I have this weird feeling that something is not right. I have this tiny gut feeling that someone has been staring at me the whole night. Little goosebumps are everywhere. What was that?
It was him. The guy in front of me. He is staring deeply, as if I will be a bubble that’ll go away from his sight. I sighed and looked at my fingers. “What the fuck was he staring at?”
“Pinagsasabi mo?”
I almost died from shock. “What the—”
Dali-dali niyang tinakpan ang bibig ko na mabilisan ko ring inalis.
“Huwag ka ngang maingay!” Tarantang sabi niya at napahinto. “Ay, tahimik ka nga pala. Ngayon lang ulit kita narinig na nagsalita.”
I quickly took a few steps away from him. He smirked at me, which made my brows furrow. “What? ” I asked, almost in a whisper.
“Watawat,” aniya nang may pilosopong tono. I didn’t react because of it. Ang weirdo niya talaga.
“Ay, kanina pa kasi kita nakikitang bumubulong nang mag-isa at wala namang kasama—ang creepy kaya nilapitan kita...” Huminto siya saglit at sabay sabing, “Baka kasi bina-backstab mo na ako.”
Natawa ako sa sinabi niya. Ngumiti naman siya agad at ginulo ang buhok ko. “Joke lang, Ms. President. Ang seryoso mo kasi. Tungkol pa rin ba kay Kino?” Tanong niya na may halong kuryusidad.
Si Kino ang pumalit sa akin bilang presidente ng klase. Wala akong magawa dahil kung ano-ano ang mga paninira niya sa akin. Alam ko namang hindi totoo lahat iyon at gawa niya lang iyon para patalsikin ako. Bagama’t nagtagumpay siya, wala namang tumuturing sa kaniyang presidente sa loob ng klase.
Ngumiti ako nang mapakla. “Hindi naman tungkol do’n, Bryce,” sagot ko. “Eh? Puwede kang magsabi, pres. Makikinig ako kaya tungkol saan ba?”
Tinignan ko siya sa mata. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Ang alam ko lang ay may halong emosyon ang bawat pananalita niya at ang mga mata niya ay blangkong nakatingin lang sa akin.
“Sa—”
Naputol ang sasabihin ko nang isinigaw ni Tori ang pangalan ni Bryce. Agad na nagliwanag ang mukha ni Bryce sa kumakaway na Tori sa may ‘di kalayuan.
“Saglit lang, pres, babalikan kita. Puntahan ko lang si Tori,” aniya na puno ng enerhiya ang bawat salitang kaniyang binitawan. Wala akong magawa kundi ang tumango sa papalayong si Bryce.
Tanaw ko ang dalawang nag-uusap nang masaya. Natawa ako sa aking sarili at sinipa ang batong nasa harap ko. Napakagat ako sa labi at muli silang pinagmasdan.
He, of all people, was the only one who made me feel special. He is weird to the point that he’ll always look out for me—shamelessly giving me mixed signals. His everyday routine was to say ’good morning, pres’ in the morning to ’kumusta ang araw mo? okay lang ba?’ in the evening.
Habang nakatanaw sa kanila ay unti-unting lumabas ang mapait na ngiti sa aking mukha. Kasabay nito ang paglingon niya sa akin habang sumesenyas na hintayin ko siya. Tumango ako na siyang ikinangiti niya sabay baling sa taong nagugustuhan niya.
I almost forgot that he likes someone. I totally forgot that it was just him who was raised to be a gentleman and a sunshine at the same time. I literally forgot that he’s only doing this out of sympathy for making me give up the position that I want.
Kinurot ko ang aking kamay at tumingala sa langit, humihingi ng lakas upang kayaning mapigilan ang mga nagbabadyang butil ng mga luhang gusto na kumawala.
“Maybe, this thing between us was just casual fridays for him.”
—
Short Background Story: This is for my boy best friend na tinuring ko ng kapatid. I was so close to him na akala ng mga tao ay may ‘kami ’ pero ang totoo, magkapatid lang talaga turingan namin. Never akong nagkagusto sa kaniya pero inspired ito sa unang dalawang linggo namin bilang magkaklase.
BINABASA MO ANG
matchi matcha
Short Storycompilation of my short stories with a short background story behind it. enjoy reading!