hindi po. Magpahinga po kayo, ha?" Hinahalikan ko siya sa noo at umaalis na para sa aking unang trabaho sa araw na ito.
Labinlimang minutong lakad lang ang layo ng diner mula sa aming bahay. Isinuot ko ang aking uniporme sa likod ng silid at tinatalian ang buhok ko ng maayos na bun, handa na para harapin ang maagang tao.
"Kay, refill sa table four," sigaw ng boss kong si Mr. Gomez pagkapasok ko pa lang sa silid."Sige po," sagot ko, habang kinukuha ang pot ng kape. Tumango at ngumiti ang mga regular na customer sa akin, at tinutugunan ko ang kanilang mga ngiti. Pamilyar na mga mukha, mga taong nakita akong lumaki. Kay ang short term ng pangalan ko at iyon ang tawag saakin ng aking mga ka trabaho, at maging ng aking boss. Keylangan talaga ang nickname sa trabaho.
"Hey, Kay," sabi ng isa sa mga regular, isang matandang lalaking nagngangalang Carlos. "May balita ka ba sa beauty pageant?"
Tumawa ako ng pabiro. "Wala pa, Mr. Carlos. Nagtatrabaho lang at nag-iipon ang nasa isip ko sa ngayon."
"Well, maganda ka at matalino. Makakamit mo 'yan, alam ko," sabi niya, binigyan ako ng isang mainit na ngiti.Pagkatapos ng shift ko sa diner, nagmamadali akong pumunta sa grocery store kung saan ako nag-aayos ng mga istante hanggang hapon. Nakakapagod na trabaho, pero steady, at nagpapasalamat ako para dito. Habang inaayos ko ang mga lata ng sopas, nagvibrate ang phone ko sa bulsa.
Si Kyler ang kapatid ko, nagtext.
FROM TOTO:
Ate maaari bang bilhin mo ang gamot ni Mama pag-uwi mo? Salamat, ate."
Mabilis akong nag reply ng
TO TOTO:
Got it, mag iingat kayo ni mama dyan ha.
at nagpatuloy sa pagtatrabaho, habang iniisip ko ang pagpunta sa botika at mga gawaing-bahay na naghihintay sa akin sa bahay.
Pagdating ko sa bahay, nakalubog na ang araw, at ang mga poste ng ilaw ay nagbibigay ng dim na liwanag sa aming maliit na bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita kong nag-aaral si Toto sa lamesa.