𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏

154 4 0
                                    

⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙


┌─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┐

*YEAR: 2019*

└─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┘


⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙



"Yves! Gising na! Malalate na tayo!" sambit ko habang niyuyugyog si Yves para magising ito sa himbing ng pagkakatulog. Tulog kahoy pa naman 'to. Laging hirap gisingin! Umikot naman sa pwesto si Yves at inalis ang unan na nakaharang sa mukha niya. 


"Good morning din sayo, Jae." mahinahong sambit ni Yves. 


Kainis! Kahit ba pag gising mo sobrang nonchalant mo?


Umupo ng bahagya si Yves at kinamot ang isang mata at humikab. Shit! Parang ako rin nahihikab. After non ay umiikot ang mata ni Yves sa kwarto niya parang may hinahanap. 


Ah, salamin niya. 


"Yves, nasa akin salamin mo." sabi ko sa kanya at inabot yung bayoneta glasses niya. Ewan ko ba ryan kay Yves, dami niyang ibang salamin pero yan padin gamit niya. Pinapalitan niya lang ng lens. 


Inabot naman ni Yves ang kamay niya para makuha sa akin yung salamin niya. Tumama ng bahagya yung mga daliri ng kamay namin, nakakahiya medyo pasmado pa naman ako. Napansin kong tumigil saglit si Yves nung dumikit yung mga daliri namin. Pero agad naman din yun nawala kasi hinablot na niya sa kamay ko yung salamin niya at sinuot na ito. 


"Sige na Jae. Antayin mo nalang ako sa salas. Si Nico ba nakaayos na?" tanong niya habang kumukuha ng damit sa closet niya at nilalabas ang kanyang uniform. 


"Hmm, 'di ko alam. Ikaw una kong pinuntahan e." sagot ko sa kanya. Tumigil nanaman siya sa paggalaw, weird naman nito. Pero gumalaw na ulit siya para pumunta ng cr. Bago siya pumasok tinignan niya muna ako. Para naman akong nanigas dito sa higaan niya nung nagkatitigan kami. "Puntahan mo na, baka inaantay ka rin ng jowa mo."  


Nung sinabi niya iyon, bigla naman akong namula. Oo nga, jowa. Girlfriend ko na si Nicolai. Tumayo na ako sa higaan niya at naglakad na papunta ng pinto. Sumigaw ako para marinig ako ni Yves na nasa loob ng CR. "Yves! Antayin ka nalang namin ni Nico sa labas ng bahay ah? Bilisan mo!" 

MaharaniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon