Pagkagising ko kaagad na ako nag ayos at nag punta ulit sa field upang makinig sa orientation.
This week kase ay hindi pa klase, parang ang week na ito ay binigyan kame para mag enjoy at malaman ang dapat namin malaman sa paaralan na ito.
Marami pa rin kase dumadating na freshman students.
Open kase ang week na ito para sa mga freshman, ang iba namang senior ay kakarating lamang galing sa labas.
Annually kase nag papalabas ang school ng students that's one of the rules na kahit ako ay nakatira sa ampunan ay alam yan.
Hindi man ako ang first time na nakapasok sa paaralan na ito galing sa ampunan pero ako siguro ang naka unang nakapasok sa paaralan ma ito ni walang kinuhang entrance exam.
Sa totoo lamang hindi ako masaya, i feels like nag cheat ako para makapasok sa school.
At natatakot ako sa kung anong pwede mangyari sa book of prophecy.
"Are you ready freshmen?" Napatingin ako sa stage ng marinig kong magsalita ang headmistresses, malayo man ako sa stage ngunit nakikita ko parin siya kahit papaano.
"As your headmistresses, masaya ako na makitang Marami ang nakapasa sa entrance exam. And also I heard na maraming magagaling this school year" magagaling?
Napalingon naman ako sa katabi ko ng marinig ko ang paguusap nilang dalawa. Mukhang magkaibigan sila at sabay na kumuha ng exam at sabay din nakapasa.
"I heard this year sabay na pinapasok ng apat na kingdom ang kanilang mga malalakas na anak"
"Oo narinig ko din, pero hindi din naman natin alam sino sa mga anak, lalo't alam natin marami silang anak"
"Pero si prince Heulfryn sure ako na makakapasok siya, hindi nga lang daw ang mga princess and prince pati rin Ang kanilang mga pinsan na magagaling din."
"Sayang hindi natin nakita ang examination nila"
"Oo nga nu, yun kase ang rules ng royal family, kailangan tago ang examination nila para if ever na hindi makapasok ang isang may dugong royal ay walang kahihiyan"
Napabuntong hininga na lamang ako.
Mukhang ka batch ko ngayon ang ilang malalakas na dughong bughaw.
Sa totoo lamang ang panganay na prinsesa lamang ng Seaforia ang nakita ko.
Ang Seaforia kase talaga ang bigger donator ng ampunan namin.
Once kona siya nakita at masasabi kong ang ganda at lakas niya.
Halatang sinanay talaga siya para maging reyna balang araw.
At ngayon na nakapasok na ako sa academy na ito mukhang marami na ako makikitang dughong bughaw kasama na ang prinsepe nang Ignitara ang prince Heulfryn, isa sa mga kilalang malakas ngayon generation na kahit malayo ang Ignitara sa ampunan ay dumarating parin ang balita patungkol sa kanya.
❦ ❦ ❦
lunchtime na nang matapos ang orientation namin.
Marami akong nakitang students patungo sa cafeteria mukhang marami ang kakain don.
Gusto ko din makaranas kumain sa cafteria ng school, pero ng maalala ko kung magkano lamang ang pera ko at kung ilang days at months ko itong dapat ipagkasiya ay napapaatras na lamang ako.
Tutal may pagkain pa naman sa dorm bigay ng headmistress at mukhang aabot iyon ng 5 months saakin lalo't mag isa lamang ako.
Sa orientation marami akong nalaman kasali na ang rules at regulations.
YOU ARE READING
The academy of Elemental Magic : Elementum Academy
Fantasy(Taglish Fantasy Story) Join Rae as she navigates the challenges of mastering the elements at a prestigious academy for magic.