Chapter 2: Red Royalty Gang

34 27 10
                                    

Chapter 2: Red Royalty Gang

Leigh's Point of View

I was never a morning person. I was still yawning while checking the schedule of my classes. Nasa fifth floor ang una kong subject. English. Nasa harapan na ako ng elevator nang makita ko ang post sa gilid nito. Elevator Out Of Order.

No choice, maghahagdan ako ngayong araw na ito. Ang taas taas pa naman ng fifth floor. Tuluyan nang nawala ang antok ko nang makita ko ang napakataas na hagdan.

Nang makarating sa fifth floor agad kong pinasok ang classroom ko. Lahat sila ay napatingin sa akin ng malakas kong buksan ang pinto. May guro nang nagtuturo sa harapan. Seninyasan ako ni Jane na pumunta na sa upuan ko kaya yumuko lang ako sa guro bilang paghingi ng patawad dahil sa late ako ngayon. Tahimik kong tinungo ang last row kung nasaan ang upuan ko. Pinagpatuloy na agad ni Miss Samonte ang naudlot niyang klase dahil sa akin.

Maayos ang takbo ng diskusyon nang marahas na bumukas ang pinto at pumasok ang anim na estudyante. Bahagya pa akong nagulat nang makilala kung sino ang mga ito. Ang Red Royalty.

"Tolentino! Smith! Vandross! Loughton! De Marco! Jones! Parati nalang kayong late sa subject ko!" malakas na sigaw ni Miss Samonte sa kanila.

"Aren't you used to it, Miss?" natatawang sabi ng lalaking may blue na buhok.

Naglakad na sila papunta sa kaliwang bahagi ng silid. Ngayon ko lang nalaman na kaya pala ay anim lang sila nandito na pala sa loob ang isa nilang miyembro. If I am not mistaken, her name was Lexi.

Sa halip na pagalitan pa ni Miss Samonte ang mga bagong dating, ipinagpatuloy nalang nito ang naudlot na diskusyon. At dahil nga nasa dulo ako, nahahagip ng aking paningin ang grupo nila na nasa kabilang bahagi. Ang dalawa sa kanila ay nag-uusap, habang ang apat naman ay tahimik lang. Isa lang yata sa kanila ang nakikinig sa diskusyon sa harap. Paminsan-minsan ay nararamdaman kong tila may nakatignin sa akin. Kapag naman iginagala ko ang paningin ko wala naman akong nahuhuli. Baka guni-guni ko lang.

Hindi ko naging kaklase ang anim sa kanila sa sumunod kong mga subject. Iyong Lexi lang naging kaklase ko. Surprisingly, hindi nila ako pinagtuunan ng pansin dahil sa nangyari kahapon doon sa cafeteria. Nasanay lang kasi ako sa mga past universities ko na may nagtatangka akong i-bully, and most of the time, it ended with me giving them a taste of their own medicine. The school administration received complaints about me, and the next, I knew I was kicked out of the school. They think that I was a danger to the students.

It was lunchtime at nasa cafeteria kami ngayon ni Jane. Kinareer niya talaga ang pagiging kaibigan niya sa akin. Dahil mukhang kahit anong taboy ang gawin ko sa kaniya ay hindi pa rin ito titigil kakasunod sa akin. Tahimik lang akong kumakain habang panay naman ang daldal nitong kaharap ko. Nasa kalagitnaan na ako nang masarap kong pagkain nang bigla nalang umingay ang loob ng cafeteria.

Here we go again. Hindi nga ako nagkamali dahil sa entrada ng cafeteria ay naglalakad papasok ang pitong estudyante na miyembro ng Red Royalty Gang. At katulad kahapon, pinangungunahan na naman ito noong mayabang na lalaki.

Dumiretso ang mga ito sa mahabang lamesa na nakita ko kahapon. So, sa kanila pala ang table na iyan? Para silang mga VIP, may pa reserved seats pa talaga.

"Remember them?" untag ni Jane nang mapansin niya kung saan ako nakatingin. "I know you do! They are the famous Red Royalty Gang of Salvatore University. They are like walking warning signs."

"Who's that arrogant guy?" tanong ko at tinaliman ng tingin iyong lalaki na tila pinuno nila na ngayo'y nakangisi nang nakatingin sa direksyon namin. Ngayon ko lang napansin na may dimple pala ito sa kaliwang pisngi. So, alam pala niyang siya ang pinagchichismisan namin?

Her Gangster SideWhere stories live. Discover now