JILLIANE
ANG lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Makakaharap ko nang muli ang taong kinamumuhian ko. Magkikita kami dito sa coffee shop. Hinihintay ko na lamang siya. Pumili ako ng pwesto na hindi masyadong matao. Sa may sulok ng coffee shop. Mabuti na lamang, tahimik dito dahil walang masyadong customer sa mga oras na ito.
Hindi ko alam kung paano ko siya sisimulang kausapin muli. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin nang hindi pinapairal 'yung galit na nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko rin alam kung makakaya kong pakalmahin ang sarili ko kapag kaharap ko na siya.
Naalala ko pa nang tawagan ko siya.
"H-Hey.." aniya sa kabilang linya.
Tumikhim ako at pinilit ang sarili kong kumalma. "Xking." Sambit ko.
"J-Jilliane. Fuck. I mean. Why... why did you call?" Kapansin pansin sa boses niya ang pagka-utal. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko kay Xking.
"I want to meet you. And talk to you."
Saglit siyang tumahimik. Tanging paghinga niya ang naririnig ko. Napakalalim at napakabigat ng bawat paghinga niya.
"Is it about Shawn? Or..."
"I can't tell you. Basta importante. If it's okay with you. If not, I'll understand. You seems busy."
"Uh, no. No. I am not busy. And yes, sure. Let's meet. When?"
Hindi talaga ako sanay na ang isang Xking Salvador ay magsasalita ng kalmado at hindi mo iisiping isa siyang masamang tao.
"Tomorrow afternoon. I will text you the address." Kaswal kong sabi.
"Hm, alright. See you."
Hindi na ako sumagot. Pinutol ko na ang tawag at doon, napahawak ako sa bandang dibdib ko. Ang lakas ng tibok.
Nag-angat ako ng tingin nang makarinig ako ng pagtikhim. Halos lumundag ang puso ko nang makita ang taong... nagpaparamdam sa akin ng sakit. Sakit na hindi tulad ng mga epidemya na kayang gamutin ng gamot. Kung hindi sakit na hindi mo gugustuhung maramdaman dahil walang gamot ang makakapagpagaling niyon.
"Sit down." Pormal na sabi ko. Kinausap ko na ang sarili ko na kailangan kong lakasan ang loob ko sa pagharap sa lalaking ito.
Umupo siya sa tapat ko. Lumapit sa amin ang waiter saka nagtanong ng order.
"Tell him your order." Sabi ko sa kaniyan. He can't look at my eyes. Para bang iniiwasan niyang magtama ang mga mata namin.
"Just coffee." Sagot niya. Sinabi ko sa waiter ang order namin saka kami naiwang dalawa dito sa mesa namin.
Huminga ako ng malalim saka ko siya muling tiningnan. Mukhang hindi siya mapakali.
"Are you okay?" Tanong ko. Hindi ko alam kung tamang tanungin ko diya niyon. Kung tutuusin, ako dapat ang tanungin niya kung okay na ba ako. Wala ba talaga siyang pakialam sa feelings ko?
He nodded. "What are we going to talk about?" He asked.
Sasabihin ko na ba agad? I need to make sure na kalmado lang siya at hindi siya magsisisigaw o magwawala kapag sinabi ko ang tungkol kay Maximo.
"About your revenge to my family." Seryoso kong sagot.
Napansin kong nagulat siya. "You..."
Pinutol ko na ang sasabihin niya. "Yes. I know it. You're taking your revenge on my family using me. Right?"