𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟗

54 3 0
                                    

⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙

┌─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┐

*After a few days, night time*

└─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┘

⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙



"Papa, punta lang po ako kila Yves." pagpapaalam ko sa aking tatay na busy naman sa kanyang binabasa na mga paperworks. Kahit hindi naman siya sumagot alam ko namang papayag siya dahil kilalang-kilala naman na niya ang pamilya nila Yves. 


Kinuha ko na ang bola ng basketball at dumaretso na sa bahay nila. Pagpasok ko ng gate nila nakita ko si tita na nagpapasok ng mga sinampay. "Tita! Mano po!" bati ko sa kanya. 


"Oh, Nico! Si Marianne nasa kwarto pa, puntahan mo nalang." bati at bilin niya sa akin. 


Sinunod ko naman si tita at dumaretso na sa kwarto ni Yves. Hindi na ako kumatok pa dahil wala naman kaming tinatago ni Yves sa isa't isa. Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko siyang nakaupo sa kanyang study table at binabasa niya ang mga modules na dinala sa kanya ni Jaenelle nung nakaraang araw. 


"Psst! Mukhang busy ka ah." kantyaw ko sa kanya at sabay sumandal sa pintuan ng kwarto niya. 


Agad naman lumingon itong best friend ko. Bakas sa mukha niya ang gulat at takot na kinatawa ko naman. Bihira mo lang naman din kasi magulat 'tong si Yves e. 


"Putek ka Nico! Nagulat ako sayo." kaba-kabang sagot niya sabay hawak sa dibdib. 


Lalo ako natawa sa reaction niya. Lumapit ako sa kinauupuan niya at sinilip ang module na binabasa niya. Ah, Math pala. Basic lang naman sa kanya yan e. "Tara basketball." aya ko sa kanya. 


Sumama naman ang tingin niya sakin at nagsabing "Nico, kita mong nag-aaral ako eh." 


"Sus. Kayang-kaya mo naman yan e. Easy lang yan sayo. Kaya tara na!" pagpilit ko pa sa kanya lalo. 


"True." maikling pag sang-ayon niya kaya agad na rin siyang tumayo at dumaretso sa cabinet niya at kumuha ng pamalit na damit. "Antayin mo na ko dyan, upo ka muna." Pumasok na siya sa CR at sumunod naman ako sa utos niya. Umupo ako sa study chair niya at pinagmasdan ang mga naka-kalat na mga module. 

MaharaniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon