X16

55.2K 1.7K 344
                                    

JILLIANE POV

Nakasimangot ako nang biglang um-akbay sa akin si Shawn. Ikinagulat ko iyon dahil may nag-react na something dito sa dibdib ko. Hindi naman siguro 'yun boobs ko, ano? Basta sa loob ng dibdib ko eh.

"S-Shawn.."

"Calm down. I won't eat you."

Nalaglag ang panga ko. Napansin niya yatang nagulantang ako sa pag-akbay niya. "Natural naman na hindi mo ako kainin. Pagkain ba ako? As far as I know, ipinanganak akong tao sa mundong ibabaw."

Nakatingin lang sa akin si Shawn. To be more specific, naka-pokerface siya sa'kin. Bakit na naman ba?

"What?"

He smiled a bit. Oh, yes! Ang gwapo niya talaga 'pag ngumi-ngiti. Parang 'di mamamatay tao. "You're unique that's why I like you."

I gulped. Ano ba naman 'tong si eyeliner. Hindi man niya naiisip na awkward sa'kin tuwing sasabihin niyang gusto niya ako. Kahit naman ilang araw na mula no'ng nag-confess siya sa'kin, hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako.

"A-Ah, Shawn, anong oras ang transaction natin mamaya? Sinong client? Si Mr. Yakamahal ba ulit?" pilit kong binago ang usapan. Ayoko ng topic eh. Nakakahiya kaya. Kese nemen eh.

"Yakamahal?" he looks confused.

Napaka-slow talaga ng gangster na'to. Hindi ba niya na-gets na nagjo-joke ako. Ay, napaka-kj. "Yakamura, I mean, 'to naman, nagbibiro ako eh." Sabi ko. Im still trying to make myself comfortable with him. Mabuti nga at tinanggal na niya ang pagkaka-akbay sa'kin.

Nakatingin lamang siya sa'kin na clueless, then biglang tumango. "Mr. Yakamura? Not him. Iba." He answered seriously. Shemay, 'di niya talaga na-gets 'yung joke ko. Okay fine.

Tumango-tango ako. "Doon ulit sa pinuntahan natin noong last?"

"Yes. Doon naman lagi ginaganap ang transactions. Iba ibang tao, but all in the same room we used before."

I see. So talagang transacton room pala ng lahat ng gumagawa ng illegal ang pinuntahan namin noong last transaction.

"Shawn.."

Tumingin siya sa'kin. "Hm?"

"Paanong naging mapanganib ang black market? O iyong lugar na pinuntahan natin, safe na safe ba talaga doon?"

"No." Mabilis niyang sagot.

Napalunok ako. So nanganganib talaga ang buhay namin kapag naroon kami? Bakit parang hindi man lang natatakot si Shawn?

"Bakit nakikipag-transact pa kayo kung hindi naman pala safe? Para kasing kapag gano'n, inilalagay niyo ang sarili niyo sa kapahamakan."

"We're used to it. I am used to it. I'm not afraid of death."

I bit my lower lip. Ganito ba talaga siya ka-tapang o sadyang hindi lang talaga siya takot mamatay? Grabe naman pala ang mga gangster.

"Para saan pa't nag-gangster ako kung takot ako kay Kamatayan?" he said.

Huminga ako ng malalim. Oo nga naman. Buti nalang pala hindi ko naisipang maging gangster kasi takot ako sa kamatayan eh-pero, ba't nga ba ako mag-ga-gangster? Ni hindi ko nga alam na nag-e-exist pala talaga sila sa totoong buhay. Akala ko, sa mga books and movies lang sila nag-e-exist. But Xbang made me realized that gangsters are real even in the real world.

"Are you afraid to die?" he asked.

I looked at him. He's looking at me intently. "Yes. I am. Sino ba namang hindi matatakot na mamatay. Ako pa ang tinanong mo, napakaduwag ko at, wala pang masyadong alam sa totoong galaw ng mundo." I answered seriously.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon