Year 1800s
Isang malakas na bagyo bumagsak sa region ng Ilocos Norte lalo na sa malaking mansion ng mga Marcos, ang isang mantyag na pamilya sa Batac.
Ferdinand Marcos, the eldest son of Count Mariano, navigated the deserted mansion halls, seeking refuge in his chambers for a daytime rest as the storm raged outside.
"Malakas nanaman ang pag ulan, panigurado apektado ang pananim sa palayan" Sabi nito sa kaniyang sarili saka tumuloy sa paglalakad hanggang sa nakaramdam ito ng matinding kirot sa kaniyang dibdib dahilan napahawak siya dito.
"Arrgh... ang sakit..." A guttural groan, escaped his lips as a searing pain erupted in his chest. Doubling over, he crumpled to the ground, clutching at his heaving chest as if to hold the agony at bay.
Saktong napadaan ang kapatid nitong si Pacifico at nakita ang kaniyang kapatid na namimilipit sa sakit.
"Kuya!" Malakas na sigaw nito saka lumapit sa kapatid nitong nahihirapan na sa sakit.
"Aarrgghh... Paco... ung...ga...gamot" Nahihirapang sambit ni Ferdinand, mas lalo pa sumakit ang kaniyang nararamdaman at mas lalo pang kumirot ang dibdib nito.
Agad naman kinuha ni Paco ang gamot pero tinulungan niya muna ang kapatid nito at dinala sa sarili nitong kuwarto at hiniga sa higaan nito saka lang ito umalis para kunin ang gamot ng kaniyang kapatid.
Pero pagka alis pa lang niya ay siyang pagkabagsak ng mga mata ni Ferdinand at tila tumigil ang paghinga nito.
Pagkaalis ni Paco para kunin ang gamot, isang malakas na tunog ng pintuan ang umalingawngaw sa buong mansion. Bumukas ang malaking pintuan ng mansion, at isang estranghero ang pumasok na basang-basa sa ulan. Ang kanyang matangkad at matipuno na anyo ay tila nagdadala ng malamig na hangin sa bawat hakbang.
"May tao ba rito?" sigaw ng estranghero habang patuloy na naglalakad sa pasilyo.
Agad siyang sinalubong ng mga tauhan ng mansion.
"Sino ka? Anong kailangan mo?" tanong ng isa sa mga kasambahay.
"Ang pangalan ko'y Vlad. Naririnig kong may naghihirap dito," sagot ng estranghero na may malamlam na tinig.
Dinala siya ng mga tauhan patungo sa silid ni Ferdinand kung saan natagpuan niya itong walang malay at tila wala nang buhay.
"Maaari kong iligtas ang anak niyo," sabi ni Vlad kay Count Mariano na dumating na rin sa silid. "Ngunit, may kapalit ito."
Walang pag-aalinlangan, tumango si Count Mariano. "Gawin mo na. Iligtas mo siya."
Nilabas ni Vlad ang isang sinaunang aklat at nagsimulang magbasa ng mga malalalim at kakaibang salita. Habang binibigkas niya ang spell, nagsimulang gumalaw si Ferdinand. Biglang bumukas ang kanyang mga mata at siya'y sumigaw ng primal na growl, isang tunog na tila galing sa kailaliman ng impyerno.
Pagkatapos bigkasin ni Vlad ang sinaunang spell, nagsimula ang nakakatakot na pagbabagong anyo ni Ferdinand. Ang kanyang katawan ay nagbaluktot at nanginig, tila may matinding apoy na naglalagablab sa kanyang mga ugat. Ang mga litid niya sa leeg at braso ay tumigas, at ang kanyang balat ay nagsimulang pumusyaw habang ang kulay ng kanyang mga mata ay nagbabago.
"Arrrghhh! Aaahhh!" sigaw ni Ferdinand habang ang kanyang mga mata ay unti-unting nagiging pula at ang sclera ay nagiging itim. Sa bawat kibot ng kanyang katawan, naramdaman niya ang matinding sakit na tila sinusunog ang kanyang loob. Ang kanyang mga kuko ay humaba at naging matatalim, at ang kanyang mga pangil ay unti-unting lumabas, mas matalas kaysa sa alinmang hayop.
BINABASA MO ANG
Dracula: The Thirst for Blood
VampireFerdinand Marcos Dracula Au. Blood is life, and everything for Ferdinand as he become a creature of the night that always thirst for blood. A prequel for Eternal Shadows, a story on how his life changes when he turned into a something more than a...