Family
"My family will be here later. I cancelled all my appointments so you won't be alone," sabi ni August.
"Oh, okay. Anong magandang suotin?" tanong ko bigla sa kaniya.
"Lahat bagay sa'yo," sabi niya.
"Wow? You really speak Tagalog? All this time you can speak Tagalog? Akala ko puro English ka lang. Marunong ka naman pala, pinadudugo mo pa ang ilong ko!"
"Whatever."
Nagsuot na lang ako ng black halter top and a highwaist short. Bumaba na ako dahil malapit na raw ang parents ni August. Si August naman ay simpleng yellow shirt lang at gray short.
Maya maya pa'y may nag-doorbell sa labas. Bumukas ang pinto at nakita ko ang Mommy at Daddy niya and there was a kid! Kamukha ito ni August at mukhang kapatid niya.
"Good noon, son, hija." bati no'ng Dad niya.
"Good noon, Dad, Mom." bati ni August sa kanila at humalik.
"Good noon, Si— Dad, Mom." nahihiyang bati ko.
"Hello, sweetie. Hello, son." bati ng Mommy niya. "I brought your brother, nagliligalig siya at gusto ka raw makita."
Binuhat ni August ang bata at nilaro ito. So, may soft spot pala siya sa mga bata?
"Hello, hija. Ganiyan talaga iyang si August at ang kapatid niya. Spoiled na spoiled," sabi pa ng Mom niya. "Kaya excited na akong magka-baby kayo para iyon na ang kalaro ng kapatid niya!"
Natigilan naman ako sa sinabi niya at nasamid. Lumapit sa akin si August, bitbit pa rin ang bata. Pinabubuhat niya sa akin at nang alukin ko ay sumama naman sa akin ang bata.
Wew, ang gaan niya.
"Hello.." bati ko sa kaniya.
Ngumiti siya at kamukhang-kamukha niya si August.
"June. That is his name," sabi ni August.
Wow, month pala ang pangalan ng mga Lacoste na ito. Talagang pinag-isipan, huh?
"Hello, June.." bati ko. "I am Ate Isla," pagpapakilala ko pa.
"A-ate.. Isla.." he pronounced. Ngumiti ako dahil do'n.
"He looked so comfortable with you," his Dad said.
"Oo nga, hon, 'no? Bagay na sa kanila ang magkaro'n ng baby. Sana naman isang buwan after kasal, may good news na." pahabol pa ng Mommy niya.
What the hell, nap-pressure tuloy ako!
Kung alam lang nila na fake lahat ng mga sinasabi ko, hindi nila magugustuhan. At ngayon pa lang, nakikita kong masasaktan sila dahil sa mga ginagawa kong ito.
"Of course," August answered.
Tumaas naman ang kilay ko.
"But I'll ask my wife first since she will carry our child," pahabol pa niya.
"That's so sweet of you, son."
Umupo muna sila habang ako ay nilalaro si June. Hindi na siya umalis sa akin mula nang hawakan ko siya. Si August naman ay taga-alalay sa kaniya dahil hindi pa siya gaano straight maglakad.
Pinunasan ko ng pawis si June dahil kanina pa siya naglilikot dito sa bahay. Ang mga parents naman nila ay nanonood lang at talagang ipinaalaga muna sa akin ang anak nila.
Nagkaroon pa tuloy ako ng responsibilidad.
Kumakain kami ngayon at nakakandong si June sa mommy niya. Katabi ko si August na tahimik lang na kumakain. Kaunti lang ang kinain ko dahil hindi naman ako gano'n katakaw. Ayaw ko rin ng masyadong mataba, nahihirapan ako gumalaw.