X8

57.1K 2.1K 329
                                    

JILLIANE POV

I'm so proud of myself. Siyempre, naka-benta agad ako ng weapon ng walang kahirap-hirap kahit first time ko palang sumalang sa pagse-sales-talk. Naku! May future ako dito. May ipagmamalaki na ako sa hambog na 'yun!

"Saya natin ah." Puna ni Zaine nang makapasok kami rito sa hide-out nila. Kasunod lang ako ni Shawn na tahimik mula pa kanina.

Kung sabagay, tahimik naman talaga siya pero may iba eh. 'Yung sinabi niya kanina.

I might fall..

Ano bang ibig niyang sabihin do'n? Wala naman kasi akong idea eh. Matanong nga mamaya si Shawn kapag nagtanong ako ng tungkol sa black market.

"Siyempre." Sagot ko kay Zaine.

"Napa-oo niya si Mr. Yakamura." Singit ni Shawn.

Nanlaki ang mga mata ni Zaine. "Talaga? Fuck. Isa 'yun sa pinaka-mahigpit naming buyer. Hindi 'yun basta basta naaalok."

"She's good in sales talk." Sabi pa ni Shawn.

Yee! Pinupuri niya ako. Enebe. Maliit na bagay.

"Great! Anong ginawa mo, Jilliana? Paano mo napapayag si Mr. Yakamura? Eh kapag kausap nga 'yon, sarap mag-mura eh. Masama din ugali ng matandang 'yun eh."

Masama ang ugali? Hindi naman halata? "Wala. Sinabi ko lang na maganda 'yung baril na may lazer chuchu eh. Tapos nag-demo lang ako kung paano gamitin at linisin. Ganun." Paliwanag ko.

"It only took five minutes. Napapayag niya si Mr. Yakamura." Singit ulit ni Shawn.

Five minutes lang pala 'yon? Nabilang pala niya.

"Whoah! Ikaw na talaga, Jilliane! I-celebrate natin 'yan! Spade bar tayo mamaya." Sabi ni Zaine.

Tumango lang si Shawn. Saka lumakad na papuntang kwarto sa gilid nitong salas. Psh. Walk-out ang peg eh.

"Yo!"

"Brad, i-congrats mo si Jilliane. In five minutes, napapayag niya si Mr. Yakamura na bumili ulit ng weapon." Pagmamalaki ni Zaine kay Seth.

Ang sarap naman sa feeling na natutuwa sila sa accomplishment ko. Sana ganito din ang reaksyon ng hambog. At least, may naidulot na akong maganda sa kanila. Ngumiti man lang sana siya, ano?

"Naks! Congrats, Jilliane. Mr. Yakamura 'yun! Bigatin 'yun." Sabi ni Seth na ikinangiti ko.

Matutuwa naman siguro ang hambog ano? Si Shawn nga na wala ring emosyon lagi, natuwa sa'kin eh. Si hambog pa kaya? Unless, wala talaga siyang sense of appreciation sa katawan.

Ngumiti lamang ako kay Seth. Wala akong masabi eh. Pero ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Pinupuri nila ako. Sa tanang buhay ko, ito na yata ang pinakamalaking bagay na nagawa ko. Tho, illegal siya, nakaka-proud pa din.

"Spade bar tayo mamaya." Sabi ni Zaine.

"Oo nga! Tara muna guluhin si Jung 'dun. Brokenhearted 'yun eh." Sabi naman ni Seth.

Broken hearted? Nabo-broken din pala 'tong mga gangster na'to. Paano kaya? Pumapatay kaya sila ng lahat ng nakakasalubong nila? Creepy.

"Gago! Baka mapatay ka no'n." Sabi ni Zaine.

"Wahaha! Dadamayan na nga natin eh. Isabay na natin ang celebration ng accomplishment ni Jilliane." Sabi ni Seth saka tumingin sa'kin. "Ano, umiinom ka ba?"

Patay. Umiinom ako occasionally at mababa ang tolerance ko sa alak. "O-oo naman!" Sagot ko. Patay na, sige mag-sinungaling.

"Yun! Ayos. Siguradong mag-e-enjoy ka sa Spade Bar mamaya." Ani Seth.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon