Gavreel Kent McBride's POV
"Hello bitches!!!" bungad ng kaibigan kong trans nang makarating kami sa kubo dito sa school.
Nasa school kami ngayon waiting for our next class. Ito ang aming tambayan habang naghihintay sa mga next classes namin. Marami pang kubo (or parang cottage kung titignan) ang nandito sa field ng school namin waiting area kung baga. Sa laki nang university na ito nandito na ang lahat may swimming pool, basketball, volleyball, table tennis, badminton court, atbp. Marami rin mga club for music, cheerleading and so on.
"Hello bitch!" tugon namin.
By the way I'm Gavreel Kent McBride, 19 year old stunner. Yes I'm discreet gay lalaking lalaki pa rin sa lahat lalong lalo kapag nandyan ang kaibigan kong si Jameson Jims Campbell. Gwapings pa rin ang pormahan ko. Ayoko kasi maging tampulan ng tukso at bullying from other people na parang makapanglait, humusga at mandiri sa mga taong kagaya ko na tila ako'y may nakakahawang sakit. Hindi naman ako malamya sa kilos o galaw yung bang hindi mo talaga mapagkakamalan na may pusong babae.
I'm having an average body build, may itsura, matangos ilong, makapal na kilay, with kissable lips, yung parang JC Alcantara. I'm taking a Bachelor of Science in Psychology kasama ang mga kaibigan kong isang trans at bisexual guy. Si Aila Brooklyn, my Transgender friend (she looks like Anna Patricia Lorenzo). Sa sobrang gandang ng friend kong ito hindi mo mapagkakamalan na trans, para talaga s'yang tunay na babae kasi totally nagpaopera na talaga si accla during our vacation nang Senior High. Kaya pagbalik ni accla ay powtah di namin nakilala si accla chicks na chicks ang datingan nya noong sunduin namin sya sa airport ni Louis. she was 18 year old stunner turning 19, magandara, sexy, at babaeng babae si ante. Kaya pagpumapasok sya sa unibersidad na ito ay pinagtitinginan talaga sya ng mga kalalakihan at mga babaeng inggitera.
Si Louis Vilhelm my bisexual friend (he looks like Nikko Natividad). gwapings din ito 19 years of age. may mga muscles din naman at sakto lang ang pagkabalalap(masarap), medyo moreno na maputi yung tama lang ang kulay at bagay na bagay kaya habulin din ng sangkavaklaan at kababaihan.
Tapos eto ako tahimik lang sa gedli mga kekisaur HAHAHHA ~(owws talaga ba?)~
~Oo naman author eme ka ses.~
So anyways, while waiting for our next class chikahan ang mga accla for the review na rin dahil terror yung prof na susunod. 15 minutes before ay nagtungo na kami sa tapat ng classroom kung saan magtuturo yung prof. Ito yung subject na akala mo lagi sya yung major subject eh minor subject lang naman.
Last subject na namin which is Filipinolohiya. Syempre dahil starting pa lang ulit ang school year, hindi mawawala ang mga pa-introduce yourself ng mga prof. After the introduce yourself ay nagdiscuss na ang prof namin for today's video.
*Discussion malala*
Nang matapos ang discussion, grabe ang prof na 'to sagaran na sa oras tapos nagovertime pa awit. Every subject kasi namin ay almost 3 hours siya lahat. Unang linggo palang pero parang di na kinakaya ng braincells ko HAHAHA lol.
Habang inaayos ko na ang gamit ko ay biglang may nagpop up sa cellphone ko. Hudyat na may nagtext sa akin, kaya naman agad ko itong tinignan.
"Pare wait mo ko sa gym, sabay na tayo uwi." text ni Jameson sa akin.
After kong mabasa iyon ay nagmadali na akong ayusin ang mga gamit ko at nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko na pupunta pa akong gym para hintayin si Jameson. Pinauna ko na sila dahil alam ko naman na may gagawin pa sila.
YOU ARE READING
PARE! Mahal Kita.
FanfictionAng istoryang ito ay isang kathang isip lamang. Mga pangalan, lugar, pangyayari at iba pa ay hindi sinasadya ng may akda. Halina! at tunghayan natin ang buhay ng isang kaibigan sa hindi inaaasahang pangyayari ay nakadama ng pagmamahal o romantic lov...