[[[PoV Autumn]]]
Dinala na ng mga lalake ang bangkay ni Sinteya at Martin. Kaming apat naman ay namahinga na sa inn.
"Pasalamat tayo kay Martin at may clue na tayo" sabi ko sa kanila.
"Pero sino naman ang pinsan nya dito?" Tanong ni Zea sa akin. Sino nga ba ang pinsan nya?
"Lalake ang tingin ko. I-compare natin ang mga mukha nila Kay Martin kung may kamukha" request ko.
"O kaya tanungin natin mga middle names nila" request din ni Daisy.
"Ang kambal lang at kayo ni Zea ang magka-apelido" sabi ni Cath.
"Oo nga pero middle name? Madami tayong di kilala sa kaklase natin. Eh halos tayong apat lagi ang magkakasama this 3 years" sabi ko sa kanila.
"Better na magtanong na tayo" sabi ni Zea at sumang ayon kami.
________________________________
Naghiwa-hiwalay kaming apat. Ako ang titingin sa kanila kung sino ang kamukha ni Martin.
"Oy kambal!" Lumapit sila sa akin at malalim kong tinignan ang mukha nila.
"Wala! Bored lang ako HAHA!" Tawa ko at umalis na rin. Hindi sila.
.
.
.
"Chloe!" Sigaw ko din sa kanya. Tulad ng ginawa ko sa kambal, tinignan ko si Chloe."Like eww! Anong tinitingin-tingin mo sa akin?!" Maarte nyang sabi. Nope. Hindi din sya.
"Wala! Ang ganda mo hihi!" Sabi ko sa kanya
"Plastik" bulong nya at umalis na ako. Nakita ko si Jace kasama si Cath. Nag iimbestiga na din sya.
_______________________________
"Oh. Anong nasagap na balita?" Tanong ko sa kanila.
"Negative" malungkot nilang sabi.
"Pero may nalaman ako. Mag business partners ang magulang ni Martin at Jace. At si Rose dating classmate ng mommy nya ang daddy ni Martin" sabi ni Cath.
"Meron din ako. May umiiwas sa topic" sabi ni Zea.
"Sino?" Tanong naming tatlo.
"Chloe, Lexi at Felix" sabi ni Zea.
"Sagot nila ayaw nilang pag usapan ang taong patay na at bakit kailangan ko daw malaman" dagdag nya.
"Kayo Daisy at Autumn? Sino ang kamukha ni Martin?" Tanong ni Cath sa amin.
"Celine, Jace at Zeus" sabay naming sabi ni Daisy. Napangiti naman ako at magkapareho kami ng sagot.
BINABASA MO ANG
Kuebiko: Bloody Truth
Mystery / Thriller40 matatalino't sikat na estudyante sa La Gaudiére Academy ang sasabak sa larong di nila inaasahang magiging bangungot sa kanila. Ikaw, May balak ka din bang sumali sa larong ito?