Prologue

15 2 0
                                    


"What the fuck kuya!!!"

Sigaw ko sa telepono habang kausap ang kuya ko. Paano ba naman ako hindi magagalit eh pinahiram ba naman niya sa tropa niya yung jacket ko na napaka mahal, and besides it's my own hard-earned money. Napatingin naman saakin ang kaibigan ko na kumakain sa aking harapan.

"Teh ano ka ba nakakahiya, nasa public place tayo tapos mag mumura ka. Rinig na rinig dito sa buong cafe."

Napatingin naman ako sa paligid ko and fuck nakakahiya halos lahat sila nakatingin saakin, mukang napalakas ata yung sigaw ko.

After naming kumain ni Cass ay dumiretso na kami sa condo ng isa naming kaibigan dahil coding daw yung kotse niya. Pag karating namin sa building ng condo ng kaibigan namin ay wala pa pala don ang gaga.

"Ano ba tong si Isa alam naman niyang ayoko nag hihintay diba!!!"

"O sis kalma inaactivate mo nanaman si Anger diyan sa ulo mo" Pang-aasar ni Cass saakin.

"What if pababain kita dito sa kotse ko?" Pag-mamaldita ko dito.

Habang nag-aasaran kami ni Cass di ko napansin na kanina pa pala si Isa sa labas kung kaya't pinapasok ko agad ito dahil umuulan.

"Bagal mo dapat iniwan na kita eh"

"Wow thank you ah, ako nga tong kanina pa nasa labas nag reklamo ba ako?" Sarkastikong pag-kakasabi ni Isa

"O siya tayo na at baka imbis sa school ang ma-puntahan natin sa police station pa tayo mapunta" Pag-awat saamin ni Cass

Habang nasa kalagitnaan kami ng EDSA bigla namang may chinismis saamin si Isa

"By the way alam niyo ba mag mamaternity leave na raw si Mrs. Rosario"

"Wehh totoo ba?" Oa talaga neto ni Cass

"Ay hindi nag bibiro lang ako sis" Sarkastikong pagkasabi ni Isa

"Namo talaga babaita ka"

"Pero edi kung mag mamaternity leave na si Mam, sino papalit sakanya?" Curios kong tanong kay Isa

"Ay teh wag mo sakin tanungin di ako yung may ari ng university"

Tuloy tuloy lang ang chikahan naming tatlo, dami kasing chismis na baon ni Isa eh. Pag karating naming sa campus ay nag park na agad ako.

"Lex libre mo nga ako ng bacsilog naamoy ko eh nakakagutom." Hirit ni Isa

"May pera ka diba? Ikaw bumili kapal talaga ng muka mo Isabella" Sabay tawa naman si Cass sa sinabi ko kung kaya't inirapan ito ni Isa

"Sige na kasi Lex gutom na ako eh" Pagmamakaawa ni Isa

"Kasalanan mo yan, yinayaya ka namin kanina kumain tumanggi ka naman"

"Nag titipid nga ako at isa pa nag papa good shot ako kay mommy at daddy"

"At ano nanamang kagagahan ang ginawa mo para mag pa good shot ka kayla tito at tita aber?"

"Wag mo na isipin yon ang isipin mo yung kaibigan mong nagugutom"

"Bala ka diyan may pera ka naman eh, and besides nag din titipid ako dahil may pinag iipunan ako"

Pag tingin ko sa tabi ko nakita ko si Cass na nakatunganga lang at naka nganga pa.

"Huy Cass baka pasukan ng lamok yang bunganga mo." Patawang sabi ni Isa

"Ano ba tinitignan mo don?" Tanong ko

"Diba kuya mo yon Lex? Shet ang pogi, mukang amoy baby powder" Kadiri naman tong si Cass sa lahat ng lalake na pwede niyang magustuhan yung kuya ko pang siraulo.

Breaking the Playboy CodeWhere stories live. Discover now