Di ko naman aakalaing aabot sa 15 na reads tong stuury ko hihi Salamat po! Chapter 1 coming up!
____________________________________
[[[POV Cairon]]]
"Psssst..." Sabi ng isang di kilalang boses na nakapang gising sakin.
"Pssst... Pst.. Pst-pst..." Tuloy-tuloy pa itong sumisitsit at ako'y naasar na.
"Shit!" Anong meron dito??! SINONG BALIW ANG HUMAGIS NG KUTSILYO SA MAY ULO KO?!!" Sigaw ko pagkakita-kita ko palang ng kutsilyo.
"SI-SINO KA??!" Tanong ko sa taong kaharap ko."Simple lang. I'm your worst f*c*i*g nightmare." Ngiti nya sakin ng mala-ahas.
"So. Handa ka na ba?" Dugsong pa nya at-
__________________________________
"Shit!" Bangon ko sa aking kama at kinapa-kapa ko ang katawan ko kung kompleto pa ba.
Bumalik ako sa pagkakahiga at pagkalingon ko sa aking kaliwa..."AAAAAHHHH!!!" Napabangon ako sa aking hinihigaan. Nasa kama ko ngayon ang kapatid kong duguan. May dalawang kutsilyong nakatusok sa kanyang mukha. Halos di ko na sya maitsurahan dahil tatdtad ito ng saksak.
"HINDI ITO TOTOO!" Iniiyakan ko ngayon ang kapatid kong wala nang buhay.
May sumipol sa aking likod. Nanginginig akong humarap sa kanya sa bilis ng pangyayari, Hawak ko na ang kutsilyo na nakabaon sa aking dibdib habang sya ay nakangiti parin sa akin. Hanggang sa......
"AAAAHHH!!" Sht! Nahulog ako sa kama.
"Oh, kambal? Anong naisipan mo naman at napili mo pang gumulong sa sahig? Bored ka siguro ano?"
"Kambal? Buhay ka??" Hinawakan ko sya sa mukha at sinampal sampal.
"Huh? Anong tingin mo sakin? Minurder??" Takang tanong ni sa akin.
"Kumain ka na pati at papunta na tayo sa Batangas." Dagdag pa nya.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"JARED CAIRON RODRIGUEZ. Kahapon mo lang sinabi na sa Batangas tayo lilipat at dun na mag aaral." Ay oo nga pala. Nakalimutan ko lang siguro dahil sa bangungot na yan. At BAKIT naman ako magkaka bangungot na ganun? Wag mo na nga lang isipan yan.
"Tara na?" Tanong nya sa akin at hinila na ako palabas.
____________________________________
A/n: Puputulin kopo muna sa yung Chapter 1 sa 2 parts ^_^V
BINABASA MO ANG
Kuebiko: Bloody Truth
Mystery / Thriller40 matatalino't sikat na estudyante sa La Gaudiére Academy ang sasabak sa larong di nila inaasahang magiging bangungot sa kanila. Ikaw, May balak ka din bang sumali sa larong ito?