04 : unconsciously inherited

14 1 0
                                    

ENTRY #8 - Unconsciously Inherited

TW: Domestic Violence

Do you ever wonder what is the meaning of love? Have you experienced it? How would you describe giving love to others? Will they reciprocate that love after receiving it?

Storge, Philia, Eros, and Agape. They are all different types of love. We, as people, have already experienced being in love in so many ways. But, do we really know how to distinguish them?

“Mama!” Sigaw ko nang makababa si mama sa bus. Masiyadong tirik ang araw kaya kitang-kita ng mga mata ko ang natural na ganda niya.

“Alexis! Na-miss kita, anak ko.” Mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin.

Bukod sa karapatan, karangalan, at karangyaan ay nag-iisang tao si mama na pinapangarap kong mahawakan at maabot tuwing kapaskuhan. Tuwing pasko lamang ito nakauuwi sa amin at halos labing isang buwan na nasa siyudad upang magtrabaho.

Sa kabilang banda, nasa puder ako ng papa ko. Hindi man ito kasing lambing ni mama, alam kong mayroon itong sariling paraan para iparamdam sa amin ang kaniyang pagmamahal. Ngunit, natural na nga lang ba talaga sa mga magulang na may magka-ibang paraan ng pagpapakita ng kanilang pagmamahal?

“H-hindi po ako kumakain niyan, mama,” malungkot na sabi ko sa kaniya. Ibinaba niya ang kutsarang may lamang kanin at isda. “Bakit? Hindi mo ba gusto ang ulam natin?”

Napayuko ako sa sinabi niya. Oo nga pala, maikli lang ang panahon na magkakasama kaming apat kaya hindi nito alam—Hindi, walang nakaaalam. Ilang segundo lamang ang nakalilipas ay nadatnan ko na lamang ang sarili kong kinakaladkad ni papa sa labas.

“Fredrick! Nasasaktan ang anak mo!” Tarantang sigaw ni mama kasabay nito ang pagbagsakan ng mga plato, kutsara, tinidor, maging ang mga pagkain namin sa mesa.

Wala akong maramdaman ngunit galak dahil kahit alam kong pag-iinitan ako ni papa ay mayroon namang taong nag-aalala sa akin ngayon, hindi katulad sa mga nakalipas na buwan. Habang papalayo kami ni papa ay nakikita kong nakasunod sa amin si mama. Samantalang ang kapatid ko ay tahimik na kumakain, walang malay sa nangyayari sa pamilya namin.

Nang makalabas ay walang habas na itinulak ako ni papa sa kalsada. Dumugo ang tuhod at mga braso ko ngunit wala pa ito sa kalahati ng mga naranasan ko sa kaniya. Hindi nagtagal ay naghanap na ito ng dos por dos, ang paborito niyang pang disiplina sa akin.

Pitong taong gulang pa lamang ay ranas ko na ang lahat ng mga ito. Kapag umiyak ang kapatid kong limang taong gulang dahil hindi nasunod ang gusto ay papaluin niya ako. Kapag naman nagkamali ako sa paglilinis ay bubugbugin niya ako. Kapag naman hindi ko sinunod ang gusto niya ay pansamantala niya akong palalayasin at kapag may nakakita sa akin ay papapasukin niya akong muli na para bang walang nangyari.

Nang maramdaman kong papalapit na ang dos por dos na hawak ni papa sa braso ko ay napapikit na lamang ako. Ano ba ang kasalanan ko sa kaniya at galit na galit na naman ito? Dahil ba hindi ko kinain ang pagkaing isusubo sa akin ni mama? Ngunit, paano… paano ko ito kakainin gayong hindi ako puwedeng kumain ng mga pagkaing galing sa dagat.

Bata pa lamang ay nagkakaroon na ako ng maraming pantal at mataas na lagnat dahil sa pagkain ko ng mga lamang dagat. Mukhang nakalimutan na nila ito dahil paborito ng bunso kong kapatid ang mga pagkaing bawal sa akin. Kaya sa tuwing kakain kami ay asin o hindi kaya’y toyo ang ulam ko. Kaysa mapagastos sila sa pagpapagamot sa akin ay tinatanggap ko na lamang ang bawat hampas ng galit ng ama ko.

“Fredrick! Tama na ‘yan! Mapapatay mo ang anak mo!” Sigaw ni mama saka ko narinig ang isang ingay mula sa sahig. Nalaglag ni papa ang dos por dos na dapat ay ipapalo niya sa akin.

matchi matchaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon