Aswang sa Tulay

0 0 0
                                    

Ang Kwentong ito ay totoong nangyari noong 2015 3am ng madaling araw habang kami ay nagjajogging....

3am na at naisipan naming mag kakaibigan na mag jogging so bali Sampu kaming lahat at ewan anong trip namin at ganong oras ang napili namin so ayun na nga nagsimula na kami mag jogging palabas ng baranggay namin ang plano namin at apat na baranggay ang tatakbohin bago umuwi dahil saktong umaga na yun.

Nandito na kami sa barabggay malopalo palapit palang kami sa tulay ay nakakarinig na kami ng iyak ng BABY yes iyak talaga yung Uwaaa uwaaa ganun baby na baby talaga yung iyak pero di namin pinsanin at dumeritso lang nung nasa tulay na kami medyo lumakas yung iyak pero di parin namin pinsan kahit na tumataas na balahibo namin at dahil madilim sa part na yun nag flashlight kami gamit ang cp flashlight at nung nakalampas na kami sa tulay napatigil yung isang kasama namin yung pinaka bata sa amin kasi natanggal ang sintas ng sapatos nya so ako at yung kaibigan naming lalaki nagpaiwan para ilawan siya at samahan, yung ibang kasama namin medyo malayo na ang agwat pero ng mapansin na tumigil kami at hinintay nila kami so habang nag aayos ng sintas ang kasama namin ay meron ako napansin na anino sa likod nya medyo malayo pa naman pero maaninag mo dahil sa flashlight tsaka yung iyak na naririnig namin mas papalapit kaya nangilabot ako akala ko ako lang ang nakapansin yun pala pati ang kaibigan kong lalaki ay kanina pa napapansin yung papalapit sa amin.

Nagkatinginan kami at animoy nababasa ang iniisip kaya lumapit siya sa kaibigan namin at bumulong na kaming tatlo lang makakarinig...

Pag sinabi kong takbo, tatakbo tayo ng mabilis ha walang lingon lingon sa likod ok bibilang ako ng tatlo pagkatayo mo at tatakbo tayo ng napakaba bilis naiintindihan mo ba?

Tumango naman agad kaming dalawa habang ako nakatingin parin sa sobrang laking anino para siyang aso ang kaibahan lang sobrang laki ng size niya parang hanggang balikat qoh siya kaya grabe pangingilabot ko.

Dahan dahan tumayo ang kaibigan namin at

Isa. Dalawa. Tatlo! Takboooo!!!!

Hinatak namin magkabilaang braso ng kaibigan namin dahil nakisabay ng takbo yung asong malaki na baby ang tunog. Ng makarating kami sa iba naming kasama sinigawan naming...

TAKBO!!!! WALANG LINGON LINGON!!!! BILISAN NIYO TUMAKBO!!!! NANJAN NA SIYA!!!! HINAHABOL NIYA TAYO!!!! DALIIIII!!!!!

Sigaw ko nung mapansing nagtataka sila sa bilis ng takbo namin kaya nakitakbo na din sila at siguro napansin nila yung humahabol sa amin kaya napatakbo din sila ng mabilis at nagkasabay sabay kaming sampu sa gitna ng kalsada good thing walang dumaan na sasakyan kc masasagasaan talaga kami pag nagkataon...

Ang layo na ng natakbo namin pero hinahabol parin kami at nung malapit na kami sa kasunod na Baranggay nakakita kami merong maliwanag na bahay kaya mas binilisan namin ang takbo at nung makarating kami dun tumigil kami at lumingon.

Nakita namin tumigil yung malaking sa malayo sa amin nandon lang siya sa dilim pero maaninag mo parin ang kanyang pigura at mapulang mata at umiiyak na batang tunog.

Ano yun!!! Ano yung humahabol sa atin?!!!

Tanong ng mga kasama namin di kami nagsalita kasi iniisip pa namin kung ano nga ba yung humabol sa amin.

Napag desisyonan naming magpatuloy sa pag jajogging kasi di namin kaya bumalik hanggat madilim pa dahil alam naming nandun lang yun naghihintay sa amin kaya umabot kami sa baranggay marcatubig at doon nagpaabot ng liwanag sa gilid lang kami ng kalsada pero yung isang kasama namin yun yung lalaking kasama ko sa paghihintai, meron pala siya napansin sa medyo malayo sa amin mga 5am palang kaya medyo madilim pa nakita nya pala na merong nakaputing babaeng nakatayo sa pataas ng bundok di lang nya sinabi sa amin dahil baka matakot nanaman kami at pinagsawalang bahala nalang nya.

Nung mag 7am na napagdesisyonan naming umuwi na kasi sigurado naman na wala na yung nilalang na yun doon sa tulay kaya naglakad nalang kami pauwi habang nag uusap...

Tama nga kami wala na doon at marami na din ang mga sasakyang dumadaan kaya di na kami natakot although ako at yung lalaking kasama ko nandon parin yung pangingilabot kasi ramdam pa namin ang presenya ng nilalang na yun pero alam naming hindi na yun lalabas dahil umaga na.

Hanggang sa makauwi kami sa lugar namin at kinuwento sa lolo at lola ko ang nangyari at sinabi nilang ASWANG yun na nagpapanggap na aso at baby pasalamat kami at walang masamang nangyari sa amin at nakauwi ng ligtas.

Simula nun Hindi na kami nagyayaang mag jogging pa.

Lesson Learned na din sa amin ang pangyayaring yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

True Short Horror StoriesWhere stories live. Discover now