KABANATA 5

19 2 4
                                    

📌Typo errors and grammatically incorrect ahead!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Jameson Jims Campbell

Sa wakas at nagka POV(Point of View) din. HAHAHA

Anyways! Need ko pa ba magpakilala? wag na no? HAHAHA joke lang sige eto na.

Ako nga pala si Jameson Jims Campbell from engineering department taking a Bachelor of Science in Software Engineering. 19 years old, gwapo raw sabi nila at kamukha ko raw si James Reid. Well ayun ang sabi nila, eh mas gwapo pa ako dun. HAHAHA mas may ipagmamalaki pa ako doon eh. HAHAHAH sorry nagsasabi lang ng totoo.

It's been a weeks ng magsimula ang balik-eskwelahan. Halos kalilipat lang din namin ni Gav sa bagong apartment na kinuha namin dahil binalak na rin namin mamuhay independently. Yung bang hindi namin masyado i-aasa sa mga magulang namin ang lahat. They supported us when it comes is financial aspects pero hindi namin sinasanay ang aming mga sarili sa mga luho na meron sa mundong ito.

Kung baga sakto lang, kung ano yung mga pangangailangan namin sa buhay which is the basic needs of man such as shelter, food, water, and clothing.

Umaga, nasa kalagitnaan kami ng aming pagkain ng almusal habang nagkukuwento kami sa isa't - isa kung ano ang nangyari sa mga araw na nagdaan, mga pangyayari sa aming mga klase, at iba pa.

Nagulat kami ni Gav ng marinig namin na may nagdoorbell dahil wala naman kaming inaasahan na bisita lalo na ganitong kaaga. Magkagayon man ay siya na rin ang nagprisinta na puntahan ito kung sino man siyang nagdodoorbell.

Pagdating nila sa kusina, agad naman bumati yung isa na akala mo close kami pero binati ko nalang din sya bilang pakikisama dahil alam ko naman na si Gav naman ang pinunta nya dito. Bakit? ewan ko din ba pero masama talaga kutob ko sa mokong na 'to. Hindi ko nga alam kung saan nakilala 'to ni Gav.

Most likely kasi kilala ko lahat ang mga kaibigan niya kahit sina Aila at si Louis pero wala naman kaso sa akin yung ganun na makipagkaibigan sya sa mga part of the LGBTQIA+ dahil alam ko naman na straight itong bestfriend kong si Gav. Sabay pa nga kami nagpatuli nitong utol ko.

Sa aming pagkain tila napapasarap na ang kwentuhan nila. Minsan kapag ako na ang nagkukuwento may isisingit at isisingit talaga 'tong Ivan na 'to ehh. Parang nagpapapansin na at laging pabida sa utol ko. Sa badtrip ko napapalakas na yung kubyertos ko baka sakali pansinin din ako kasi lagi na sa kaniya ang attention nitong utol ko at nakalimutan kong ayaw na ayaw ni Gav ng ganoon. tapos itong utol ko may patingin tingin pa na parang nagsasabing makuha ka sa tingin pero isinawaalang bahala ko yun.

Bumalik lang ako sa ulirat ng sumigaw na at parang galit na anyo ni Gav. Sa init din ng ulo ko ay padabog na rin ako tumayo sa inuupuan ko at nagwalk-out. Pumunta na lang ako sa lababo at niligpit ang pinagkainan ko saka ko kinuha ang bag ko bago lumabas na ng bahay para pumasok na sa eskwelahan para na rin makapagpalamig ng ulo dahil nakakabadtrip panira ng araw yung mokong na yun.

~~~

Umalis nalang ako ng tuluyan sa bahay, nagtungo na lamang ako sa campus upang maibsan ang inis na aking nararamdaman saka ayoko lalong mag-away kami ni Gav. Alam ko naman na ako yung may mali mamaya ko na lamang siya kakausapin sa bahay pag-uwi namin.

Nandito ako ngayon sa cafeteria ng campus kasama ang iba pang tropa at mga syota nila, actually kasama ko rin naman si Althea ang pinakamamahal kong girlfriend na toyo-in. parang si Gav lang toyo-in din HAHAHHA.

Sa mga nakalipas na araw ay miss na miss ko na ang pare kong 'yon. Madalas kasi lagi si althea ang kasama ko syempre pang pogi points ba para makuha ang matamis na 'oo' na inaasam ng kahit sino lalaki mula sa babaeng kanilang minamahal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PARE! Mahal Kita.Where stories live. Discover now