📌N/A: TYPO ERRORS & GRAMMATICALLY INCORRECT AHEAD.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Gavreel Kent McBride
Nagising ako sa liwanag at sinag ng araw na nagmumula sa labas na tumatagos sa bintana nang aking silid. Ang paglabas ng bukang liwayway na kay ganda at init sa pakiramdam.
Ako'y nagpasya ng bumangon at mag ayos ng aking sarili upang maghanda na muli sa aming pagpasok sa skul. Sa aking pagharap sa salamin kitang kita ang mga mugto sa aking mga mata. Umiyak lang ako ng umiyak nang dahil sa sakit na aking nararamdaman ayaw din naman tumigil ng mga luha ako kaya hinayaan konnalang hanggang sa napagod na ito at makatulog. Haaayst sino ba naman kasi ang hindi iiyak sa katangahan diba? Yung ang sakit na pero kailangan mong gawin dahil na rin sa kagustuhan ng taong mahal ko kung saan at ano ang maging ikakasaya nya ay ok na ako. Magiging ok rin ako not now but soon ano naman kasi ang magagawa ko at magiging laban ko dun eh babae yun. At least yun mabibigyan sya ng isang pamilya na gugustuhin nya diba? (Advance mo naman mag isip keki) Kaysa mag isip pa ng mag isip itinuon ko na lamang ang aking sarili sa pag aayos ng aking pinaghigaan bago nagtungo sa kusina upang maghanda ng aming agahan.
Sa aking paghahanda sa pagluluto, naisip ko na chicken curry nalang ang aking lutuin pareho naman namin favorite iyon. Ngayon kasi sa pag aaral namin ng college magkasama na kami ni Jameson sa bahay na kinuha namin na malapit lang sa unibersidad na aming pinapasukan. We've decided to this together since for us to be more responsible and be independent.
Ang mga magulang namin ay matagal nang magkakilala since then pa bago pa kami ipanganak sa mundong ito. Silang lahat ay abala rin sa kanikanilang mga negosyo nagiging maayos namanang pagpapatakbo nila at partnership na rin sa companies na hawak ng both parents namin.
Nang matapos na akong makapagluto at maihanda ito sa lamesa ay pinuntahan ko na si Jims sa kaniyang silid. Tila tulog pa rin ito busy ata kay ate ghorl haaayst eme lang agang aga hahaha saka sino ba naman ako diba di naman ako yung jowa haaayst. Kumatok muna ako sa kaniyang pintuan bago hinawakan ang siladura upang buksan ito at mabuti nalang din hindi nakalock.
"Jims gising na! May pasok pa tayo." tapik ko rito upang magising. Nakailang ulit pa ako bago ako nakarinig ng sagot mula sa kaniya.
"Hmmmn, mamaya na Gav pwede 10 mins pa? Ang aga pa oh." tugon nito na tila may inis dahil naputol ata ang kaniyang mahimbing na pagkakatulog at nagpapaextend pa.
"Bumangon kana dyan nakahanda na rin ang pagkain. Anong 10 minutes ka dyan? male-late tayo nyan." pang-gigising kong muli. "Kapag di ka pa bumangon dyan at lumamig yung pagkain magtatampo ako sayo" dagdag ko pa pero mukhang hindi natinag ang loko.
Lumapit pa ako dito upang ibangon na sya at yugyugin para magising ang diwa. Ngunit nabigla ako at nagulat nang nasa ibaba na nya ako at sya'y nasa ibabaw ko. Sa bilis ng pangyayari napatulala na lamang ako dahil sa sobrang lapit na rin ng aming mga mukha. Shuta hahalikan nya na ba ako wika ko sa aking isip dahil ang lapit na ng aming mga bibig. Hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin kaya ng makabalik ako sa realidad ay sinabi ko na lamang sa kaniya ang tungkol kay Althea para na rin mawala ang awkward moment at hindi agad matapos ang istoryang to HAHAHAHA sisimula pa nga lang ehh HAHAHAH.
"Ayyt sige ka Jameson hindi mo maabutan si Althea naghihintay pa man din sa harap ng gate sa skul yun." Pagkasabi ko palang nun biglang napatayo ang loko at nagdali dali. Haayst yun lang pala magpapagising sa kaniya pero ang sakit nun hah, ako na magtatampo matitiis nya pero yung babaeng yon. Awit ang sakit mo sa heart Jameson.
Matapos ko itong mauto upang bumangon na sa kaniyang higaan ay nagtungo na kami sa kusina upang kumain. Sa aming pagkain, na-intimidate naman ako kasi panay ang tingin naman nya na wari'y may sinusuri sa aking mukha.
YOU ARE READING
PARE! Mahal Kita.
FanfictionAng istoryang ito ay isang kathang isip lamang. Mga pangalan, lugar, pangyayari at iba pa ay hindi sinasadya ng may akda. Halina! at tunghayan natin ang buhay ng isang kaibigan sa hindi inaaasahang pangyayari ay nakadama ng pagmamahal o romantic lov...