Buwan ng Agosto, taong 2014 nang magsimula ang pasukan sa Unibersidad ng Pilipinas. Unang araw sa klase ni Haerin bilang isang Industrial Engineering student. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala na pumasa siya sa isa sa top universities ng bansa. Nagbalik sa alaala nito kung paano niya nabalitaan ang pagpasa sa unibersidad:
December 23, 2013
Nabulabog ang mahimbing na tulog ni Haerin nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. Tumatawag sa kanya si Winter, highschool batchmate niya at best friend. Sinagot ni Haerin ang tawag habang marahas na nagkusot ng mga mata para mawala ang kanyang antok.Haerin: Hello, Winter?
Winter: Pre, pumasa ka! Pumasa tayo!
Haerin: Huh? Pumasa saan?
Winter: Saan pa ba? Edi sa UP! Tignan mo na sa website, nandun pangalan natin!
Haerin: Sige sige. Teka baba ko muna yung tawag.
Mabilis na binaba ni Haerin ang tawag pagkapaalam nito kay Winter at agad binuksan ang website na kung saan makikita ang listahan ng mga pumasa sa UPCAT.
2014-2****
KANG HAERIN
BS INDUSTRIAL ENGINEERINGNagtatalon ito sa tuwa lalo pa nang makita nito na nasa listahan din ang iba pa niyang kaibigan at kaklase.
#
August 14, 2014
Nakatakdang ganapin ngayong araw ang Freshmen Convocation sa Copeland Gymnasium upang masigabong salubungin ang mga bagong mag-aaral ng Unibersidad. Hatid ng Freshman Convocation ang taunang free breakfast na hinahanda ng iba't ibang organizations, freshmen orientation, dance performance ng Street Jazz Dance Company at Wyre Underground. Mayroon ding party na gaganapin mamayang alas siete ng gabi na hatid ng kilalang organization.Maagang naghanda si Haerin para sa unang araw ng pasukan. Excited din kasi ito makilala ng lubos ang mga bagong kaibigan na nakilala niya sa Facebook na kapwa Industrial Engineering students din papasok. Nagpaalam muna si Haerin sa mga housemates niya na sina Karina, first year Development Communication student, Winter, first year Veterinary Medicine student, Giselle, first year Development Communication student, Ningning, first year Biology student, na mauuna na siyang pumunta sa Copeland Gymnasium dahil kikitain niya pa ang mga ka-bloc niya. Magkikita-kita rin naman sila ulit kinagabihan pagkatapos ng klase, para sabay-sabay pumunta sa freshmen party.
Masaya at excited na sinalubong nila Minji, at Hyein si Haerin nang makarating ito sa Copeland.
Minji: Tara kain muna tayo.
Hyein: Ang dami naman palang gwapo rito sa elbi. Sana pala nag make-up muna ako bago umalis ng dorm.
Minji: Teh nandito tayo para kumain at makinig sa orientation, hindi para magpacute. Makakain mo ba yang mga yan ha?
BINABASA MO ANG
Paraluman
Fiksi PenggemarAng istorya ng buhay kolehiyo ni Haerin Kang at kung paano ito niyanig ng isang Danielle Marsh.