Marlboro

10 2 0
                                    

" Masangsang at nakakasulasok na amoy na umaabot sa bawat parte ng katawan. Tahimik na pinapatay ang bawat selulang nahahagilap ni--" ughh di ko alam, bahala na.


"Ayan, tapos na! NSPC, here I come." mahinang bulong ko. Natapos ko ang sinusulat ko just in time.


"If you're done please pass your papers upfront and quietly exit the room," Tumayo ako at binigay ang papel ko sa proctor 'tsaka umalis.


"Ang init naman dito! Gusto ko nang umuwi!" tama ka diyan sis, siguro sa susunod na buhay pa maaayos 'tong pag-init ng mundo. Hindi naman ata 'to ganito ilang siglong nakalipas ah.


"Kumusta ang pagsusulat? Sabi ni Carmen, ngumingiti ka raw mag-isa sa habang lumalabas ng silid," ani ni Ramon. Napaka-tagalog naman ata ng nilalang na 'to.


"Ramon, this is the 21st century, pwede nang hindi straight tagalog ang sinasabi mo," napakamot siya ng batok na nginisian ko lang bilang tugon.


"Carmen, Ramon, saan na ang mga kasama niyo?" ani ni sir JR.


"Palabas na po ang Feature, sir. Lumabas naman si Ely at Tasia, bumili lang ng tubig,"

Ang init talaga!


"Tara gala! Kaysa naman magmukmok ka diyan," aya ni kuya Mark. Hindi nga namin alam papaano mag-commute tapos nag-aaya siya ng gala sa lugar na hindi kami pamilyar? Sige!


"May nahanap akong cafe, malapit lang dito. Cafe Bluestream daw," rekomenda ni ate Annie. Pagkadating namin sa quarters ay nagsibihisan na ang lahat nang dumating si Ma'am Marga.


"Sa'n kayo?" tanong ni ma'am.


"Cafe lang ma'am, init eh,"


"Sige, mag-ingat kayo ah at hindi pa kayo pamilyar sa lugar na 'to," umalis na si ma'am at nagvideoke sa teacher's lounge. Pagkalabas namin ng school, naglakad kami papuntang crossing para makakuha ng tricycle. Habang naghihintay ng masasakyan narinig naming mag-usap ang grupo ng mangingisda.


"Oo pre, kabalo ba ka nga patay na si Domeng," narinig ko ang samo't saring emosyon ang ipinakita ng mga mukha at reaksyon nila.


"Kadungog ko nga nadulaan daw siya sang kapri didtos ubos--" saad ng manong ngunit naputol ang sinabi niya nang narinig kong tinatawag na ako.


Kapre? Dito? Matagal tagal na rin mula nang huli akong nakakita ng kapre.


"Carmen, tara na, wag kang maki-tsismis diyan at wala ka naman naintindihan." tawag saakin ni Ramon. Siraulong yon baka narinig nila kuya, makaalis na nga baka sabihin pa nila na chismosa ako.


Nakaupo na kami sa loob at buti naman at walang tao kaya't maaari kaming mag-ingay. Naglaro kami ng guessing games nang may pumasok na bata sa loob at umupo sa table na may two-seater.


"Perdon, senyorita?" may naramdaman akong kumalabit saakin at nang lingunin ko, nakita ko na ito yung batang bago lang pumasok.

Dungaw sa LagusanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon