𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑

71 3 0
                                    

⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙


┌─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┐

*After ng warm-up game*

└─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┘


⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙

Noong matapos naman ang game nila Makki at ate Yves ay tumayo na rin kami tatlo nila ate Jae at Coco. Dahil sa sinabi ko kanina, parang di sila parehas makapaniwala. I mean, 'di ba halata na dati ko pa crush si ate Yves?  


Kukunin ko palang yung bag ni ate Yves nung bigla naman itong kinuha ni ate Jae. Nagkatinginan kami saglit pero hinayaan ko nalang siya na siya mag hawak ng bag ni ate. Tutal mabigat naman din yon. Habang nag uusap yung mga varsity, kasama rin nila sa usapan si ate Yves. Pero napansin ko ang layo ng pwesto ni Makki kay ate. Bakit kaya? Baka dahil sa laro kanina nagkainitan sila? Wag naman sana. 


Kanina kasi sa laro nila, parang nagkainitan ng ulo si Makki at ate Yves. Alam naman ng lahat na si Makki ang usually setter ng team, pero kanina nagulat din kami kasi siya yung nag sspike? Tapos yung mga palo niya, laging papunta sa direksyon ni ate Yves. Nung una, okay pa si ate e. Sinasalo niya yung mga palo, nababalik naman din yung bola. Pero noong nakapag second set na, in favor kila Makki, parang nag-iba na rin yung ihip ng hangin kay ate Yves. Yung mga service ni ate, laging papunta naman sa direksyon ni Makki at kada receive ni ate sa spike ni Makki, binabawian din siya ni ate Yves ng sarili niyang spike. 


Ewan ko ba. Bahala silang dalawa. Malaki na sila. 


Inaantay lang naming tatlo matapos silang mga players mag-usap. Medyo malakas yung boses nung captain nila, kaya naririnig din namin yung mga sinasabi niya. "Congrats girls! Ang galing ng friendly game kanina. Lalo ka na Lim, gumaganda yung mga palo mo. Keep it up!" 


"Thank you Cap." walang ganang sagot ni Makki sa captain nila. Luh anong problema nito? 


"Thank you rin sayo, Ricalde. Kung gusto mo sumali ng varsity team, magsabi ka lang anytime." 


"Sige cap, pag-isipan ko." isa rin tong walang gana sa pag sagot. Hay magkaibigan nga naman talaga. "Alright team, that's all! Mag ingat sa pag uwi ninyo!" 

MaharaniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon