chapter 3

8 1 0
                                    

LUNES matapos ang unang subject sa school ay wala akong gana kumausap ng kahit na sino nakatulala lamang ako habang nakapatong ang baba sa aking dalawang kamay.  Tatlong araw na rin simula may mangyare sa amin ng mga kapatid ni Ishie at tatlong araw ko na rin iniiwasan ang kaibigan. Hindi naman ako galit kay Ishie ngunit hindi ko rin talaga alam kung papaano ito kahaharapin. Simula rin ng araw na iyon ay hindi ko pa ito nagawang replyan manlang kahit pa ang mga bagong mensahe nito.  At bukod sa akin, si Ishie at mga kuya niya at wala nang iba pang nakakaalam sa nangyare.  Wala rin akong lakas ng loob ipaalam iyon kay Mommy o kahit kanino,  mas mabuti pa nga sigurong ibaon ko nalamang ito sa limot hanggang sa aking kamatayan.

"Clowie bakit tulala ka?" biglang pansin sa akin ng kaibigan kong Bakla, si Elmer na noo'y akin ding kaklase.

"Ha?" pag mamaang maangan ko na kahit malinaw at malakas naman ang pagtatanong ni Elmer ay tila wala parin akong narinig o na-intindihan.

"Sabi ko sis bakit tulala ka? At saka ako lang ba ang nakapansin na hindi na kayo nagkakasama ni Ishie?" ani pa ni Elmer na tila'y nilalansi ako upang bumigay at mag kuwento, pero bumuntong hininga lamang ako bago sumagot sa sinabi niya.

"May iniisip lang ako." maikli at sinadyang hindi sagutin ang panglalansi niya patungkol kay Ishie.  Ayaw kong malaman niya ang nangyare kaya't wala akong sinasabi.

"Ay deadma sa sinabi ko tungkol kay Ishie ha? So L.Q kayo ng besty mo? Sabi naman kasi sayo sis she's not good for you. Pustahan trinaydor ka niya 'no?" Mataray at nang ookray na ani ni Elmer. Hindi ko ba malaman-laman sa mga kaklase at malalapit kong kaibigan pero marami silang sinasabi tungkol kay Ishie noon pamang bago ko palang silang makilala at maging kaibigan.

Grade 9 kami noon nang makilala ko ito at si Ishie. Dalawa lang ang aking bestfriend pero marami akong kakilala at malalapit na kaibigan, ngunit simula't sapul palang ay hindi na naging okay si Elmer at Ishie sa isa't isa kahit hanggang ngayon na gra-graduate na kami sa senior high school at never nilang pinaalam sa akin ang dahilan, ang alam ko lang ayaw nila ang isa't isa.  Transferee lang ako sa Hearts Academy lumipat ako rito noong grade 9 kaya mas kilala ni Elmer si Ishie kumpara sa akin, gayon paman kahit minsan ay wala namang pinakitang masamang tinapay sa akin ang kaibigang si Ishie at para na kaming magkapatid kung mag turingan.

"Ikaw talaga, basta may hindi lang kami pagkaka-intindihan sa ngayon." ani ko nalang na sakto namang dumaan si Ishie sa labas ng classroom at nakatingin ito kung saan ako naroroon kaya naman agad akong nag iwas ng tingin, hindi ko kayang makipag tagalan ng titig sa kaniya.

"Sabi mo e. Basta binalaan na kita ha." Tango nalang ang naging tugon ko sapagkat wala talaga ako sa mood makipag kuwentuhan at buti nalang ay tinigilan niya na rin ako pagkatapos noon, kaya naman malaya akong nagpalamong muli sa sariling isipin hanggang matapos ang mga sumunod pang subjects.

Uwian na at mag isa nalang akong naglalakad papunta sa parking lot ng school, wala na si Elmer sapagkat may pinuntahan pa ito, pinili ko rin talagang tagalan ang paglabas sapagkat ayaw kong makasabay si Ishie sa parking lot. Wala naman akong taga sundo dahil wala naman akong daddy o driver, hindi ko alam kung buhay pa ba ang ama ko or kung nasaan man ito.  Ang Mommy naman ay busy sa kaniyang trabaho kaya nga binilhan nalang niya ako ng sariling kotse at in-enroll sa driving school para maging convenient parehas sa amin ni mommy dahil hindi na siya nito kailangan sunduin at hindi ko na rin kailangan mag commute.

Bago paman ako makarating sa kotse ay nakarandam ako na tila may nakasunod sa akin, nilingon ko ang palagid pero wala akong nakita. Maliwanag pa naman dahil sa mga ilaw pero mag aalas-syete na ng gabi.  Binalewala ko nalang ang pakiramdam na iyon baka kagaya lang noon isa lamang itong guni-guni.

Sumakay na rin ako sa kotse na halos wala pa rin sa sarili kaya naman nang tumunog ang aking cellphone dahil may tumatawag doon ay ganoon na lamang ang aking gulat. Tinignan ko ito at isang hindi kilalang numero ang tumatawag, nagtataka man ay nilalamon nanaman ako ng curiosity ko kaya sinagot ko ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TWO BIRDS IN ONE STONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon