📌Typo errors and grammatically incorrect ahead!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Gavreel Kent McBride
It's a new day! and another day to slay mga hane.
Narito kami ngayon ni Jameson sa kusina at kumakain na kami ng almusal. Nakahanda na rin mga gamit namin at nakauniform na kami ready to school na.
(Doorbell rings!)
Gulat at hindi maipintang itsura ang lumahad sa aming mga mukha dahil wala naman kaming inaasahan na bisita. Gayun pa man, ako na rin ang nagtungo sa pinto upang makita kung sino ang nagdoorbell. Nang mabuksan ko ang pinto ay isang ginoo ang bumungad na may angking kagwapuhan at perpektong pangangatawan. Shuttacca titikman hahahah emz magfocus ka self.
"Ehem, Good morning alam ko naman na masarap ako pre!" saad ni Ivan ng may pangaalaska at pangisi-ngisi pa. "Baka matunaw na ako nyan pre at baka tumulo na ang laway mo." dagdag pa nito.
Nabalik naman ako sa ulirat sa kaniyang mga winika.
"Gag* ka pre HAHAHA gulat lang ako kasi wala naman kami inaasahan bisita. Bakit ka nga pala naparito? Anong sadya mo?" sabi ko sa kaniya.
"Wala naman, gusto ko sanang sumabay sa inyo pagpasok ang boring kasi kapag mag isa lang." litanya nito.
"Ganun ba? pwede naman boss basta ikaw." sagot ko naman sa kaniya. "By the way, kumain ka na ba ? sumabay kana sa amin." pag-anyaya ko rito.
"Sige par salamat! yan ang gusto ko sayo ehh." pang-aalaska pa nito.
"Pare para kang siraulo. HAHAHA" asar ko sa kaniya kasi para talagang sira to eh.
Pinapasok ko na ito, dumiretso naman kami sa kusina para kami'y makakain na at sabay larga dahil anong oras na rin naman na.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain naroon pa rin ang kwentuhan at asaran namin. especially kami ni ivan ay tawanan at asaran habang kumakain.
Kaya yung isa minsan nakiki-join naman pero napapansin ko ang mga pagdadabog niya. parang sira to eh kaya pinagsingkitan ko sya ng mata yung bang 'makuha ka sa tingin' look. Pero di nagpatinag haayst.
Hanggang sa magpanting ang tenga ko kasi ayaw ko sa lahat yung nagdadabog o pinaiingay ang mga kubyertos.
"ANO BA JAMESON! DI AKO NATUTUWA HAH!?" pagsaway ko sa kaniya.
Tumahimik naman ito at inilagay naman niya sa lababo yung mga kubyertos at plato na kanina pa niya pinapaingay. Parang siraulo rin 'tong isang 'to eh. sabi ko sa isip ko lang.
Nagwalk-out na ito at pumunta sa kwarto.
Nawalan ako ng gana, kaya naman niyaya ko na si Ivan na umalis na at pumasok sa aming campus. Bago pa mapunta sa kung saan ito. Nakakainis lang talaga.
Sa aming unang paglalakad medyo tahimik pa kami ni Ivan. Siguro nakikiramdam siya, kaya naman ako na ang bumasag ng katahimikan namin habang naglalakad kami papasok.
"Pasensya kana sa nasaksihan mo pre, ayoko lang talaga kasi ng ganun pag-uugali lalo na sa harap ng hapag-kainan. Besides, aware naman sya dun ewan ko kung anong meron at ginawa niyo. Mababaw na sa mababaw pero pasensya na talaga." paghingi ko ng dispensa sa kaniya dahil sa nangyari kanina.
"Ayos lang pare naintindihan ko naman, kahit naman ako ayoko rin ng ganoon na kinakalampag ang mga kubyertos dahil medyo nakakabastos yun." sagot naman nito.
YOU ARE READING
PARE! Mahal Kita.
FanfictionAng istoryang ito ay isang kathang isip lamang. Mga pangalan, lugar, pangyayari at iba pa ay hindi sinasadya ng may akda. Halina! at tunghayan natin ang buhay ng isang kaibigan sa hindi inaaasahang pangyayari ay nakadama ng pagmamahal o romantic lov...