"Good Morning Sundayy". Araw ngayon ng linggo kaya mag sisimba tayo, ay este ako. Iwan ko ba kong bakit love na love ko ang sunday, siguro kase mababawasan nanaman ang mga kasalanan ko o dahil mapupuntahan ko na naman ang tambayan ko pagkatapos ng Mesa..
"San ang punta mo?".
"Ayokong masira ang umaga ko kuya". Nag smile lang ako kay kuya, yung piking ngiti?. Oo yun!
"Energetic ka ata ngayon ha!".
"Anong ngiti yan kuya?". Siguro kong hindi ko lang kilala si kuya, siguro tatakbo nako palabas ng bahay, kase yung tawang yun, nakakatakot, tawa ng isang baliw. Pero baliw naman talaga ang kuya ko, gwapong baliw ngalang.
"May date ka no?. Sino?". Baliw batong taong to?.
"Bitawan mo ngako kuya, at tsaka anong date ang pinagsasabi mo diyan?. Mag sisimba ako kalog. Mag SI-SIM-BA. klaro?". Nakita ko ang pagka dismaya sa mukha ni kuya ng sabihin ko yun. Anong date naman ang pupuntahan ko, date kay God, Oo pero yung date na as in date talaga, Wish.
"Sunday ngayon kuya kaya mag sisimba ako, mabait kase ako, hindi katulad ng iba diyan.., tao lang".( ꈍᴗꈍ)
"Aalis nako kuya, byee".
Aalis nako ngayon baka sumama pa si kuya, ang boring pa naman niyang kasama. hindi kami ka vibes, pang matanda ang gusto non, Marami pa naman akong plano ngayon , pagkatapos ng Mesa.
****
Nakinig lang ako ng mesa. Hanggang sa matapos iyon.
Bago ako lumabas ng simbahan, syempre hindi pweding hindi tayo mag mano kay father, para instant blessed talaga tayo.
10 points agad kay lord, tama yan Xue!
Madami akong pupuntahan pero Siguro ang una kong pupuntahan ngayon ay ang mga bata. Pero bago ako pumunta don ay dapat may dala akong pasalubong, Oo pasalubong.
Namili lang ako sa Mall ng mga Gamit at pagkain na pweding ipamigay sa mga bata.
"Good Morning Ma'am Xue!". Bati samin ng isa sa mga madre na nag babantay sa mga bata. Oo, kilala nako dito dahil matagal nakong pumupunta dito, kada linggo lang ngalang.
"Ang mga bata po?".
"Nandon po sa loob". Tinulungan niya kong dalhin sa loob ang mga pinamili ko, madami-dami din to.
"Mga bata andito ang ate Xue nyo!".
"Ateee". Isa-isang naghipag takbuhan ang mga bata papunta sakin.
"May mga toy don, pumili kayo". Ang saya-saya ng mga bata. Na miss ko ang mga batang to. Dito ako pumupunta kapag may problema ako.
"Para po ba samin to ate Xue?". Tanong ng isa sa kanila kaya tumango nalang ako.
"Wow ate Xue ang ganda nito".
"Ang Cute nito ate".
Masaya akong makitang masaya ang mga bata. Gusto kong ibigay ang mga bagay na hindi na ibigay ng kanilang mga magulang sa kanila.
"Thankyou po ulit sa pag bisita Ma'am Xue".
"Walang anuman".
Nagpaalam nako s asa mga bata bago pa man maka alis don. Marami kaming ginagawa ng mga bata. Laro, kantahan at iba ba.
Ayoko pa sanang umuwi kaso may isa pakong pupuntahan.
"INUMAN". kong nagtatanong kayo kong nasan ako?. Nandito lang naman ako sa Bar ko. "Inuman" ito ang ipinangalan ko sa bar ko para hindi na sila mag taka kong anubang nasa loob nito. Haha
"Isang baso nga ng tequila dyan".
