Friend
"I'll go to your place," August ended the call.
Agad akong napabangon dahil sa sinabi niyang iyon. What the hell, hindi man lang siya nagpaalam, diretso talaga? Desisyon ba siya?
Inayos ko ang sarili ko at lumabas para tingnan si August. Nagmadali akong magpunta sa 7/11 para bantayan siya. Nakasimpleng suot lang ako ngayon dahil sa pagmamadali. Hanggang sa nakita ko na ang sasakyan niya.
Lumabas siya ng sasakyan and he was just wearing a simple navy blue shirt and shorts. Naka-slippers lang din siya pero amoy mayaman dahil sa porma niya. Nang nakita niya ako ay lumapit siya sa akin.
"Pack up your things," aniya.
"Huh? Bakit?" kuryoso kong tanong.
"We'll move into my mansion," nagulat ako sa sinabi niya. "Well.. a bit far from here. You don't need to bring your motor as well. I'll buy you one, or a car." sabi pa niya.
"Bakit biglaan? Mahilig ka talaga mangbigla, 'no?"
Natigilan siya sa sinabi ko.
"Mangbigla ng mga gagawin. Kadiri naman ang nasa isip mo!" singhal ko.
"I'll wait for you here for 10 minutes. I don't like wasting my time so please be fast." seryoso niyang utos. "Now, go. Get all your things especially the important ones."
Nagmadali naman akong pumasok sa amin at kinuha ang mga gamit ko. Nag-impake na ako ng gamit pati ang mga laptop at files ko ay dinala ko na rin. Nagpatulong ako kay Wave at nagulat pa siya sa ginagawa ko.
"Luh, akala ko kasal lang? Bakit ililipat ka niya ng bahay? Iniisip ba niyang pangit dito?" sunod-sunod niyang tanong.
"I don't know. Just help me,"
Nakapunta naman kami kaagad sa labas. August helped us carry the things and put it in the compartment. Si Wave naman ay nakatingin lang sa amin habang naglalagay ng mga gamit sa likuran.
"Sigurado ka bang isasama mo na si Isla?" tanong niya kay August.
"Yes. Don't worry, I'll take care of my wife." aniya pa. "Thank you for helping her. We'll go now,"
Nagpasalamat ako kay Wave at sumakay na sa kotse ni August. Pinaandar na niya ito at tahimik lang kaming dalawa. May music naman kaya hindi masyadong awkward para sa amin. I was just watching those cars outside.
"Tell me your hobbies," pagbasag niya ng katahimikan.
"Wala," diretso kong sagot.
"Really? You don't even want to crochet? Read? Or anything?" tanong niya pa.
"I do. Why do you ask?"
"I will buy you things when I'm at work so you won't be able to feel lonely." he answered. "So tell me. What are your hobbies? Or, what do you want me to buy?"
"I do baking. Buy me ingredients,"
Madali naman akong kausap. Gusto niyang bumili, edi bumili siya. Hindi ko naman pera ang gagamitin at kaniya naman kaya ayos lang sa akin iyon. Advantage.
"What else?"
"Wala na. Iyon lang naman ang ginagawa ko kapag bored," sabi ko pa. "Ay, buy me some wines."
"There's a lot of wine in our house,"
Our house.
Hindi ko ma-imagine na sa iisang bahay kami titira at ano? Tabi kami matutulog? Hindi ko iyon kakayanin. Baka rin naman ayaw niya. Tatanungin ko na lang siya mamaya.