Jilliane POV
Madilim. Wala akong makita. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero madilim pa rin. Kinabahan ako. Doon ko lang napansin na nangangalay na ang balakang ko sa pagkakaupo ko sa bakal na upuan. Nananakit ang katawan ko. Wala akong ideya kung bakit. Basta ang huling natatandaan ko ay may humila sa aking lalaki at isinakay ako sa isang kotseng itim.
Maximo.
Naalala ko nang ang huling makita kong tao ay si Maximo na nakaupo sa unahan ng kotse kung saan ako isinakay. Tandang tanda ko pa na nakangisi siya sa akin. Siya nga. Hindi ako maaaring magkamali. Sigurado akong siya iyon. Lalo akong kinabahan.
"Take off her blindfold." Narinig ko ang baritonong boses na iyon. Hindi ko mabosesan kung sino. Pero pamilyar.
Naramdaman kong may lumapit sa akin at tinanggal ang blindfold ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko saka dahan dahang nagmulat.
Sa una ay malabo pa ang paningin ko. Pero habang tumatagal ay unti-unti kong naaninag ang tatlong lalaking nakatayo sa harapan ko na ngayo'y unti-unti ng lumilinaw.
Si Maximo. At ang dalawang lalaking nasa magkabilang tabi niya ay hindi ko kilala na pawang nakasuot ng itim na damit. Malalaki ang katawan ng mga ito at seryosong nakatingin sa akin.
"M-Maximo..."
Ngumiti siya sa akin. Ngiting hindi ko pa kailanman nakita no'ng tumigil ako sa mansyon ni Xking. Noon kasi ay para siyang walang emosyon palagi.
"Glad you're awake, Miss Jilliane." He grins. Bahagya siyang lumapit sa akin. He lifted up my chin using his finger. "Nagiging pakialamera ka."
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakakatakot ang boses niya. Punong puno ng awtoridad na kailanman ay hindi ko narinig.
"A-Anong kailangan mo sa akin? B-Bakit..."
"Are you afraid of me, dear?" He asked while still grinning. His eyes were mad.
I gulped. Nakakatakot ang itsura niya. Ang mga tingin niyang parang nangagalaiti sa akin na anytime na gustuhin niya akong patayin ay gagawin niya.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko. "H-Hindi ako natatakot sa 'yo. S-Saka bakit naman ako matatakot sa iyo. Hindi ka naman masama." I was trying to compliment him dahil ayokong ipakita sa kanya na alam ko ang maitim niyang balak kay Xking. Ayokong mahalata niya na may alam ako.
Tumawa siya na animo'y isang kontrabida sa mga pelikula. "Ako, hindi masama? Iyan ang pagkakakilala mo sa akin, dear."
"A-Ano bang sinasabi mo..."
Sumeryosong muli ang mukha niya saka tumingin sa mga mata ko.
"Matalino ka. Pero mas maigi na 'yung matalino ka lang. Hindi ka na dapat nakialam. Hindi ka na dapat nakisawsaw."
Mas kumabog ang dibdib. May alam ba siya? Anong nakikisawsaw? Ibig sabihin, alam na niyang alam ko at ni Xking ang kasamaan niya? Pero paano? At sa pagkakaalam ko nasa Canada siya ngayon. Iyon din ang alam ni Xking. Paanong narito siya sa Pilipinas.
"Ano bang sinasabi mo?" Nilakasan ko ang loob ko. Sa mga oras na ito alam kong walang nakakaalam na nasa panganib na ako at narito, hawak sa leeg ni Maximo.
Muli siyang tumawa ngunit peke iyon. "Pinapabilib mo talaga ako, iha." Lumayo siya ng kaunti sa akin ngunit hindi niya inaalis ang kakaibang tingin niya sa mga mata ko. "Aktres ka na pala ngayon."
Lumunok ako. "Diretsahin mo ako. Wala akong oras na isipin ang mga sinasabi mo." Unti-unting nawawala ang kaba ko. Hindi ko alam kung bakit pero ayokong ipakita kay Maximo na natatakot ako sa kaniya---na 'yun naman talaga ang nararamdaman ko ngayon.