Pinatakbo ko ng mabilis ang motor ko papunta sa bahay.
Pagkapasok ko sa bahay, dumeritso na agad ako sa kwarto ko. Pabagsak kong hiniga ang sarili ko sa kama. "Nakakabwesit ang araw nato.." kinuha ko ang laptop ko, at may nakita akong files na ka-kasend pa lang.
Ng buksan ko ang files, nagulat ako sa nakita ko. "PUGOT NA ULO". Isang pugot na ulo ang nakita ko. Ang brutal ng gumawa nito, maraming besis nakong sumabak sa patayan pero ni isang besis hindi ko ito kayang gawin.
Na Excite tuloy ako .
Calling*
Unknown Number ~~
May tumatawag ."Sino to..?". Hindi ito sumagot pero tumawa ito ng malakas, e.. gago pala to..mukha bagong nagpapatawa?
"Nakita mo na ba..?" So sa kanya pala galing ang picture na yun, tsk Kong sino kaman sana magkita tayo.
Ipinatay ko na ang tawag at pumasok sa cr, sobrang init ngayon kahit naka full na ang Aircon.
"Hi tita.."
"Hi baby.." as usual hinalikan ako ni tita, na miss ko tuloy si mommy. Kailangan kaya siya uuwi?.
"Naparito ka ata?".
"May project kase kami ni Sam tita, dito nalang daw namin gagawin".
"Ganon ba?, oh sige at ipaghahanda ko kayo ng makakain ".
"Sige po tita,Salamat!". Umalis narin ito, tatawagin niya daw si Sam.
Hindi naman ganon kahirap ang project namin don lang sa part na kinakabit namin ang mga design sa box, hindi kase kumakapit ang glue.
"Sa wakas natapos din". Parang na ginhawaan si Sam matapos niya sabihin yun haha.
"Kumain na kayo dito..may niluto akong pagkain .." nasa pinto pala si tita.
"Tara kumain muna tayo, medjo napagod ako don ".
"Ang sabihin mo matakaw ka talaga".
"Nag salita ang hindi matakaw". Hinampas niya ko sa braso.
"Titaaaaa". Si tita naman sinamaan ng tingin si Sam hahaha
"Sombongera...". Pikon haha
"Blee..". Wala siyang nagawa haha
Habang kumakain kami ni Sam biglang lumapit si Tita may dalang photo Album. Isa-isang pinakita ni Tita samin ni Sam ang mga lumang larawan.
Nakita ko kong pano umiyak si Sam, ang panget Haha. Ang daming pictures, nakita ko rin yung larawang umiiyak si Sam habang hinahabol ng pusa..habang ako sa gilid tawa ng tawa.mayroon ding ibang larawan na ipinakita ni Tita kaso hindi na namin na alala ni Sam kong kailan yun kaya isa-isang pinaalala ni tita samin.
Oo simula bata magkaibigan na kami ni Sam. Mag kaibigan ang Parents namin kaya sabay kaming lumaki. Kong nasaan si Sam nandon din ako ganon din sakin. Kaya nga nadito kami sa school nato dahil na kick ako, sinabi ko naman sa kanya na wag na siyang sumama kaso ayaw niya kaya wala naman akong magawa. Masyado niya kong mahal. Pano ba yan haha.
"Opo Tita.kakauwi ko lang."
"Mabuti naman"
"I love you tita, byee". Ibinaba ko na ang tawag. "Makatulog nanga."
"Matutulog kana?". Nakatayo pala sa labas si kuya.
"Oo bakit?".
"May gusto sana akong sabihin sayo Xe". Sinabi sakin ni kuya na may sumusunod daw sakin habang paalis ako ng bahay, Hanggang sa nakauwi ako. Tinanong ko kong pano niya nalaman na Hanggang sa paguwi ko ay sinusundan parin ako.
"Sinundan kita, Hanggang maka uwi ka. Alam kong kaya mo ang sarili mo but Still I don't want you to get hurt!". Seryuso si kuya.Alam ko kuya, pasensya sa inasal ko kanina, hindi ko man to masabi sayo kuya pero Thankyou!
"Sige na matulog kana, total sabado naman bukas, may pupuntahan tayo."
"San naman?". San niya naman ako isasama?
"Isasama kita sa office."
Sa office?. Tama ba ang narinig ko?.
"Ayoko." Bakit naman ako sasama don e...tiyak ko ma bo-bored lang ako don.
"Bawal uwamayaw, Yes or Yes lang ang sagot, Good Night." Binabawi ko ang sinabi ko kanina tang*na ka kuya.
Charles POV
"Ang boring naman dito kuya". Ilang oras panga kaming nandon gusto niya na agad umuwi.
"Ikaw talaga pano nalang kong sayo na ipangalan ni Daddy to?"
"Ayoko nga tsk". Rinig kong sabi niya ."Kuya kong dumating man ang araw nayon, ililipat ko agad sayo. At isa pa may bar ako. Sa bar ko hindi boring hindi katulad dito. Tignan mo ikaw ang tanda mo nang tignan." Ano daw? Anong matanda? Hindi pako matanda ha, ang gwapo ko kaya".
"Iwan ko sayo".Ang daming reklamo ng batang to.
"Wag'nang maraming sat-sat, halika at ililibot kita dito." Kilala kita Xe alam kong sinasabi mo lang yan ngayon.
Pinakilala ko siya sa mga employer's, baka kasi pagkamalan siyang watcher, ang weird pa naman ng kapatid ko.
"Hindi paba tayo kakain kuya, kasi kong hindi ay uuwi nalang ako."
Kahit hindi niya sabihing nagugutom siya ay alam ko yon, kaya nag order nako bago pa man siya mag reklamo."Wag kang mag-alala ilang minuto nalang dadating na ang pagkain."
"Mabuti naman". Ang bossy ng kapatid ko.
Pinagmasdan ko lang siyang kumain.Na-miss ko ang kapatid ko. Matagal din kaming nagkawalay mas pinili niya kasing sumama kila lola at lolo kaysa samin nila Daddy at mommy. Hindi ko naman siya masisisi. May kaya nga kami pero Hindi rin naman kami kayang pagtu-unan ng oras nila daddy. Palaging may business meeting sa ibang bansa. Kaya hindi ko masisisi si Xe kong ano siya ngayon, medjo disappointed pero wala eh no choice.
"Hinay-hinay Xe baka mabulunan ka". Ang takaw parin
"Oh? Busog kana?". Bigla siyang tumigil sa pagkain niya.
"Bakit hindi ka kumakain kuya?". Galit ba siya?
"Busog pa si kuya".
"No. Kumain ka, Yes or Yes lang ang sagot." ano daw? e~Line ko yun ha? .
"Ito na kakain na" naisahan pako.
"Kuya hinay-hinay lang sa pagkain dyan, ang daming chick's na nakatingin oh". Oo nga ang daming nakatingin sakin, ang gwapo ko talaga.
"Ganyan kasi pag gwapo".
Tumawa bigla ng malakas si Xe. Jusko lordes ang babaeng to talaga" bakit ka tumatawa?". Tama naman ang sinabi ko diba?
"Kuya mahiya kanga, ang panget mo kaya, ang tanda mo narin HAHAHA". Iwan ko sayo xe..hindi kana okay!
Mabuti nalang talaga at mataas ang pasensya ko at mahal ko ang kapatid, ko kase kong ibang tao ang mag-lalakas loob sabihin sakin yun, ay iwan ko nalang talaga.
Continue ~~
YOU ARE READING
When I Meet YOU
DiversosThis story is about to a Bad girl fall in love in a Nerd boy.