⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙┌─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┐
*Same day, Volleyball Court*
└─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┘
⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙
Nauuna anong maglakad kesa kay Nico at kay Makki na mukhang mainit parin ang kanyang ulo sa akin. Alam ko naman kung bakit siya naiinis sakin. Well, sabihin nalang natin na intensiyon ko talaga na inisin si Makki.
"Kaya mo na ba 'to Yves?" may halong kaba at pag-aalala ang boses ni Nico nung tinanong niya ako. Tumigin ako sa kanya at umupo sa bleachers bago tumingin kay Makki na nakakunot ang noo at ayaw ako tignan.
"Kaya ko." tumango ako sa kanya as a sign of gratitude. Binalik naman din niya ang tango at tumingin kay Makki. "Umayos ka Makki. Konyat ka talaga sakin mamaya." pagbabanta naman ni Nico sa nakababata naming kaibigan.
"Whatever ate Coco." pabalang na sagot ni Makki sa kanya.
"Shh. Stop na Nico. Ako na kakausap kay Makki." mahinahong sabi ko naman kay Nico. Nagkibit balikat nalang si Nico bago nagsimulang mag lakad. 'Di pa siya nakakalayo ng distansya samin nung lumingon siya ulit sa amin, "Hoy! Nasa labas lang ako ng gym. Kung kailangan niyo ko, sumigaw lang kayo ha!" bilin ni Nico. Napangiti naman ako sa sinabi niya, napaka-caring talaga kahit kailan.
Kaya siguro nagustuhan ka ni Jae.
Tinignan ko naman itong kasama ko rito na nakasimangot padin. Ang cute naman talaga ng bunso. Hindi lang naman si Samantha ang bunso sa grupo namin. Si Makki naman din. Parehas silang accelerated. Mas mature kasi kumilos si Makki kaya minsan nakakaligtaan nila Nico at Jae na bata rin si Makki, na kailangan niya rin ng attensyon. "Umupo ka na rito, Janeah."
"Bantot naman ng tawag mo sakin." inirapan niya ako pero sumunod padin naman siya at umupo sa bleachers malapit sakin. 'Di man siya nakatabi sakin pero maririnig niya parin kahit anong sabihin ko sa kanya.
"Pangalan mo parin yan. So mabantot ka rin?" pang-aasar kong tanong sa kanya. Tinignan niya ako ng may halong inis at inirapan ako ulit. "Pangatlong beses mo na ako iniirapan ngayong araw Janeah. Tusukin ko kaya yang mata mo?" tas saka ako ngumisi sa kanya.
"'Di ko naman gagawin sayo yan kung umayos ka ate Yves." pabalang na sagot sakin ni Makki. Napabuntong hininga naman ako at sinubukang kumalma rin. Lumipas ang ilang minuto bago siya nag salita ulit. "Ate, hindi mo naman gusto si Samantha diba?"
BINABASA MO ANG
Maharani
Fiksi PenggemarA Bini Alternate Universe where in... Jaenelle (🐥) is torn between 3 people who wants to have her heart and call her their "Maharani" Or Nicolai (🐺), the first love and the TOTGA redeems herself; Yves (🐼), the ever present best friend, finally...