"Ito napo ma--.... uy xue ikaw pala, bat hindi ka nag sabing bibisita ka?".
Sabi ko na ngaba, hindi niya ako narinig haha..
"Mabilis lang naman ako dito, bumisita lang". Kinuha ko ang baso at ininom ang laman nito, syempre, mahirap naman kong ang baso diba?
"Kumusta pala ang bar?".
"Ayos naman, ganon parin."
"Mabuti naman kong ganon!". Wala naman palang dapat ipagbahala sa bar ko.makauwi nanga.
Halos naka ubos ako ng limang baso haha...matagal-tagal nading hindi ako naka inom. Pero wala parin..hindi manlang ako tinamaan hays..
"Ang tagal mo naman ata?". Si kuya nanaman.
"Syempre". Nginitian ko lang si kuya.
"Syempre ano?. Uminom kaba Xe?".
"Hindi ah...". Hindi naman siguro galit si kuya diba?, kinakabahan ako haha
"Anong hindi".
"Ano ba kuya.. Oo na kunti lang naman, lumayo ka nga!". Itinulak ko si kuya. Ano naman kong uminom ako? e..minsan lang naman. Tsk ang oa
"Hays ewan ko sayo.." iniwan na naman ako. Bading siguro tong kuya ko kase palaging nag ba-back out.
"Ewan ko rin sayo tsk". Ang dami nyong problema. Dapat smile lang, diba xue? Haha
Hindi ako lasing, period.
Ayy, Oo nga pala lunes na bukas yung project namin ni Sam, baka maka limutan niya bukas, pang matanda pa naman ang isip non, makakalimutin. Pero siguro hindi naman haha.. tinatamad ako ngayon,parang gusto ko nang matulog.
"Good Night Philippines".
Nagising ako dahil sa lakas ng katok sa pinto ko"Sirain mo nalang kuyaaaa". Kahit hindi ko imulat ang mata ko ay alam kong si kuya yon. e..alangan namang si Manang..
"Good Morning My baby Xee!". May dala-dalang pagkain si kuya. Wala confirm bading talaga ang kuya ko. "Ito pala pagkain, niluto ko to!".
"Bakit ang saya-saya mo ata ngayon?". Naninibago ako sa kuya ko..baliw na ata to.
"Wala lang"
"Tsk, alam mo kuya? Walang Good sa Morning ko kong ikaw agad ang makikita ko". Kinuha ko agad ang cellphone ko para tignan ang oras, baka kase late nanaman ako.
"Ilalapag ko nalang to dito Xee, pagkatapos mong kumain maligo kana para hindi ka ma late, Byee...!". See? Bading talaga. Makakain nanga, ang shala mukhang masarap ang niluto ni kuya, i mean masarap naman talagang mag luto si kuya, naninibago lang talaga ako.
Waaa ang sarap ng sabaw, the best si kuya.
" Hatid na kita Xee!". Anak ng kabaw..
"Kanina kapa ba diyan kuya?". Tumango lang ito.
"Wag ka ngang manakot kuya". Sinong hindi matatakot e..hindi kapa nakakalabas ng kwarto ay nakaabang na siya, at isa pa ang creepy ng ngiti ni kuya.
"Baba kana ihahatid kita sa school niyo!".
"Kuya.". Lumapit ako kay kuya, kinapa ko ang leeg niya, baka kasi may lagnat o sakit tong kapatid ko, nakakapanibago.
"Anong ginagawa mo?".
"Baka kase may sakit ka."
"Gusto ka lang ihatid..may sakit agad?, e..parang hindi naman ako ang naghahatid sayo dati!". Kasalanan ko ba yon?, e. Gago pala tong kuya ko, alangan namang pumunta ako mag isa sa school?
"Oo na, ang oa mo!".
YOU ARE READING
When I Meet YOU
RandomThis story is about to a Bad girl fall in love in a Nerd boy.