Birthday
Bukas na ang birthday party, that means bukas na rin ang mission namin. I heard August was invited. I don't know if this is all coincidence or maybe he's just famous that's why he's always invited. I was cleaning my gun right now. I've cancelled all my plans for tomorrow.
Vio was busy hacking and editing the guest list. We've planned that I'll be including those guests since may kakilala naman ako doon. Si Bri naman ay magpapanggap na barista. Masquerade party iyon kaya lahat nakamask, even the waiters. Kaya mas magiging madali ang lahat.
I was planning to rent a long dress for tomorrow's event. Mabuti na lang talaga at may connection kami roon at alam namin ang theme. Blue and gold ang theme for tomorrow and mabuti naman dahil babagay sa kutis ko.
"Vio and I will be bringing our earpiece except for you, baka mahalata ka. And if something happens, tawagin mo na lang kami. Nasa north part ako ng area," Bri ordered.
I just nodded. I went straight to the shop to look for a dress. Binati ako ng saleslady at dumiretso agad ako para maghanap ng damit. Good thing I found one. Binayaran ko naman na agad ito sa counter.
As for my make-up, Wave will handle it. Marami siyang kilalang make-up artist kaya doon na lang ako magpapamake-up. Hindi ako marunong pagdating sa ganoon kaya ipinaubaya ko na lang kay Wave.
Umuwi ako diretso sa basement at ipinahinga ang sarili ko para bukas. Gabi pa naman ang event bukas at mahaba-habang araw pa ang paghahandaan ko. But I'm a bit terrified, natatakot na baka kung ano ang mangyari sa akin.
And I hope August won't see me.
"I already included your name on the guest list. All prepared for tomorrow," Vio stated as he sat down on the dining chair.
"Okay. Settled na ang lahat. Just don't forget our plans and do your job," si Bri naman ngayon ang umimik. "Nakabili ka na ba ng gown mo for tomorrow? Maraming mga mayamang businessmen ang aattend bukas. You must look presentable,"
"I will," tipid kong sagot. "And yeah, I already bought one. May magm-make-up na rin. You have nothing to worry about,"
"Good." Bri smiled and I just continued eating.
Nang matapos kumain ay humarap lang ako sa laptop para mag-research sa mga guests bukas. Lalo na iyong mga miyembro ng sindikato at mga nagbebenta ng drugs.
All of them were I think in the 50's and early 60's. Tatlo ang pinakamalaking miyembro doon at ang iba naman ay sunod-sunuran na lang. As usual, August wasn't included in the list. But invited at all times.
Pinagtatakpan ba siya o sadyang wala lang siyang kinalaman sa lahat?
But I was really curious about him. I want to know more about him. Sa tingin ko ay siya ang makatutulong sa akin para makamit ang hustisya na gusto kong makuha para sa mga magulang ko. That's why I'm doing this.
Binuklat ko ang ilan sa mga files na sinend sa akin ni Vio through email. May isang grupo sila na lahat ay sindikato. I think they were all connected mula pa doon sa pagkamatay ng mga magulang ko. Even those people in the yacht.
The Lord
Iyon ang pangalan ng grupo nila. Nagmumula ito sa leader pero walang kahit na anong information maliban na lang sa code name.
Father.
Iyan ang nakalagay. Kasunod nito ay ang kaniyang kanang-kamay, I think? Wala ring kahit na anong impormasyon. May kani-kaniya silang code name to hide their identities para hindi sila mahuli. What a nice plan.
But, what we need to know is their leader. That person they're calling 'Mother'.
Kinabukasan, ang lahat ng mga kailangan ay settled na settled na. The things, guns, outfits, lahat iyon ay nakahanda na at susuotin na lang. We need to leave before 7pm dahil 8pm ang simula ng party. At medyo malayo ang lugar ng event.