chapter 2

11 1 0
                                    

KINABUKASAN maaga akong nagising na masakit pa ang buong katawan lalo na ang pagitan ng aking mga hita, ni umupo ay pahirapan. Agad kong nilibot ng tingin ang silid ni Ishie upang hanapin ito ngunit bigo akong makita ang siya.


Nanumbalik sa aking alaala nang panandalian ang nangyare kahapon at dahil doon ay muling tumulo ang luha sa aking mga mata, sinisisi ang sarili dahil kung hindi sana ako nagpadala sa kyuryosidad o 'di kaya'y naisip manlang i-lock sana ang pintuan ay hindi iyon mangyayari sa akin. Ngunit ganoon pa man ang ginawa sa akin nina kuya Earl at kuya Jhay ay hindi ko parin lubos maisip na nagawa nila iyon. Pinilig ko ang aking ulo upang iwaksi ang iniisip, nangyare na ang lahat at wala na akong magagawa. Isumbong ko man ang pangyayare kay Mommy pero malaking kahihiyan at kaguluhan lang iyon kaya pipiliin ko na lamang manahimik sa ngayon.

  Hirap at pilit kong tinayo ang sarili saka nagpunta sa banyo upang maligo, bawat daloy ng tubig sa aking katawan ay ramdam na ramdam ko ang kirot sa aking pagkababae na tila ba'y may sugat doon kaya naman minadali ko na ang pagligo upang matapos na at makaalis dahil hindi ko rin kakayaning makita pa ang mga kapatid ni Ishie, at kahit si Ishie ay hindi ko rin alam paano pa haharapin dahil sa pangyayari na alam kong wala naman itong kasalanan.

  Nang matapos sa pagligo ay agad ko rin nilisan ang bahay nila Ishie, sa byahe pauwi sa aming bahay ay humiling akong sana'y wala na ang mommy dahil ayaw kong mapansin niya may kakaiba o makita niya akong iika-ika at hirap lumakad dahil paniguradong uusisain niya ako't mahihirapang itago ang dahilan.


NANG makarating sa bahay ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala pa na ang sasakyan ng Mommy indikasyok lamang iyon na pumasok na ito sa trabaho kaya naman agad na rin akong pumasok upang makapag pahinga.


"Oh Ija, andiyan kana pala," Aniya ni Aling Martha nang makapasok ako, nilingon ko ito sa noo'y kalalabas lang na dinning area. Si Aling Martha ay ang matandang kasambahay namin at wala pa man ako sa mundo'y kasama na ito ng mommy kaya pamilya at tila lola ko na ito.

"Ah opo, may lakad kasi si Ishie kaya po maaga na rin akong umuwi. Akyat na po muna ako," ani ko saka dahan-dahang lumakad at pilit 'di pinapahalata ang ika-ikang paglakad ngunit bigo pa rin akong itago ito matapos niyang punahin ito.

"Aba Clowie, ano iyan bakit hirap ka yatang lumakad? Na paano ka bang bata ka?" Puno nang pag-aalala ang boses ni Aling Martha na akma pang lalapit kaya muli ko itong nilingon at nginitian.

"Ayos lang po ako, masyado po palang masikip sa hita ko iyong maong na short ni Ishie, sinubukan ko kasi kaya nagasgas po at masakit pero huwag na po kayo mag alala okay lang po." Pangungumbinsi ko pa habang nagdarasal na sana'y kagatin ni Aling Martha ang aking palusot.

"Ah eh bakit naman kasi gumagamit ka ng damit na hindi iyo, oh siya lagyan mo iyan ng pulbo upang hindi magasgas lalo at saka mabawasan ang hapdi. Umakyat kana at magpahinga, mamaya bumaba ka rito para sabayan mo ako kumain at nagluto ako ng paborito mong paksiw na bangus." Ganon na lamang ang pag ngiti ko nang bahagya hindi dahil pinagluto niya ng paborito kong ulam kundi dahil kinagat nito ang aking gawa-gawang dahilan, nagpaalam na rin ako kay Aling Martha at umakyat sa sariling silid.

Agad kong pinatay ang ilaw sa aking kwarto at ang tanging liwanag nalang ay ang kaunting sinag ng araw na tumatagos sa siwang ng nakasaradong blinds sa bintana. Kinuha ko rin ang cellphone sa aking bag saka tuluyang humiga sa kama upang tignan kung may mga mensahe roon at sa dami ng chat galing sa iba't ibang kaibigan at groupchat sa school ay tanging mensahe galing kay Ishie ang napili kong tignan.

Ishie: Bessy, I'm sorry for what happened. Umalis kana pala hindi ko namalayan and to be honest with you sinadya ko ring wala roon bago ka magising dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa iyo. Hiyang-hiya ako at higit sa lahat hindi ko alam paano kita haharapin. It's up to you if you will file a case against them, hindi pa rin taka ang ginawa nila sa'yo kahit mga kapatid ko sila.

Binasa ko lang ang message ng at hindi manlang nagawang mag abalang mag reply dito, sapagkat hindi ko rin naman alam ang dapat sabihin sa kaniya, naguguluhan pa ang isip ko.

"Palilipasin ko nalang siguro muna ang pangyayare bago ako mag de-desisyon kung anong dapat na gawin." ani ko sa sarili bago ipinikit ang mga mata upang makapag pahinga.


   -To be continued.

TWO BIRDS IN ONE STONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon