It was the first day of our class. I was afraid of my new classmates—afraid of being judged by them to be exact. Yet, there was this one guy who I noticed after stepping into the Computer Laboratory. A moreno one whom I could hear his noticeable loud voice in front of the crowd.
“Ate, pahingi nga ng isang papel.”
Kasalukuyan kaming pinapakuha ng one whole sheet of paper ni Ma’am Loyzaga. Pansamantalang lumabas ito at naiwan kaming mga estudyante niya sa ComLab. Diretso ang tingin ng lalaki sa isang pad ko kaya wala akong nagawa kundi ang ibigay sa kaniya ang isang piraso ng papel ko.
“‘Yon, bait talaga. Ano pala pangalan mo?” Nakangiti nitong tanong sa akin. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang sumingit ang katabi ko. “Ba’t mo tinatanong? Crush mo siya ‘no?”
“Uy, baka mailang si ate! ‘Te, ‘wag mo pansinin ‘yan,” dipensa agad nito sa sarili. Ngumiwi ang katabi ko sa naging reaksiyon ng lalaki. “Sus, pahalata masiyado. May papel naman ‘yang katabi mo pero rito ka pa humingi sa katabi ko.”
“Bakit? Nagseselos ka ba?” Hambog na tanong nito kaya napatingin halos ng mga kaklase ko sa kaniya.
Impit ang hiyawan ng mga kaklase ko at itinulak-tulak pa ng mga kilig na kilig kong kaklase ang katabi kong babae sa itinanong ng binata.
“Manahimik ka nga, Paul,” inis na sabi ng katabi ko sa nanghingi sa akin ng papel.
Paul pala ang pangalan niya.
“Kung nanahimik ka na lang din sana, Ash. Wala na, pangit na tuloy first impression sa akin ni ate na mayaman sa papel. Baka hindi na niya ako bigyan sa susunod!” Nagdadabog sa kinauupuan nitong sabi. Napatitig ako sa kaniya sa gulat kaya binawi niya ang inis ng isang ngiti. “Hehe, ate, hindi mo pa rin sinasabi ‘yong pangalan mo sa akin.”
“Uh, I’m Dani,” maikling pagpapakilala ko.
Napasinghap ako nang humawak ito sa dibdib niya at umaktong para bang tinamaan ni kupido.
“Grabe, ang hinhin pakinggan ng pangalan at boses niya,” aniya habang nakahawak sa dibdib. Napatingin ako sa katabi ko nang umirap ito. “Girl, just don’t mind him. Nalipasan ng kain ‘yan kaya napagdiskitahan ka.”
“Huwag mo nga lasunin ang utak ni Dani! Wala na tayong supply ng papel niyan sa susunod!” Sigaw nito sa katabi ko na kahit ako ay napahawak sa tainga ko dahil sa panririndi.
Nang mga sumunod na araw ay panay pa rin ang bangayan nila. Kahit nagtuturo si Ma’am Loyzaga ay nagbabangayan pa rin ang dalawa. Minsan ay gusto kong lumipat at mag-stem na lang kaysa maging css student kung ganito sila kaingay.
Paminsan-minsan ay nakikitawa ako sa mga biro ni Paul kahit pikon na pikon ang katabi ko sa kaniya. Madalas silang aso’t pusa pero paminsan-minsan ay ship ko sila sa isip ko. Enemies to lovers kumbaga.
Ngunit, nang manalo sila Paul sa isang contest ay ganoon na lang ang gulat ko nang pagdating ko sa ComLab ay ini-abot niya sa akin ang mga napanalunan niyang chocolates. Valentine’s Day nang maisipan ng school naming magpa-contest at dahil palaban sila Paul ay nanalo sila.
Nabigla ako dahil akala ko ay may gusto ito sa katabi ko dahil sa mga pang-aasar niya sa dalaga. Idagdag pang kinikilig ang buong klase tuwing magbabangayan sila. Kaya, paano?
“Uhm, pinapaabot mo ba ‘to para kay Ash?” mahinahong tanong ko kay Paul. Malakas ang loob ko dahil pareho kaming maagang pumasok sa ComLab at kami pa lang ang tao sa loob. “Nah, that’s for you.”
“H-huh?” Takang tanong ko sa kaniya. Lumamlam ang mga mata nito at seryoso akong tinignan. “Magpapapansin ba ako sayo kung hindi ikaw ang gusto ko?”
Namilog ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman dahil noong mga oras na akala ko’y may iba siyang gusto, iyon din ang mga oras na ginugusto niya na ako.
“P-pero, Paul,” alanganin kong tawag sa kaniya. Ngumiti siya sa akin saka ako nilapitan. “Hmm?”
Hindi ako nagsalita, bagkus, inalala ang mga nagdaang buwan na mali ang aking akala.
Totoong napapansin ko ang kaingayan nito. Pero, akala ko ay dahil inaaasar nito si Ash. Pansin ko rin ang bawat sulyap niya sa puwesto ko na ipinagsawalang-bahala ko dahil baka para rin kay Ash. Ang bawat senyales na akala ko ay para sa katabi ko, hindi ko namalayan at nabulag ako ng mga akala ko.
Marahan kong binitawan ang mga tsokolateng bigay niya at kinuha ang isang papel. Kung noong una naming pagkikita ay hiningian niya ako ng papel, ngayon naman ay kusa kong ibinibigay sa kaniya ang isang piraso nito.
Inabot niya ito mula sa akin at kunot ang noong tinitigan ang isang bulaklak na nakaguhit doon.
“Y-yellow tulips... hindi ba’t ito ang iginuhit mo noong unang klase natin. Bakit mo ibinibigay sa akin?” Nagtatakang tanong nito.
Iginuhit ko ito noong unang klase para hindi lamunin ng kaba ko sa mga bagong magiging kaklase. Hindi ko inaasahang maibibigay ko ito sa isang tao. At mas lalong hindi ko inaasahang ibibigay ko ito sa taong unang nakapansin ng atensiyon ko.
“Yellow tulips symbolise unrequited love, Paul.”
—
Short Background Story: This is for a friend from CSS way back in Junior High School. I indeed noticed him because of his loud voice noong first day of class namin. Some of the scenes in this story were true. Ginawan ko siya ng story na dedicated sa kaniya dahil sa I also treasure him as a friend. But, I can only love him as my friend—not more than a friend could offer.
BINABASA MO ANG
matchi matcha
Short Storycompilation of my short stories with a short background story behind it. enjoy reading!